THIS is their second wedding. But Thadei feels like, it's the first one. She really feels like it's always their first in everything. She never thought that the man from her dreams will come into her life, in flesh. That the man in her dreams will love her with all the love he had in this world. That the man in her dreams would give her too much happiness that she can't imagine. And, that the man in her dreams will fulfill all her dreams do come true.
She never thought that dreams can be turn into reality.
But reality is full of surprises. Sadness and happiness. There love story is not an exception. It's not that easy to reach the happiness that they wanted since they met. They had faced and overcome a lot of challenges in their relationship.
They learned a lot of lessons about love and life.
"Your highness, the wedding carriage is ready." Imporma sa kanya ng maid na galing pa ng Italy at sadyang pinakuha ito ni Marco dahil isa ito sa pinagkakatiwalaan sa palasyo.
"Okay Lirra." Nakangiting aniya rito.
Inalalayan naman siya nito at ito ang humawak ng veil niya.
"You're really beautiful your highness. And you look so gorgeous while wearing that wedding gown." Papuri nito sa kanya.
Even Thadei looks amazed when she saw and wear the wedding gown na galing pang Italy. It's a royal white champagne wedding dress. And on her head is a royal length veil drop style with a royal floral tiara.
Hindi niya na inalam ang presyo dahil alam niyang sasakit lang ang ulo niya kapag nalaman niya ang presyo nito. Ang lahat ng gastos ay galing sa ama at ina ng asawa niya. Nakakalungkot lang dahil hindi pa pwedeng magbyahe ang reyna dahil sa kondisyon nito sa puso. Ipinagbabawal rito ang pagbyahe ng matagal na oras. Ng minsang makausap niya ito through video call ay umiiyak ang reyna dahil wala na naman daw ang mga ito sa ikalawang beses na ikakasal ulit sila ni Marco. Sinabi na lang ng asawa niya na pupunta sila ng Italy at magpapakasal na naman silang muli doon at dahil sa sinabi ni Marco ay doon tumahan ang ina nito at biglang na-excite. Ngayon pa lang daw ay aayusin at mas lalong pagagandahin pa nito ang palasyo para kapag pumunta na sila doon ay handa na ang venue para sa third wedding nila. Napapangiti na lang si Thadei sa mga iniisip ng reyna. Naisip niya, sino naman siya para tanggihan ang unang babaeng minahal ng asawa niya. Kaya go with the flow na lang siya. Alam naman niya na hindi niya ikapapahamak ang mga desisyon ng mga ito.
Pagdating nila sa labas ay namangha si Thadei sa ganda ng wedding carriage na siyang sasakyan niya papunta sa venue ng kasal nila ng asawa niya.
Para siyang si Cinderella dahil sa magandang karwahe na nasa harap niya ngayon.
Lumapit sa kanya ang isang matangkad na lalaki na bagama't naka-tuxedo ay hindi niya mamukhaan dahil sa suot nitong sombrero.
"Kamahalan. Ikinagagalak ko po ang pagkakataon na maihatid kayo ng ligtas sa inyong kasal." Tinanggal nito ang sombrero nang yumukod ito sa kanya. At nang magtama ang mga mata nila ay ganun na lang ang bumalatay na saya sa mukha ni Thadei.
"Damian!" Masaya siyang makita ang isa sa masugid nilang costumer sa flower city na kalaunan ay naging kaibigan na niya, ganun din ang napangasawa nito. "Kumusta kana?"
"Happy and contented Thadei. Thank you sa mga naging payo mo sa akin. Nakamit ko din ang kaligayahan sa piling ng asawa ko. Hindi muna siya nakasama dahil maselan ang pagbubuntis niya." May malapad na ngiting anito sa kanya.
"I'm happy for the both of you Damian. At mukhang nabago kana ng asawa mo ah. Palagi ka nang nakangiti." Tudyo niya sa kaibigan.
Ngumisi lang ito sa kanya. "Bago tayo umalis, hindi naman pwede na walang maghahatid sa iyo sa altar di ba?"
BINABASA MO ANG
𝐼𝑛𝑜𝑥𝑒𝑛𝑡𝑒𝑠 1: 𝒮ℯ𝒾 𝒯𝓊𝓉𝓉ℴ 𝒫ℯ𝓇 ℳℯ♡
RomanceThadei only wants a peaceful and happy life in Isla Amore. Just being with her parents and best friends is already enough for her. But an unexpected event rendered her speechless and changed the course of her life on the island. She met the mysteri...