CHAPTER 6

4.1K 139 63
                                    

"NAKAKAGIGIL ka!!"

Nakarinig kami ni Marco ng babaeng sumisigaw sa galit habang papunta kami sa bakery na pagmamay ari ni Monay.

"Sino kaya yun?" Tanong ni Julie.

"Pasok na lang tayo. Naaamoy ko na ang mabango at masarap na tinapay ni monay Lie!" Excited ko pang sabi sabay hila kay Marco na kanina pa nakabusangot.

Tinulak namin ang pintuan sa bakery shop at kaagad namin naabutan na hinahampas ng bag si Monay na walang magawa kundi iwasan ang hampas sa kanya na parang tuwang tuwa pa. Loko loko talaga.

"Hey, hey! Ikaw naman ang nakabunggo sa motor ko e na gamit pangdeliver tapos ngayon ikaw pa magagalit miss--- sino ka nga ba?" Sabay tawa nya na naman.

"Leche ka! It's Zai! Señorita Zai!" Aniya.

Lumapit sa akin si Julie at bumulong, "Naku dei, nandito pala ang aking future sister in law at pinapakita na naman niya ang kanyang mahabang sungay."

Natawa tuloy ako pero natahimik din ng makuha namin ang atensyon ng dalawa. At nakita namin ang maaliwalas na ngiti sa mga labi ni Monay.

"Mga mahal ko! Nandito na ang mga paborito kong costumers!" Akmang lalapit siya ng humarang sa kanya si Señorita Zai.

"Hep! Bayaran mo ang gasgas ng kotse ko kung hindi ipapasara ko ang cheap na bakery na'to! " Namumula na sa galit si Zai.

Matiim na tumitig si Monay sa kanya at pagkatapos ay hinila siya at bigla na lang hinalikan. Mahabagin! Ang inosenti kong mata!

Binitawan niya si Zai at napangisi, " Bayad na ako. Señorita. "

Napasigaw si señorita Zai sabay walk out. Habang si Monay naman ay ngingiti ngiti lang at napapasipol pa sa kanyang ginawa.

Nilapitan na namin si Monay at si Julie naman ay hinampas siya sa braso. At mukhang totoo ang hampas sapagkat napa aray ang pogi.

"Bakit mo siya hinalikan? Gago ka ba? Paano kung magsumbong yun kay Senyor Agustin? Eh di ipapasara ang bakeshop mo?! Wala na kaming mauutangan. Grr!" Pasungit na sabi ni Julie sa kanya.

Si Monay naman ay hindi maipinta ang mukha. "Wow Lei, i feel loved. Yun pala ang concern mo kasi di kana makakautang. Kayo ha, masyado niyong inaabuso ang kabaitan at kapogian ko. Sige kayo, nabibilang na lang sa mundo ang mukhang ito." Ngisi pa niya.

Kami naman ni Julie ay napatingin lang sa kanya na parang sinasabi namin sa kanya na "joke ba yan?" Habang si Monay naman ay tumatawa.

Likas na masayahin si Monay kung kaya palaging nauubos ang mga tinapay sa bakeshop niya.

"Lander umayos ka nga, nakakahiya ka." Sabi ko pa at napatigil na siya sa pagtawa at pumunta sa likod ng estanti na lagayan ng mga masasarap niyang tinapay.

Napatingin siya sa gawi ni Marco at nakita kong parang nagulat siya maya maya'y napangiti. Tiningnan ko naman si Marco at hindi ko siya makitaan ng emosyon sa kanyang mukha bukod sa pagkabusangot ng mukha niya.

"So, totoo pala ang sabi ni Doc Martinez---" sabay tingin niya kay Marco at ngumiti ng makahulugan na hindi nakaligtas sa aking paningin. "Na may estranghero sa bayan na ito. Kamusta pare? Lander nga pala pero mas kilala ako sa pangalan na Monay ng dahil kay Thadei." Sabay tingin niya sa akin at kindat.

Biglang pumulupot ang mga bisig ni Marco sa aking bewang bago siya nakipagkamay kay Monay.

"Marco." Walang emosyon niyang sabi.

"Hmm.. Marco pala." Ngumiti na naman si Monay na parang ewan lang. "O mga paborito kong costumer, pili na. May bagong luto na chicken bread dyan, di ba paborito mo yun Dei? "

𝐼𝑛𝑜𝑥𝑒𝑛𝑡𝑒𝑠 1: 𝒮ℯ𝒾 𝒯𝓊𝓉𝓉ℴ 𝒫ℯ𝓇 ℳℯ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon