DEDICATED TO: signorazai ❤️ Sana mapasaya kita sa chapter na ito. Wag ng sad. 🤧 Love you! 🥰😘
💐💐💐
"Baby sit down ka lang ha? Naiihi na si momma, huwag kang malikot please."Ngumiti kay Ade ang anak at nag-thumbs-up . "Yes po momma. Little First will behave sobwa!"
Bahagyang natawa si Ade sa sinabi ng anak at hinalikan ang tungki ng ilong nito pagkatapos ay tinungo niya na ang banyo sa loob ng office clinic ni Doc. Yu.
Hindi naman siya nagtagal sa loob pero laking gulat niya ng pagkalabas niya ng banyo ay wala na doon ang anak niya.
Nabalot agad ng takot ang puso niya at dali dali siyang lumabas para hanapin ang anak.
"First? First?!" Lakad-takbo ang ginawa niya dahil hindi niya pa din makita ang anak niya.
Natatakot siya dahil baka kung ano na ang nangyari dito. Nasa dulo na siya ng pasilyo ng makita niya ang isang pintuang may nakasulat na conference room at laking pasasalamat niya na doon ay nakita niya ang anak. Nasa likod ito ng isang doktor at palinga-linga ang anak niya na parang may hinahanap.
Lumingon ito sa direksyon niya. Nanlaki ang mga mata nito at masayang tumatakbo papalapit sa kanya.
"Momma!" Sabay yakap sa kanya ng anak. "I was looking for Doctor Yu. Tagal tagal niya po kasi eh."
Yakap yakap niya pa rin ang anak at kinarga niya na din ito.
"Little First.. Please don't do that again.. Natatakot si momma eh.." Madamdamin niyang pahayag sa anak niya.
Niyakap siya ng mahigpit ni First kapagkuwa'y hinalikan siya nito sa buong mukha. Napangiti na si Ade sa ginawa ng anak niya.
Nagsimula na silang maglakad pabalik sa office clinic ni Doc Yu nang maramdaman niya ang paggalaw ni First.
"Baby.. Wag kang malikot."
"Sorry mama, nagbabye lang po ako kay doc." Anas ng anak niya.
Nilingon ni Ade ang tinutukoy ng anak at doon ay nakita niya ang isang lalaking nakatalikod at naglalakad na sa kabilang direksyon habang may kasabay at kausap itong nurse. Nagkibit balikat na lang si Ade at pinagpatuloy niya na ang paglalakad.
"WOW! Your heart is in good condition Little First right now! Good boy ka siguro kay momma kaya nagiging good din ang heart mo. Keep it up buddy." Nakangiting turan ni Doktor Yu sa kanyang mukha pasyente.
Habang si First naman ay napapapalakpak at halata sa mukha nito ang kagalakan ng marinig ang magandang balita ng doktor.
"Yehey! Yehey! Thank you Doc Ymar Yu!" Pasasalamat ni First dito.
Nakita ni Ade ang pagngiwi ng gwapong doktor dahil sa pagbigkas ni First sa kompletong pangalan nito.
"Ahm, call me Doc. Yu little First, maybe?" Mahinahon nitong sabi kay First.
"Owkie po. Owkie!" Ang lapad pa din ng ngiti nito.
Maya maya ay tumingin kay Ade ang kanyang anak at medyo maluha luha pa ang mata nito.
Alam niya ang mga titig na yon. He wants his "dede time". At hindi niya iyon kayang tanggihan pero bigla siyang nakadama ng uneasiness dahil sa presensiya ng doktor.
"Baby.. Pwedeng maya maya na lang?" Siya naman itong nakangiwi ngayon.
"But mama.. I want it now.. Please po.." He showed her his puppy eyes look.
BINABASA MO ANG
𝐼𝑛𝑜𝑥𝑒𝑛𝑡𝑒𝑠 1: 𝒮ℯ𝒾 𝒯𝓊𝓉𝓉ℴ 𝒫ℯ𝓇 ℳℯ♡
RomanceThadei only wants a peaceful and happy life in Isla Amore. Just being with her parents and best friends is already enough for her. But an unexpected event rendered her speechless and changed the course of her life on the island. She met the mysteri...