Chapter 27: Goodbye

50 4 0
                                    

Chapter 27

Dalawang buwan na ang lumipas pero hindi pa rin nagigising si Sky. Sa loob ng dalawang buwan na 'yon, madaming nangyari. Natahimik na rin ang buong Academy. Isang buwan nalang, graduation na. Sana magising na siya. Sabay pa kaming aakyat sa stage at bibigyan ng itim na toga.

Excited na 'ko, dahil pagtapos ng graduation mas makakasama ko na siya nang matagal. Pero magiging busy na rin kami sa sari-sarili naming buhay dahil maghahanap na rin ako ng mapapasukan na trabaho. Pero sa ngayon, si Sky muna ang iniisip ko. 

"Excuse me. As of today mas lalong lumala ang sakit niya. Kaya siguro ganun kabilis ang pag sakit ng ulo niya. He's stressed. Please remind to him that don't stress himself. And one more thing. He will only last 1-2 months to live kaya sulitin nyo na. Hintayin na lamang natin siya magising." 

Para akong binagsakan ng langit at lupa matapos sabihin 'yun ng doktor. Wala na ba talagang pag-asa? Gagawin ko naman lahat eh! Parang ang unfair naman yata? Nagpaalam ako kay mama na uuwi muna ako para makapagbihis at makapag-pahinga. "Love? Hintayin mo 'ko ah? Promise, pag-gising mo nandito na ako sa tabi mo." Hinalikan ko sya sa noo at umalis na ng kwarto.

Pumara ako ng taxi at sumakay na. Nang makarating sa tapat ng building ng dorm hindi ko na napigilan ang mapaluha.

"Hey, Are you okay?" Hindi ko namalayan na nasa likod ko na si Andrian.

"Yes. Btw, i have to go." Agad akong umalis sa harapan niya at tumakbo na paakyat ng dorm.

Ni lock ko na ang pinto at nagkulong. Hindi ko na kayang itago. Mawawala din siya sa 'kin. Parang ulan ang mga luha ko dahil tuloy-tuloy ito sa pag-agos.

Bakit ba ang malas ko sa pag-ibig? Ngayon na nga lang ako nagmahal, malas pa. Ang unfair! Ayokong tanggapin! Mahal na mahal ko si Sky tapos hindi ko siya makakasama habang-buhay?

Humiga ako sa kama at tumitig sa kisame. Kanina pa nag ri-ring ang phone ko pero hindi ko 'yon sinasagot. Gusto ko munang mapag-isa. Mapait akong ngumiti dahil naalala ko ang mga panahon na nagpapasaya sa 'kin.

Andito ako ngayon sa damuhan at nakahiga. Wala akong kausap dahil natutulog na rin si Sky at bukas uuwi na kami ng maynila. Gusto ko pa sana siyang makasama ng matagal pero hanggang hiling nalang ako. Paulit-ulit akong nagdadasal at humiling sakanya na, baka may iba pang paraan. May paraan pa para hindi siya mawala sa 'kin. Kaso paulit-ulit ko lang niloloko ang sarili ko. Paulit-ulit akong nasasaktan.

"Anong ginagawa mo dito?" Sabi nya at humiga sa tabi ko, "Nagpapahangin. Matulog kana, bawal sayo ang mapuyat baka sumakit ulit ang ulo mo," Ngiti lang ang sinagot nya sa 'kin. Tumingin ako sa kalangitan. Sa mga susunod na buwan. Mawawala na siya. Ngayon ko lang napagtanto ang sinabi ko dati. "If you're going to be a star. You'll be my brightest star...", sinabi ko 'yon sakaniya no'ng unang date namin.

Huling date na 'to, kaya hindi ko na sasayangin.

Tumulo na ang mga luha ko dahil sa naalala ko, dahil no'ng gabi din na 'yon. Niyakap niya lang ako magdamag. Mahigpit na mahigpit na yakap na para bang ayaw na nya akong mawala. Kaso sya 'yung mawawala

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako kakaiyak. Nagising ako dahil sa ingay na nang-gagaling sa cellphone ko. Alas otso na ng gabi. Hindi na tuloy ako nakabalik ng ospital. Kahit mahapdi ang mata, pinilit ko pa ring minulat at kinuha ang cellphone ko. Si Steve ang tumatawag.

[ Bakit? ]

[ I'm sorry, hindi ko manlang nasagip si Sky. ] Tumawa lang ako.

[ Wala na tayong magagawa. Accept it, 2-3 months he'll going to leave us. ]

Pinatay ko na ang linya at naligo na at tsaka nagbihis. Babalikan ko sya, babalik ako. Alas dies na ng gabi nang makarating ako sa ospital. Nagmano ako kay mama at punwesto na sa tabi ni Sky. Hinawakan ko ang kamay niya at nilagay 'yon sa pisngi ko. Ang isa naman nyang kamay ay nilagay ko sa dibdib ko.

"Can you feel it, Love? My heart still beating so fast when you're with me. I'm still inlove with you. Hindi na ata 'yon magbabago."

Para akong tanga na nagsasalita sa tabi niya kahit alam kong hindi niya ako naririnig.

"Too shy to say, but i hope you stay. 'Yon lang ang hiniling ko sayo, pero hindi na 'yon matutupad,"

Huminga ako ng malalim bago makapagsalita ulit.

"Gumising ka na oh, hinihintay kita."

Ilang oras ang lumipas bago gumalaw ang kamay nya. Gising na siya! Tumayo ako at lumabas para hanapin ang doktor.

"Doc! He's awake!" Ngumiti sa 'kin ang doktor at sumama na sa 'kin sa loob.

"How are you, hijo?"

"I'm fine. But my head hurts a bit, but i'm okay." Tumingin siya sa 'kin.

"Good to hear that. Just rest. Baka sumakit ulit ang ulo mo,"

Lumabas na ang doktor kaya naiwan nalang kaming dalawa. Umalis din kasi si mama dahil sabi niya maghahanap sya ng pagkain.

"Kamusta?" Tanong ko.

"I love you,"

Hinawakan niya ang pisngi ko at ngumiti.

"Mahal na mahal kita. Hanggang huling hantungan, i'll still going to love you,"

Tumulo ang luha ko. Those words are giving me heart attack. Sobrang nasasaktan na ako! Tama na please...

"I love you more! Please stay..."

"I can't. God knows how much i wanted to stay, but...i just can't. I'm tired, Love. I'm really tired."

"Edi magpahinga ka lang! Yung promise ring na sa 'kin pa oh, ikakasal pa tayo 'di ba? Bibigyan pa kita ng maraming anak. Kahit lokohin mo 'ko ng lokohin okay lang sa 'kin basta hindi ka mawawala!"

Now he's crying. I can feel his pain, god knows how much i wanted to take his pain away but i can't. Sana ako nalang ang kinuha ni Lord.

"Remember this, if i'm gone. Don't stress yourself. Give  yourself a time to be happy, cause me? I didn't make you happy. I only give you pain and regrets. And i hope that you'll find the perfect man for you. In another life, you're going to be my girl."

Umiling-iling lang ako.

"Ah fuck! My head hurts! Really hurts. I'm sorry, Love. Siguro hanggang dito nalang talaga ako. The ring? Can you keep it forever for me?"

"Yes! I will,"

Sobrang sakit para sa 'kin ang makita siyang nahihirapan. Ayoko din maging makasarili.

"Love? You can rest now. Even if it hurts i'll let you go now...please remember me..."

Ngumiti siya kahit sa kabila ng nakikita ko sa mata niya. Sakit at paghihinagpis ang nararamdaman niya.

Sa huling pagkakataon, hinalikan niya ako. His kiss was so soft and sweet.

"I love you. Thank you for giving me happiness that nobody can give but you. Thank you for the memories. You will forever be loved."

"I love you more, thank you for everything."

"Goodbye, Sky..."

"Goodbye, Love. I love you so m–"

Nagulat ako dahil hindi na niya natuloy ang sasabihin niya dahil nanginig siya.

"DOK! SI SKY! ANONG NANGYAYARI?" Tanong ko sa pumasok na doktor.

"Skyler Galaxias time of death 11:11 pm."


Galaxy AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon