SPECIAL CHAPTER TWO: ITALIA
"WOW MOMMA! We're in a palace!" First Knight cheerfully said to them while they were making their entrance to the Dashwood's Grand Palace in Italy.
At kaparehas ni Knight ay manghang-mangha rin siya sa napakalawak at napakagandang palasyo na akala niya ay sa mga palabas niya lang makikita.
Nang huminto ang limousine na sinasakyan nila ay nakahanda na ang mga sundalo ng palasyo para salubungin sila. Nakahilera ang mga ito sa magkabilang daanan kung saan sa gitna ng mga ito ay makikita ang red carpet na nakalatag upang daanan nila.
Thadei felt uneasy so suddenly. Hindi siya sanay sa ganito kagarang buhay. Pero dahil mahal niya ang kanyang asawa ay kailangan niyang gampanan kung anuman ang nakaatang na gawain ng isang asawa ng prinsipe. She knows that her husband won't let her feel down or anything. She managed to exhaled and inhaled the air in her lungs to lessen the nervousness and uneasy feeling that she's having right at this moment. Mahabagin Dei. Kaya mo 'to!
The door to her side opened and she saw her handsome husband softly smiling at her while leaning his hand for her to reach it. And so, she grab his hand and let him guide her to walk inside the palace.
Karga-karga ni Marco ang kanilang anak habang hawak-hawak naman nito ang kanyang kamay at dahan-dahan silang naglalakad sa carpeted na sahig at sa dulo niyon ay naghihintay ang dalawang taong napakahalaga sa buhay ng kanyang asawa.
Nakaupo sa wheelchair ang isang napakagandang babae at tiyak niyang iyon ang ina ng kanyang asawa. Parehas na nakasuot ng korona ang mga ito habang nakangiting nakatingin sa kanila ng asawa niya.
"That's the king and the queen, baby. Meet my parents." Marco whispered in her ear.
Huminga ulit ng malalim si Thadei dahil kinakabahan na siya ng mga oras na iyon. Nakakalula ang karangyaan na tinatamasa ng kanyang asawa- na tinatamasa niya na rin. Pero hindi niya pa rin maiwasan na kabahan, lalo na't may dugong maharlika ang kanyang asawa at ang pamilya nito samantalang siya? Dugo ng isang taga-isla. Napatawa tuloy siya sa kanyang isipan nang maisip niya ang klase ng kanyang dugo. Ni hindi niya nga namalayan na nakalapit na pala sila sa hari at reyna.
"Papa.. Mama.. It's so good to see you!" Niyakap ni Marco ang mga magulang habang karga-karga pa rin ang anak nila na tahimik lang na nakatingin sa kanila.
The king chuckled. "Marco, my son. You don't know how much you made us happy by visiting here." Tumingin sa kanya ang hari kaya napayuko siya at narinig niyang tumawa ito nang mahina. "I'm so glad that finally, Marco brought his wife here. Welcome to our humble home, Thadei." Nakangiti nitong turan sa kanya.
Ano raw? Humble home? Iyon ang tumatak sa isipan niya. Tinatanong niya tuloy ang sarili kung gaano ka-humble ang palasyong kinaroroonan nila. Pero ipinagsawalang-bahala niya na muna ang mga isiping gano'n. She smiled at the king then to the queen.
Pero napalis ang ngiti niya nang makitang tutok na tutok sa kanya ang reyna.
"M-may dumi po ba ako sa mukha mahal na reyna?" Hindi napigilang tanong niya.
The queen smiled. "None. But... You looked so familiar. Your face looks so familiar, Thadei." Pumikit pa ito upang siguro'y alalahanin kung saan siya nakita ng reyna. Napangiwi tuloy siya sa di malamang dahilan. Awkward..
BINABASA MO ANG
𝐼𝑛𝑜𝑥𝑒𝑛𝑡𝑒𝑠 1: 𝒮ℯ𝒾 𝒯𝓊𝓉𝓉ℴ 𝒫ℯ𝓇 ℳℯ♡
RomanceThadei only wants a peaceful and happy life in Isla Amore. Just being with her parents and best friends is already enough for her. But an unexpected event rendered her speechless and changed the course of her life on the island. She met the mysteri...