ROME American Hospital. Doon dumiretso si Marco after he received Agustin's call as he stepped out on his private plane.
Wala na siyang inaksayang oras dahil kinakailangan niya agad na bumalik ng Pilipinas.
He wants confirmation.
Hinding-hindi niya palalagpasin ang pagkakataon na makita mismo ng kanyang mga mata ang totoo.
Kumakabog pa din ang dibdib niya at hindi niya pa din binibitawan ang baby folder na pag-aari ni First Knight.
Pakiramdam niya, kapag binitawan niya anumang oras ang bagay na iyon ay mawawala sa kanya ang pagkakataon na makilala ito ng husto.
Dear God.. Help me..
He keep on praying and he's hoping na may mga kasagutan sa mga tanong niya.
Pagkapasok niya sa lobby ay dumiretso agad siya sa private elevator na nakalaan para sa mga vip. Pinindot niya agad ang third floor button dahil nandoon ang private room ng kanyang ina.
Ding!
Narinig niya na ang senyales na nasa third floor na siya. Humugot muna siya ng malalim na hininga bago lumabas ng elevator. At pagkalabas niya ay sumalubong agad sa kanya ang apat na sundalo ng palasyo na pinangungunahan ng kanilang heneral.
General Blake Dust.
Ito na yata ang pinakabatang heneral na kilala niya. At the age of 29, naging heneral na ito ng mga sundalo sa palasyo. At isa din ito sa kanyang mga natatanging kaibigan.
"Welcome back, your highness." Sabay yukod sa kanya ng apat na sundalo.
"General Dust, let's talk later." Sumaludo ito sa kanya at ganun din ang ginawa niya.
Saka nagsimula na siyang maglakad patungo sa pintuan ng silid ng ina. Only one person is allowed to enter the ICU room kaya nung nakita siya ng ama niya ay lumabas muna ito.
"Come stai figlio? (How are you son?)" Nakangiti nitong tanong sa kanya.
He didn't answer him, instead he gave his father a tight hug.
"Sto bene adesso papà.. (I'm okay now papa..)" Hindi niya mapigilang maging emosyonal dahil sa nakalipas ja tatlong taon ay walang ginawa ang kanyang ama kundi ang intindihin siya.
Tinapik-tapik ng kanyang ama ang likod ni Marco.
"It's alright son. It's alright.. Your mother is a fighter." Pang-aalo nito sa kanya.
Kumalas na si Marco ng yakap sa ama. Akmang kukuha na siya ng isolation gown ng maagaw ng pansin ng ama ang kanyang hawak na folder.
"What's that on your hand, son?"
Ayaw niya pa sana itong banggitin o ipakita sa ama dahil wala pa siyang confirmation tungkol sa katauhan ni First Knight.
But knowing his father, hindi nito magugustuhan kung magsesekreto na naman siya, katulad na lang nang ginawa niyang pagtatago sa isla amore at akalain ng mga ito na patay na siya.
At lalong hindi nagustuhan ng ama niya ang pag-aasawa niya na hindi man lang daw ito nakasaksi sa kasal niya at hindi daw nito nakita ang babaeng pinakasalan niya kaya malaki ang tampo nito sa kanya.
His father. King William Markus Harrison Dashwood is the kindest king he knew. Masyado niyang tinitingala ang ama at hinahangaan sa kabaitan nito at pagpapakumbaba ng loob kaya mahal na mahal ito ng kanilang mamamayan.
And that's one of the reason kung bakit bumaba siya sa pagkahari nang mangyari ang trahedya sa Isla Amore, dahil pakiramdam niya, hindi bagay sa kanya ang mataas na posisyon sa palasyo.
BINABASA MO ANG
𝐼𝑛𝑜𝑥𝑒𝑛𝑡𝑒𝑠 1: 𝒮ℯ𝒾 𝒯𝓊𝓉𝓉ℴ 𝒫ℯ𝓇 ℳℯ♡
RomanceThadei only wants a peaceful and happy life in Isla Amore. Just being with her parents and best friends is already enough for her. But an unexpected event rendered her speechless and changed the course of her life on the island. She met the mysteri...