CHAPTER 3

4.6K 148 39
                                    

NANG nakauwi kami ni tatay sa aming bahay sakto namang bumuhos muli ang malakas na ulan.

Dahil wala namang ibang kwarto na pwedeng paglagyan kay Marco ay nagpasya si tatay na dalhin siya sa aking kwarto. Bigla tuloy ako kinabahan dahil doon. Pero alam ko naman na walang alam si tatay sa lalaking isinama at tinulungan namin. Na siya rin ang lalaki sa mga panaginip ko. Haay..

"Thadei, anak, kumuha ka muna ng malinis na damit ko sa kwarto namin ng nanay mo at nang mapalitan natin ang suot niya. Mabuti na lang at nakita natin siya bago nagtuloy-tuloy ang malakas na buhos ng ulan dahil kung hindi, baka mayroong paglamayan sa susunod na araw." Ani tatay.

"Okay po 'tay. Kukuha na din ako ng pamunas para malinisan natin ang sugat niya."

Sumulyap muna ako kay Marco bago ako lumabas ng aking kwarto. Palakas nang palakas ang buhos ng ulan.

NANG makabalik na ako sa kwarto ko, nakita kong nandoon na rin si nanay. Mukhang nasabi na ni tatay sa kanya ang nangyari. Halata sa mukha niya ang pag-aalala.

Inilapag ko ang palanggana na may maligamgam na tubig at pamunas sa maliit na mesa malapit sa higaan ko at akmang pupunasan ko na siya nang pigilan ako ni tatay.

"Teka, anak. Bibihisan ko na muna siya at ng kahit papano ay maging komportable siya. O s'ya lumabas muna kayo ng nanay mo. Tatawagin kita dahil ikaw ang magpupunas sa kanya. Gamutin mo na rin ang mga sugat niya sa mukha. At sa braso niya." Sabi ni tatay.

"Sige ga, ipagluluto ko siya ng sopas at baka maya-maya ay magising siya. Nilalagnat din ang binatang ito. Pero teka, ano nga pala ang pangalan niya? Anong itatawag natin sa kanya?"

Ayaw kong magsinungaling sa kanila pero dahil minsan nga marupok ako kaya bigla kong nasabing. "Marco."

Lumingon sa akin sila nanay at tatay at parang hindi pa sila makapaniwala no'ng sabihin ko ang pangalan niya.

"Teka anak, paano mo naman nasabi na Marco ang pangalan niya? Sinabihan ka ba niya? Nagkausap ba kayo? O gawa-gawa mo lang yan? Aba, minsan narinig ko kayo ni Julie na pinag-usapan ang Marco na pangalan. Tama ba?

Napangiwi ako sa sinabi at tanong na rin ni nanay. Bruha talaga, wala kasing preno ang bibig kaya narinig tuloy kami.

"Hindi 'nay oi, bago siya tuluyang mawalan ng malay ay naitanong ko ang pangalan niya at sinabi niya na Marco daw ang pangalan niya. May kadugtong pa nga kaso di ko na narinig.." Patawarin nawa ako ng panginoon sa munting kasinungalingan ko.. Mahabagin..

"O s'ya lumabas na kayo at nang mabihisan ko na itong si Marco." Ani tatay.

At dahil nga minsan gumagana ang pagkapilya ko kaya humarap ako kay tatay. At binigyan ko siya ng matamis na ngiti.

"Uhm.. Tay.. Baka naman.. Pwedeng ako na lang ang magpalit ng damit ni Marco?" Mas ngumiti pa ako sa kanya at siya naman ay sinamaan ako ng tingin.

"Thadei! Labas!" Biglang sigaw ni tatay.

Kaya napatakbo ako sa labas ng kwarto ko at napapahagikhik. Sumigaw pa ako.

"Baka naman po tay."

"Thadei!"

NAKATINGIN ako sa makisig niyang mukha habang maingat kong ginagamot ang sugat niya. Mataas pa rin ang lagnat niya at hindi pa siya nagigising.

Nag-aalala na tuloy ako. Wala pa naman kaming permanenting doktor dito sa isla kahit sa bayan nitong isla. Nasa lungsod si Doc Martinez at sa isang linggo pa iyon babalik dito sa isla.

"Hmm.."

Nabahala ako nang marinig ang ungol niya. Mukhang may masakit sa kanya.

Maya-maya pa'y iminulat niya ang kanyang mga mata at may ibinulong kaya nilapit ko ang tenga ko sa bibig niya.

𝐼𝑛𝑜𝑥𝑒𝑛𝑡𝑒𝑠 1: 𝒮ℯ𝒾 𝒯𝓊𝓉𝓉ℴ 𝒫ℯ𝓇 ℳℯ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon