CHAPTER 7

3.6K 130 35
                                    

ALAS singko pa lang ng umaga. Gising na ako. Hindi ako masyadong nakatulog kagabi pagkatapos ng mainit na sandali na naganap sa amin ni Marco. Mahabagin... Patawarin ako ni Lord.. Pero hindi ko kayang humindi kay Marco.. Marupok na yata talaga ako.

Sa bawat sandali na kasama ko siya, mas lalong nahuhulog ang aking loob sa kanya. At natatakot ako.. Paano kung panaginip lang ang lahat ng ito? Paano kung pagkatapos ng saya na nararamdaman ko ngayon sa piling niya ay bigla naman siyang babawiin sa akin?

Sa panaginip ko siya nakilala.. Sa mga panaginip na iyon na sobra ang pagmamahal
namin sa isa't isa. Na sobra kung angkinin namin ang isa't isa.

Pero panaginip lang yun. Iba sa reyalidad. Paano na lang kung maalala na ni Marco ang nakaraan niya? Paano kung— Humugot ako ng malalim na hininga at iwinaglit sa isipan ko ang mga paanong iyon.

Tinungo ko ang duyan sa may puno at doon ay humiga ako. Ipipikit ko na lang sana ang aking mga mata ng biglang may tumabi sa akin sa duyan. At bigla akong niyakap.

"Good morning baby.." Bulong niya.

Marco... Bulong ng isip ko. Kay sarap sa pakiramdam habang yakap yakap niya ako. Di ko tuloy napigilan at nilingon ko siya. At ang bumungad sa akin ay ang kanyang labi. Ang masarap niyang labi na paulit ulit kong natitikman. Araw man o gabi.

Bumitaw din siya ng halik sa akin. At narinig ko ang ungol niya na parang nahihirapan.

"God Thadei.. I can kiss you always but it hurts a lot that I can't make you mine.."

Nakipagtitigan ako sa kanya. Hinaplos ko ang mukha niya. Pagkatapos ay hinalikan niya naman ang kamay ko. "Magpagaling ka muna Marco." Nakangiti ko pang sabi sa kanya.

Biglang nagliwanag ang kanyang mukha at nagsikislapan ang kanyang malagintong mata. At ang lawak ng ngiti niya. "Oo magpapagaling ako!" Nakangising sabi niya.

Piningot ko naman ang matangos niyang ilong. "Sira, masyado kang halata!"

Tumawa lang siya. At mas lalo akong niyakap. "Malamig dito, bakit naman ang aga mo nagising?"

"Hmmm.." Yun lang ang nasambit ko. Inaantok ako. At kay sarap sa pakiramdam na habang kayakap ko siya ay hinahaplos niya naman ang aking buhok.

Pumikit ako at maya maya pa'y nilamon na ako ng matinding antok.



NAGISING ako na maayos ang pagkakahiga sa aking higaan.

"Hala, nakatulog ako ulit! Ano ba yan kailangan ko pa pumunta ng mansyon para magpaalam kay Senyor Agustin pero bakit nakatulog ako?" Parang temang kong kausap sa sarili ko.

Biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Marco. Ang presko niyang tingnan sa suot niyang white t-shirts at pinaresan ng kupas na maong.

"Maligo kana. Umalis na si nanay at tatay pumunta sa bayan para magtinda ng gulay. Ang himbing raw kasi ng tulog mo." Nilapitan niya ako at hinalikan sa noo.

Napangiti ako sa simpling halik na yun."Okay sige. Maliligo na ako. Tanghali na din. Kailangan kong maabutan sa mansyon si Senyor Agustin. Baka umalis yun di man lang ako makapagpaalam."

"Sa labas na ako maghihintay. Baka ano pa magawa ko sayo kung aantayin pa kitang matapos maligo. Sabay kindat at ngisi niya. Napa "tsk" na lang at tinungo na ang banyo.

Dali dali lang akong naligo at nagbihis agad ng isang dilaw na flowy dress na may sun flower designs na lagpas tuhod ang haba at pinarisan ko lang ng flat sandals na nude ang color.

Inilugay ko lang din ang aking mahabang buhok dahil basa pa iyon at naglagay lang ng polbo at okay na ako.

Pagkalabas ko ng pintuan, nakita ko si Marco na nakatalikod sa akin kaya tinapik ko ang likod niya at bigla siyang lumingon sa akin. Ako naman ay tumingkayad at binigyan ko siya ng isang kintal sa labi.

𝐼𝑛𝑜𝑥𝑒𝑛𝑡𝑒𝑠 1: 𝒮ℯ𝒾 𝒯𝓊𝓉𝓉ℴ 𝒫ℯ𝓇 ℳℯ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon