NAGISING si Thadei dahil nauuhaw siya at gusto niyang uminom ng malamig na tubig kaya bumangon siya at dahan-dahang inalis ang pagkakayapos sa kanya ng asawa.
Tinungo na niya ang kusina. Kumuha siya ng isang baso saka tinungo ang refrigerator para kunin ang isang pitsel na puno ng tubig at nagsalin siya.
Hindi pa siya nangalahati sa basong iniinuman niya ng bigla siyang makaramdam ng malamig na hangin na biglang umihip at gulat na gulat siyang napatingin sa lalaking may asul na mata na nag-aapoy sa galit at matalim na nakatitig sa kanya.
Dahil sa matinding gulat ay dumulas sa kanya ang basong hawak at nabasag ito sa sahig. Bigla din siyang napaatras ng makitang papalapit sa kanya ang lalaki na may hawak na baril at nakatutok na sa kanya.
"I-ikaw?" Tanging ang mga salitang iyon ang namutawi sa bibig niya.
Kilala niya ang kaharap. Ito ang matalik na kaibigan ng asawa niya. Si Xerxes.
Ngumisi sa kanya ang binata. "I salute you Thadei. Matindi din pala ang kapit mo sa buhay kaya hanggang ngayon ay buhay na buhay ka pa. But I'll make sure that you will die." Itinutok nito sa kanyang may bandang puso ang baril nito.
Hindi alam ni Thadei kung bakit hindi siya makagalaw sa kanyang kinatatayuan at parang naninigas ang mga paa niya na gustong-gusto niya ng igalaw. Gustong-gusto niyang makalayo sa taong nasa harap niya dahil alam niyang ikapapahamak niya kung hindi siya lalayo dito.
Nakita niya ang nakakapangilabot nitong ngiti. "Die Thadei. Die!" Saka nito kinalabit ang gatilyo ng baril at para siyang namingi sa lakas ng putok niyon at nakita ang sarili na nakahandusay sa sahig at naliligo sa sariling dugo.
No!
"BABY? Baby— please wake up. Thadei! Thadei!"
Naramdaman niya ang pagyugyog sa kanya ng asawa at biglang napabalikwas ng bangon si Thadei sabay kapa sa may bandang puso niya. Naliligo na din siya sa pawis at panay ang kanyang iyak. Saka niya nilingon ang kanyang asawa. At mahigpit itong niyakap. Yumakap din sa kanya ang asawa at kaparehas niya ay mahigpit din itong nakayakap sa kanya. Kaya nakaramdam si Thadei ng kapayapaan habang nasa bisig nito.
Maya-maya nang madama niyang kumakalma na siya ay tumingala siya sa asawa at masuyong ikinulong ng mga kamay niya ang mukha nito.
"I'm scared husband.." Anas niya.
"Hey.. I'm here now wife. You don't have to be scared. I won't let anything bad happen to you and our son. I'll protect you with all the strength and love that I have for the both of you.." Masuyong pagkakasabi ng asawa niya sa kanya habang yakap-yakap pa din siya nito.
"Marco—" humugot muna ng malalim na hininga si Thadei. "Napanaginipan ko na naman ang lalaking yon.. Ang lalaking muntik na kaming patayin ng anak mo.. Ang l-lalaking may asul na mata."
Napatiim bagang si Marco nang mabanggit sa kanya ng asawa niya ang tungkol sa lalaking may kulay asul na mata.
"Lander told me about that man. And— Whoever he may be, he'll be surely dead." Nakita ni Thadei sa mga mata ng asawa ang determinasyon at ang galit nito.
"Marco.. Ayaw kong mapahamak ka." Aniya sa asawa.
"Don't worry wife. I have my own battalions of soldiers and to be honest, they're guarding us without you knowing. Sorry wife.. I.. I just want you and First to be very safe."
"Marco.."
"I can't lose you again wife.. I can't.. It will be the death of me if it happens." Namuo ang luha sa malagintong mga mata ng asawa. "You're my life. You and little First.. I love you baby.."
BINABASA MO ANG
𝐼𝑛𝑜𝑥𝑒𝑛𝑡𝑒𝑠 1: 𝒮ℯ𝒾 𝒯𝓊𝓉𝓉ℴ 𝒫ℯ𝓇 ℳℯ♡
Любовные романыThadei only wants a peaceful and happy life in Isla Amore. Just being with her parents and best friends is already enough for her. But an unexpected event rendered her speechless and changed the course of her life on the island. She met the mysteri...