ILANG araw na din ang lumipas at sa araw araw na yun ay walang pagsidlan ang aking kaligayahan.
Kahit hindi ko tiyak kung ano ang estado ng relasyon namin ni Marco ay nararamdaman ko naman na masaya siya sa piling ko.
Napapansin na din nila nanay ang pagtitinginan namin pero hindi naman sila tumututol o kung anu pa man.
Ewan ko lang pero kung may ayaw naman kasi sila ay sinasabi nila. Na sana hindi kasali si Marco sa mga ayaw nila para sa akin.
"O Dei anak, tawagin mo na si Marco at ng makapag agahan na kayo. Pupunta kayong bayan ngayon di ba?"Tanong ni nanay.
"Opo nay. Sabi ni Julie nandyan na si Doc Martinez. Kahapon lang dumating. At tiyak kompleto ang mga gamot na dala niya kaya tiwala akong gagaling agad si Marco kapag ganun!" Masigla kong sabi saka ako tumalikod para pumunta ng kwarto ko.
Hindi na ako kumatok dahil nasanay na rin ako na pumapasok kahit alam kong may tao sa loob. Saka kwarto ko 'to noh!
Nakita ko si Marco na nakatingin na naman sa bintana ng aking kwarto. Mukhang malalim ang iniisip. Siguro pinipilit niyang maalala ang lahat. Ang nakaraan niya...
"Magandang umaga Marco!" Pinasigla ko ang aking boses habang binabati siya.
Napalingon siya sa akin at binigyan ako ng matamis na ngiti na palage niyang baon para sa akin. Haay... Sana ganito na lang lage..
"Mas maganda ka sa umaga mahal kong Thadei.." O lord, parang hihimatayin yata ako sa kilig!
Kunyari hinampas ko siya sa kanyang balikat. Tsansing lang sa umaga para mas lalo akong ganahan.
"Wag ka ngang ganyan! Pasalamat ka sobrang gwapo mo hmmp! " Tumawa lang ang anghel na nasa harap ko.
Hinila ako ni Marco at napasubsob ako sa kanyang matipunong dibdib. Masuyo niya akong niyakap at kinintalan ng halik sa aking noo.
"There.. I want to feel your warmth.. Alam mo bang malamig kagabi? Wala akong katabi matulog.." Mahinang sabi niya sa akin.
"May kumot naman a? Saka sinusunod ko lang sila nanay. Baka daw gapangin mo ako." Sabi ko pa pero ang totoo ako ang sinabihan ni tatay nun na baka gapangin ko daw si Marco. Pano yun nalaman ni tatay?
"I won't do that... Unless you allow me to, baby. " Sabay kindat niya sa akin.
Oh my! Tinapay ni monay! Grabe na ang kilig ko. Pasimple ko na namang hinawakan ang aking panty. Baka malaglag bigla. Mahirap na. Matuloy pa ang digmaan. Syempre kailangan ko yung paghandaan. Rawr!
"Mamaya mo na ako landiin, kailangan na nating kumain dahil pupunta tayo sa bayan! " Lumundag pa ako.
"You seem so energetic about it, huh? " Amused na tanong niya.
"Maganda sa bayan Marco, maraming paninda tapos ang babait din ng mga tao doon. Tapos masarap ang tinapay na gawa ni Monay!" Palakpak ko pa.
"I wanna met her because it seems you like her bread a lot. " Ani Marco.
"Her? Hindi noh! Him yun. Lalaki si Monay, straight na straight. Ang gwapo gwapo nga din non e. Kaya mabenta ang tinapay. Gusto ko nga mag apply na tindera dun." Masayang sabi ko.
Biglang nagdilim ang paningin ni Marco. Gumagalaw din ang panga niya na parang hindi niya nagustuhan ang mga sinabi ko. At humigpit ang yakap niya sa akin.
"Ma-marco.. Te-teka. Nasa-saktan ako. Ano ba?". Nanindig ang balahibo ko ng makita ko ang matalim niyang titig sa akin. Ang malagintong mata ni Marco ay biglang nanlamig.
BINABASA MO ANG
𝐼𝑛𝑜𝑥𝑒𝑛𝑡𝑒𝑠 1: 𝒮ℯ𝒾 𝒯𝓊𝓉𝓉ℴ 𝒫ℯ𝓇 ℳℯ♡
RomanceThadei only wants a peaceful and happy life in Isla Amore. Just being with her parents and best friends is already enough for her. But an unexpected event rendered her speechless and changed the course of her life on the island. She met the mysteri...