CHAPTER 2

4.6K 162 37
                                    

LUMIPAS ang isang linggo. Nakaalis na rin si Czaren. Sumabay siya sa pag-alis kasama ni Kuya Nate.

Alam namin na may planong magsama ang dalawa. Ang dahilan nila ay para makatipid daw sa magastos na bayarin at bilihin sa siyudad.

Boto din naman kami kay kuya Nate at alam namin na totoo ang pag-ibig niya kay Czaren. Subukan niya lang magloko ng mabalatan ko siya ng buhay!

Pero okay na din yun na may kasama ang kaibigan ko kasi hindi biro ang makipagsapalaran sa lungsod.

Maingay, magulo, at mausok. Ma-traffic din doon at kung di ka mag-iingat ay pwede kang manakawan.

Biglang nanikip ang dibdib ko ng maalala ko ang aking nakaraan.

Kailan ba ako makakalimot sa mga nangyari noon?

Napabuntong hininga ako at nagpasya ng tumayo at pumasok sa aking maliit na banyo at doo'y maligo.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako ng asul na bestida na hanggang tuhod ang haba at tinatali ang strap sa balikat.

Pumunta na din ako ng kusina pagkatapos kong magbihis kung saan naghihintay si nanay sa akin dahil inuutusan niya akong pumunta ng bukid para maghatid ng pagkain kay tatay.

Pupunta si nanay sa palengke sa bayan upang magtinda ng mga gulay na aming itinanim. Isa sa pinagkukuhanan namin sa aming pang-araw-araw na kailangan.

"O sya Dei, pakihatid mo na ito sa iyong tatay at pagkatapos ay doon kana din maghintay. Alam mo naman ang tatay mo, hindi yun hihinto upang magbungkal at magtanim kung walang pipigil." Ani nanay.

"Opo 'nay. Ikaw din po. Wag po masyado magpagod. Haay.. Sabi ko naman sa inyo 'nay ako na lang ang magtatrabaho. Okay naman po ang kita ko sa winery farm ni senyor e. Hindi man kalakihan pero mabubuhay na po tayo doon."

Napahinga ng malalim si nanay at kapagkuwa'y hinaplos ng kanyang kamay ang aking mukha.

"Kailangan mo din mag-ipon anak para sa kinabukasan mo. Para kung magkapamilya kana ay hindi kayo masyadong mahihirapan ng mapapangasawa mo dahil parehas kayong magtutulungan."

"Nay... Bakit ako na lang palagi ang iniisip niyo? Hindi ba pwedeng ako naman ang mag-alaga sa inyo ni tatay? Ang laki-laki na ng utang ko po sa inyo ni tatay mula nung..."

"Sssshhh.. Mahal na mahal ka namin ng tatay mo kaya wag kang mag-isip ng ganyan anak. Isa kang biyaya sa amin Thadei.." Pagkatapos ay niyakap niya ako.

"O sya, humayo kana. Hindi pa masyadong mainit sa balat ang sikat ng araw."

At ibinigay na niya sa akin ang basket na may lamang pagkain para kay tatay. Pero bago ako umalis ay hinalikan ko muna siya sa pisngi at saka ako nagpaalam.

"Aalis na po ako nanay." Masigla kong paalam

"Mag-iingat ka, at magdala ka ng itak para sa proteksyon mo."

Kinuha ko ang itak ni tatay at ipinaikot ang tali nito sa bewang ko. Saka ako naglakad patungo sa bukid.

"DEI—Dei! Hoy! Hintay! " Di ko namalayan na nasa likod ko pala si Julie.

"O? Anong atin? " Tanong ko pa.

"U-uhm.. ano kasi. Si sir Niccolo nagpapasama sa bayan. Eh kasi naman hindi ako handa bi. Saka gusto ko magpaganda. Magsuot ng bestida. Mga ganun ba?" Ngumisi pa ang bruha sa akin.

"Mahabagin! Lalandi ka na lang hindi ka pa handa? Sarap itakin yang mahaba mong buhok bruha ka!" Pinandilatan ko pa siya at mas lalo lang siyang napangisi.

𝐼𝑛𝑜𝑥𝑒𝑛𝑡𝑒𝑠 1: 𝒮ℯ𝒾 𝒯𝓊𝓉𝓉ℴ 𝒫ℯ𝓇 ℳℯ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon