"ANG pogi naman niya Dei, siya ba talaga yan?" Usisa ni Julie habang sinisilip si Marco na mahimbing na natutulog sa aking kwarto.
At ang ibang mga bruha nakisilip na din. Parang ngayon lang nakakita ng isang perpektong nilalang. Ano daw Dei? Perpek talaga? Sita ng isipan ko.
"Hmmp! Eh perpek siya para sa akin! Bwesit ka mind! Pakyu!" Naiirita kong sabi.
At ang mga bruha sabay sabay lumingon sa akin na parang may ginawa akomg krimen.
"Bruha, naka high ka ba? " Si Leslie.
"Bigla bigla ka na lang nagsasalita dyan. Ano ba tinira mo?" Usisa ni Nel.
"Baka naman tinira na siya ni Marco kaya ganyan." Si Julie.
Sinimangutan ko silang tatlo lalo na si Julie. Parang sila pa yata ang may mga tinira kesa sa akin. Makatanong lang e mali mali pa.
"Hoy Julie! Intact pa ang vcard ko. At maraming password kaya hindi basta basta mabubuksan kahit si Marco pa yan!" Tinaasan ko siya ng kilay.
Mas tinaasan pa niya ako ng kilay. At pati ang dalawa nakitaas na rin ng mga kilay nila.
"Mamatay?" Tukso ni Julie.
"Oo! Mamatay na si Ex!" Sabi ko naman.
Sabay sabay silang nagkatawanan. Mga bruha talaga.
"Pano nangyari yun? E wala ka namang ex? Ano yun, ini scam mo kami? Aba Thadei, napaghahalata kang may balak ibigay ang vcard kay Marco ah!" Ang laki ng ngisi ni Julie sa akin.
"H-hindi a.." At nautal pa ako. "Pero anong malay mo? Bilog ang buwan." Nginitian ko pa sila.
"Sa gabi sila maghahasik ng lagim. Naku mga bruha, kailangan natin bantayan ang bataan at baka matalo tayo sa digmaan. Masakop ni Marco ang bataan ni Thadei." Si Leslie na natatawa pa sa mga sinasabi niya.
"Teka.. Anong digmaan ba yan?" Si Nel naman na halatang hindi na gets ang sinabi ni Les.
"Seryoso Nel? Wala ba yan sa dictionary mo?" Ani Julie.
"Duh? Magtatanong ba ako kung alam ko Lie?" Si Nel na kung titingnan ang mukha ay clueless talaga.
"Mahabagin Nel, kung mayroon makikipagdigma sayo. Siguradong talo ka sa laban. Umayos ka hoy!" Si Les.
"Nel.. Ang sinasabi nilang digmaan ay sex. Oo Nel, sex, sex, sex." Paulit ulit ko pang sabi sa kanya na parang ino orasyon ko lang ang mga sinabi ko.
Hindi ko namalayan na nagising na pala sa Marco at nangingiting nakatitig sa amin. Sa akin. Oo, sa akin lang!
"M-marco.. Kanina ka pa ba nagising? Narinig mo ba pinag usapan namin?" Taranta kong tanong sa kanya.
"No. Kagigising ko lang. Kahit sino sigurong mahimbing ang tulog kung maririnig ang mga sigaw niyo at magigising." Kumakamot pa sa batok na sabi niya. Ang sarap niya lang tingnan.
"Bruha laway mo tumutulo." Si Julie na tinampal ko ang kamay. Bwesit!
"Hindi a! Magsilayas nga kayo!" Inis na sabi ko.
BINABASA MO ANG
𝐼𝑛𝑜𝑥𝑒𝑛𝑡𝑒𝑠 1: 𝒮ℯ𝒾 𝒯𝓊𝓉𝓉ℴ 𝒫ℯ𝓇 ℳℯ♡
RomanceThadei only wants a peaceful and happy life in Isla Amore. Just being with her parents and best friends is already enough for her. But an unexpected event rendered her speechless and changed the course of her life on the island. She met the mysteri...