DEDICATED TO: signorazai QueenCrog edcel2x and to all my inoxentes group of friends. I love you all! 😘😘😘
P.S
I love you Zai! Sorna🤧🦁😄
💐💐💐
MAAGANG nagising si Ade kinabukasan. Kailangan nilang pumunta sa ospital ngayon dahil monthly check up ngayon ng anak niya.
Baby pa lang si First ay mahina na ang puso nito kaya as much as possible, kung ano ang sabihin ng doctor ay ginagawa niya.Ayaw niyang may mangyaring masama sa anak niya. Ikababaliw niya na iyon.
Napangiti siya ng magmulat ng mga mata at ang mukha ng anak ang bumungad sa kanya. Nakanganga pa ang anak habang natutulog at nakayakap ang isang binti nito sa kanya.
Dahan dahan niyang inalis ang binti nito dahil kailangan niya pang maghanda para sa almusal nito.
Sinisigurado niya na on hand siya sa pagbili at pagluluto ng mga kakainin ni First. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit kapag may event at kailangan ng flower arrangement nila ay hindi niya magawang sumama sa mga tauhan niya.
Kaya nga malaki ang utang na loob niya kay Edra dahil ito palagi ang nag aasikaso sa lahat.
Nilagyan niya muna ng paborito nitong hotdog pillow si First saka dahan dahan siyang lumabas ng kwarto nila.
Hinayaan niya lang na nakabukas ang pintuan dahil alam niyang kapag nagising ang anak niya ay hahanapin siya agad nito.
"Good morning ate!"
"Ay kalabaw!" Nagulat siya sa biglang pagsulpot ni Chin sa harap niya. Nakalagay pa ang face mask sa buong mukha nito. "Chin ano ba? Huwag ka ngang manggugulat dyan!" Pagalit niyang sabi dito. "Magigising si First ng dahil sayo e."
Tumawa lang si Chin sa kanyang kaibigan slash amo din. "Hala si Ate Ade ang gara. Ako talaga? Eh ikaw nga itong sumigaw sigaw e."
Ade rolled her eyes in frustration. Sobrang pilosopa minsan ni Chin chin at hindi niya iyon masakyan minsan. "Chin, sinasabi ko sayo ha, magtigil tigil ka sa panonood ng kdrama na yan. Pati ugali mo may K na din."
Tumawa ulit si Chin. Yung tawa na nagpapacute. Nagaya nito sa mga kdrama series na pinanonood nito. "At.. ito pa ang palagi mong tatandaan na---"
"Huwag hayaang nakikinood din si Knighty sa kdrama at hindi siya pwedeng magbabad sa tv dahil baka masira ang kanyang mga magagandang paris ng mata na nakuha niya sa----"
"Hep! Wala akong sinabing ganyan." Nakasimangot siya.
"Saan doon ate? Sa kdrama?" Inosenting tanong nito.
"Yong sa dulo. Naku talaga ikaw! Kukurutin na kita sa singit!" Akmang kukurutin niya nga ito ng bigla itong umalis at pumasok sa kwarto nito na katapat lang ng kwarto niya.
Mahinang natawa si Ade kay Chin chin. Talagang likas dito ang pagkamasayahin at oo, pati na din ang pagkamakulit. At hindi mawawala dyan ang pagkapilosopa.
Tuloy tuloy na siya sa kusina at nagluto na para sa breakfast nilang tatlo.
"GOOD MORNING po momma!" Masiglang bati sa kanya ng kanyang anak. "Dede po ako? Please?"
Ibang klase din itong anak niya dahil kahit mahigit dalawang taon na ay sa kanya pa din dumedede. Ayaw nitong uminom ng gatas sa feeding bottle dahil hindi daw masarap at matigas daw ang nipple kaya hanggang ngayon ay nadede pa din ito sa kanya.
BINABASA MO ANG
𝐼𝑛𝑜𝑥𝑒𝑛𝑡𝑒𝑠 1: 𝒮ℯ𝒾 𝒯𝓊𝓉𝓉ℴ 𝒫ℯ𝓇 ℳℯ♡
Roman d'amourThadei only wants a peaceful and happy life in Isla Amore. Just being with her parents and best friends is already enough for her. But an unexpected event rendered her speechless and changed the course of her life on the island. She met the mysteri...