SPECIAL CHAPTER

2.7K 88 32
                                    

SPECIAL CHAPTER ONE:
SECONDA LUNA DI MIELE


HAWAK-HAWAK NI Thadei ang 'regalo' na naman sa kanya ng kanyang mga inosenting kaibigan habang nakaupo silang lahat sa isang pabilog na mesa. Ang kanyang napaka-guwapong asawa naman ay hinila rin ng mga kaibigan nito sa isang mesa na medyo may kalayuan din sa kanila.

Nakasimangot na inaangat niya ang isang maliit na kulay pulang kahon sa harapan ng mga ito.

"Ano na naman 'to? Kung night dress na naman ito. Nagsayang lang kayo ng pera. Last time I checked, my husband ripped off all of my night dresses. At lahat ng iyon ay regalo niyo mga bruha. Kaya..." ipinatong niya sa ibabaw ng mesa ang kahon. "Salamat na lang sa lahat pero hindi ko matatanggap 'to." Her friends just chuckled at her making her frowned. "Bakit kayo tumatawa?" Naka-angat ang kilay na tanong niya.

Iniusog ulit ni Julie ang kahon sa kanya. "Wala ka bang tiwala sa amin bruha?" Tanong pa nito.

She looked at her flatly, "wala."

Sinapo naman ng mga kaibigan niya ang mga dibdib ng mga ito na animo'y nasaktan sa sinabi niya.

"Ang harsh ha." Sambit ni Nel.

"Iba talaga kapag sobrang yaman ng napangasawa. 'Di madaling ma-reach." Pagdadrama naman ni Ren.

Hindi niya tuloy mapigilan ang pagtikwas ng kanyang kilay sa mga bruha niyang kaibigan. Akala naman ng mga ito, ang asawa ko lang ang mayaman.

"Ah, mahirap pala. Kaya pala, halos hindi ko kayo makita rito sa isla kasi ang sabi sa akin, nasa ibang bansa raw kayo, nagbabakasyon? At pagkatapos sa isang bansa, lilipat na naman ng ibang bansa. Wow! Mahirap nga kayo. Hiyang-hiya talaga ako sa kahirapan niyo." Then she gave them applause. "Kayo na! Mga bruha talaga!" Kunwari ay naiinis niyang sabi sa mga kaibigan na nagkatawanan lang.

"Eh kasi naman, buksan mo na ang regalo namin. Aba, ang mahal ng bili namin dyan ha, bruha," ani Maan.

"At galing pa sa ibang bansa 'yan Dei kaya sige na, buksan mo na. We know you'll love it!" Hirit pa ni Zaira.

Ikinumpas ni Thadei ang kamay sa ere na parang sumusuko. "Fine, fine. Bubuksan ko na." She slowly opened the box and when she finally did it. Her jew dropped literally. "Eye mask?"

Hindi niya alam kung matatawa siya o ano dahil sa regalo sa kanya ng mga kaibigan niya. Seriously? Eye mask? Kinuha niya iyon mula sa kahon at nang makita niya ang brand ng silk eye mask na iyon ay mas napanganga pa siyang lalo.

"Yes. It's a Versace silk eye mask in a bloody red color. Bagay na bagay para sa honeymoon niyo mamaya Dei." Usal ni Zaira.

She laughed at them. "Thank you mga bruha ha? I really appreciate it. Ang mahal ng brand na ito kaso hindi ko naman kailangan 'to eh. I mean, oo, kailangan 'to sa pagtulog, pero nakakatulog naman ako kahit wala 'to."

Julie and Czaren laughed evily.

"Oh no, Thadei. Hindi mo 'yan gagamitin para sa pagtulog." Ren smirked.

"Gagamitin mo 'yan sa asawa mo, bruha." Dagdag pa ni Julie.

Parang nakuha niya na ang ibig sabihin ng mga ito, at sa totoo lang. Biglang tinambol ng kaba ang kanyang dibdib.

𝐼𝑛𝑜𝑥𝑒𝑛𝑡𝑒𝑠 1: 𝒮ℯ𝒾 𝒯𝓊𝓉𝓉ℴ 𝒫ℯ𝓇 ℳℯ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon