CHAPTER 18

2.5K 96 29
                                    

MATAPOS mailibing ang nanay at tatay ni Thadei ay umuwi sila agad ng bahay ng asawa niya.

Ni hindi makausap ni Marco ng matino ang asawa dahil iyak lang ito ng iyak. Nag aalala siya sa kalagayan nito dahil hindi rin ito masyadong kumakain. Kaya inaalagaan niya ito at hangga't maaari ay sinusubuan niya ito sa pagkain kahit pakonti konti lang, malamanan lang ang sikmura ng asawa niya.

Sa loob ng isang linggo ay nakita niya ang pangangayayat ng asawa at nakakaramdam siya ng guilt dahil pakiramdam niya ay kasalanan niya ang nangyari sa mga magulang nito.

"Baby.. Kumain ka muna bago ka magpahinga." Tawag niya dito ng akmang aakyat na ito sa hagdanan.

Lumingon ito at tumakbo papalapit sa kanya.  Mahigpit siya nitong niyakap habang namutawi mula sa bibig nito ang mga matatamis na salitang hindi niya narinig sa loob ng isang linggo.

"I love you Marco.. Salamat at nandiyan ka para alagaan ako.." Anas nito na ikinangiti niya.

Hinaplos niya ang pisngi nito habang mahigpit pa din ang yakap nila sa isa't isa.

"I love you more my wife.. My baby.. At syempre, asawa mo ako kaya dapat lang na alagaan kita." Masuyo niya namang sabi kay Thadei.

"Babawi ako sayo husband. Pangako."

Kumalas siya ng yakap dito at ikinulong ang mukha nito ng mga palad niya.

"Okay.. Simulan mo na sa pagkain ng mabuti. Nangangayayat kana and I don't like that. There's also bags under your eyes. Kaya dalasan mo ang pagtulog. Sobra akong nag aalala sayo baby.."

Tumingkayad si Thadei at ginawaran ng halik sa labi si Marco na kaagad naman nitong tinugon. Pero naputol din ang halik na iyon ng biglang tumunog ang tiyan ni Thadei tanda ng pagkakagutom nito. Nagkatawanan silang dalawa.

"Let's go to the dining room baby para makakain na tayo." Inakay niya na ang asawa na kaagad namang sumunod sa kanya. At sa loob ng isang linggong pagluluksa nito ay nasilayan niya din ang pag ngiti nito. A genuine smile coming from his beautiful wife.




ISANG BUWAN ang lumipas at kahit papano ay nagagawa ng ngumiti ni Thadei at makipag usap sa iba lalo na sa mga kaibigan niya.

At sa loob ng isang buwan na yon ay palaging nariyan si Marco at umaalalay sa kanya.

Minsan dinadalaw siya ng mga magulang niya sa mga panaginip at palaging mabubuti ang mga salitang namumutawi sa bibig ng mga ito.

"Dalawang araw.." Napapabuntong hininga na lang siya dahil dalawang araw niya ng hindi nakikita at nakakasama ang asawa niya.

Isinama ito ni senior Agustin sa lungsod dahil may aasikasohin daw doon kaya kahit labag sa loob niya ay sumige na lang siya. Tutal trabaho naman nito ang inaatupag. Pero namimis niya na ito.

Sa loob ng isang buwan ay hindi siya ginalaw ni Marco. Inirespeto siya nito dahil alam nitong nagluluksa pa din siya mula sa pagkamatay ng nanay at tatay niya at hanga siya sa tindi ng pagpipigil nito. Ngunit iba ang nararamdaman niya ngayong gabi. Hindi niya maipaliwanag ang init na nararamdaman niya ng biglang sumagi sa isipan niya ang katawan ng asawa. Kailangan niya ang asawa niya. Kailangan niya ang mga halik at haplos nito.

"Mahabagin! Ano ba itong nararamdaman ko.." Dali dali siyang bumangon mula sa kama at hinubad niya lahat ng saplot niya at tinungo ang banyo.

Nag shower siya at hiniling niyang sana mapawi ng malamig na tubig ang init na nararamdaman niya.

Hanggang sa matapos siyang maligo ay ganoon pa din ang pakiramdam niya. At ngayon lang niya naramdaman ang ganitong klaseng init sa katawan.

Pagkalabas niya ng banyo ay tinuyo niya ang sarili gamit ang tuwalya ng asawa niya.

𝐼𝑛𝑜𝑥𝑒𝑛𝑡𝑒𝑠 1: 𝒮ℯ𝒾 𝒯𝓊𝓉𝓉ℴ 𝒫ℯ𝓇 ℳℯ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon