CHAPTER 20

2.6K 92 42
                                    

"PRINCESS Mera.."

Napangisi ang babae pagtingin niya sa gawi ni Lander. "Oh who do we have here? Lander? The great—"

"I'm already not into it princess." Agap ni Lander sa sasabihin pa sana ng babae.

"Princess? Siya?" Di napigilang sagot ni Thadei.

"Oh yes. Don't you know?" Saka napatawa ito. "Silly, hindi mo pa pala alam kung sino talaga ang napangasawa mo." Napa "tsk" ito saka lumapit sa kanya. "Poor Thadei. Niloko lang ng asawa niya." Tumawa na naman ito na parang bruha.

Napatiim bagang si Thadei ngunit hindi siya ang tipo ng babae na basta basta na lang nakikipag away. Hindi siya war freak.

"Well.. Not for long my dear. Matatapos na rin ang paghihirap mo. Heto, pirmahan mo ito." Sabay abot kay Thadei ng puting papel.

Binasa niya iyon at nung nakita niyang annulment paper ito ay napakunot noo siya.

"Bakit ko naman pipirmahan 'to?" Tanong niya dito.

"Because I said so." Tinaasan siya nito ng kilay. "Besides utos iyan ng prinsepe sa akin. Kami dapat ang ikinasal at hindi kayo. Understand? Hindi kayo. Kasi. Hindi kayo bagay. Langit siya.." Tumingin ito sa kanya mula sa taas hanggang sa baba. "Putik ka."

Ngali ngaling sampalin ni Thadei ang babae ngunit hinawakan ni Lander ang kanyang braso at sumenyas ito sa kanya na kumalma lang.

"Hindi ko pipirmahan yan. Hindi nga kita kilala e." Pagtataray niya dito.

Tumawa ang babae. "Hindi kana babalikan ng prinsepe. He's in Italy right now at susunod na rin ako doon kapag mapirmahan mo na ang annulment paper na ito. So please.. Huwag mo ng pahirapan pa ang sarili mo. Pumirma kana." Nakikita ni Thadei sa mukha ng babae ang determinasyon na pumirma siya pero hindi niya ibibigay dito ang gusto nitong mangyari.

Unti unti ay nabubuo ang galit sa kalooban ni Thadei kaya kinuha niya mula sa kamay ng babae ang annulment paper. Napangisi naman ang babae sa kanya. "Hindi ka naman pala mahirap na kausap."

"No Dei. Huwag kang pipirma!" Bahaygyang tumaas ang boses ni Lander.

Hinuli niya ang mga mata ng babaeng kaharap at inangat niya sa mukha nito ang papel na hawak. Pinunit niya ang papel at kitang kita niya ang apoy ng galit mula sa mga mata nito pero hindi niya iyon ininda.

"Damn." Napapalatak si Lander sa likod niya.

Habang tinaasan naman siya ng kilay ng babae. Maya maya ay malamig itong ngumisi.

"Huwag mong sagarin ang pasensya ko. Marami akong kopya nyan at hindi kita titigilan hanggang hindi mo pinipirmahan ang annulment paper na inihain sayo. Now, kung magmamatigas ka, palalambutin kita." Babala ng kausap.

Kinabahan siya sa klase ng tono nito pero hindi niya iyon ipanahalata.

Lumapit sa kanya ang babae at bumulong sa kanya. "I'm gonna kill you and your friends." Tumawa pa ito na parang isang kontrabida sa pelikula. "Die Thadei. Die."

Saka lang naalala ni Thadei ang mga panaginip na may isang babae ang nagsasabi sa kanya ng ganun. Pero muli, hindi siya nagpahalata kahit kinakabahan na siya. At labis siyang nag aalala sa kung anuman ang pwedeng gawin ng babaeng ito sa kanya o sa mga taong importanti sa buhay niya.




DALAWANG linggo ang matuling lumipas at damang dama ni Thadei ang kahungkagan. Ni hindi nagparamdam sa kanya ang asawa. Kahit maikling tawag man lang, wala. Sobrang miss na miss niya na ito. Mabuti na lang at dumadalaw sa kanya ang mga kaibigan nito.

Noong isang araw lang ay dinalaw siya ni Mr. Kim at may mga groceries itong dala para sa kanya. Kinagabihan naman ng mismong araw na iyon ay si Lander naman ang dumalaw at may atm card naman itong ibinigay kung saka sakaling kailanganin niya ng pera. Ayaw niya sanang tanggapin pero nag insist ang binata dahil sa asawa niya iyon pero nakapangalan sa kanya.

𝐼𝑛𝑜𝑥𝑒𝑛𝑡𝑒𝑠 1: 𝒮ℯ𝒾 𝒯𝓊𝓉𝓉ℴ 𝒫ℯ𝓇 ℳℯ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon