EPILOGUE

3.9K 115 64
                                    

I wanna thank you all for reading, commenting, and voting this first Inoxentes Series of mine.

I am truly grateful for the love and support that you're giving to me.

And I hope that you'll still continue on following me, and reading my upcoming stories. Salamuch!😘💕

Te amo!😘


______________________________________

𝐄𝐏𝐈𝐋𝐎𝐆𝐔𝐄


"HERE'S your red roses Mr. Kim!" Imporma ni Thadei sa asawa ni Maan na si Lee.

Lumapit sa kanya ang lalaki at mas lalong sumingkit ang mga mata nitong singkit na nang ngumiti ito.

"Salamat buntis! My wife will love it. That's for sure!" Masiglang aniya kay Thadei.

"It's her favorite at alam kong araw-araw kang bumibili niyan dito para sa asawa mo Lee. Sana all, araw-araw." Biro niya rito.

Tumawa si Lee sa biro niya. "Bakit? Araw-araw ka din naman binibigyan ng sun flowers ni Marco di ba? Galing pa sa iba't-ibang bansa. Wow lang!"

Tama nga ito. Araw-araw na lang siyang nakakatanggap ng mga bulaklak na galing pa ng ibang bansa at take note. Naka-flower pots ang lahat para daw hindi basta-basta masira at maitanim pa niya. Malawak na din ang kanyang sunflower garden sa kanilang bahay. At may isa pa siyang garden na iba-iba naman ang mga bulaklak.

Nagpatayo na din siya ng Little First Flower City branch sa Isla Amore na katabi lang ng bakeshop ng kanyang bestfriend na si Lander.

Pinatayuan din ni Marco at ng mga kaibigan nito ng University ang Isla Amore ng sa ganun ay hindi na pumunta pa sa ibang lugar ang mga gustong mag-aral sa kolehiyo at talagang natutuwa siya sa mas lalong pag-unlad ng Isla. Mas madami na din ngayon ang nakatira sa isla pero kahit ganun pa man ay napapanatili pa din nila ang kaayusan at kalinisan ng isla dahil ito ang kanilang tirahan.

Kahit saang sulok ng Isla ay may nakatalagang magbantay at hindi basta-basta makakapasok ang isang dayuhan o turista dahil mas pinahigpit pa nila ang seguridad sa Isla.

Kahit limang taon na mula nang mangyari ang trahedya na kinasangkutan nilang mag-anak ay hindi pa din sila basta-basta magpapakampante. Kailangan nilang maging maagap at handa sa anumang pwedeng mangyari.

"Momma! I'm here!" Masayang bulalas ng anak niya. At tumingin ito kay Lee at nagmano. "Hello po Ninong Lee."

Ginulo ni Lee ang buhok ni First. "Hi little First. How's school?"

"Okay lang po ninong. My grades are higher than before Ninong!"

"Oh well, tell me what you want. Basta safe sa puso. Bibilhin ni ninong." Ngumiti pa dito sa First.

Mahina pa din ang puso ng anak niya kaya palagi nila itong iniingatan at inaalagaan. Even their friends knew First's condition kaya ganun din kung mag-ingat ang mga ito sa panganay na anak nila ni Marco.

"Pag-iisipan ko po muna Ninong then after that I'll tell you na po." Masayang anito kay Lee.

"Oh well, I better get going. Ingat lage." Tinapik nito sa balikat ang anak niya at binigyan naman siya ng tipid na ngiti saka ito nagsimulang maglakad patungo ng glass door.

Sakto namang pagbukas nito ay pumasok naman ang dalawang makukulit niyang inaanak.

"Ninang Momma dito po muna kami. Nagagalit po si Daddy sa amin." Sumbong na naman sa kanya ng panganay na anak ni Lander at Zaira. Si Kyros.

𝐼𝑛𝑜𝑥𝑒𝑛𝑡𝑒𝑠 1: 𝒮ℯ𝒾 𝒯𝓊𝓉𝓉ℴ 𝒫ℯ𝓇 ℳℯ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon