Chapter 12
Nang matapos kami kumain si ate na yung nagpresinta na maghuhugas ng mga pinagkainan pero tinulungan ko sya magligpit, nang malapit na kami sa kusina nag ready na 'ko para sa sermon nya, sorry ate pero di ko kayang layuan si Sky.
"So ano Jaisee, boyfriend mo na ba iyon?" Bungad nya kaya sinilip ko muna sa sala buti nalang at kinakausap sya nila mama.
"Tangek, 'di ko jowa 'yon ate. Pero crush ko sya hehe," sagot ko kaya binatukan nya ako.
"Ang brutal mo naman ate! Susumbong kita dun sa ex mo! Ano nga ulit pangalan non ate?" Pang aasar ko kaya nanahimik sya bigla, hala?
"Hoy ate!" Pangalabit ko sakanya kaya natauhan sya.
"Ah edi mag sumbong ka! Wala na akong pake don! Steve pangalan non," sabi nya sabay irap.
"Eh bakit mo ba kasi ako pinapalayo dun kay Sky, ate?" Naglakas loob na ako na magtanong.
"Kapatid sya ni Sky." muntik na ako matumba sa sinabi nya pero di ako nagpatinag.
"Oh ano naman kung magkapatid sila?" Taas kilay kong tanong, pero ganun nalang yung gulat ko ng sampalin nya 'ko.
"Di mo ba naririnig yang sinasabi mo?! Kaya kita pinapalayo dahil di ka makakabuti sakanya! Itigil mo yang nararamdam mo Jaisee! Dahil di ko hahayaan na makakatuluyan mo yon! Dahil sasaktan kalang din nya!" This time, i slap my sister. Sobrang sakit ng sinasabi nya.
"Wala kang karapatan na manghusga ng ibang tao! Dahil alam ko sa sarili ko na di sya katulad ng kapatid nya! Bakit ba sinasabi mo to? Para malayo ako sakanya? Ate naman, di ko kaya..." sabi ko at tatalikod na sana pero hinatak nya ulit ako.
"Then, tutulungan kita na limutin yang nararamdaman mo sakanya! Jusko Lori Jaisee! Ate mo 'ko, kaya may karapatan ako! Ayoko lang na matulad ka sakin na umiyak sa maling tao..." sabi nya na mas lalong nagpaiyak sakin.
Teka lang naman, bakit ang unfair? Bakit feel ko pinagkakait sakin ng mundo ang sumaya? Nagmamahal lang naman ako ah? Hindi ba pwedeng puro saya lang?
Humagulgol na ako, pero naalala ko...ako yung magiging date ni Sky.
"Kung pu'puwede lang ate kahit hanggang sa mag prom makasama ko pa sya, kahit yun lang ate," pakiusap ko at pumayag naman sya, pero nagulat ako ng biglang pumasok si mama sa kusina, pero this time...
"Sundin mo ang ate mo, alam nya yung mas makakabuti sayo," di ko na kaya, napaupo ako sa sahig dahil sa panghihina, malapit na eh.
Alam kong magugustuhan na 'ko ni Sky, unti nalang e. Unti nalang makakalimutan na nya yung nanakit sakaniya noon.
Naghilamos na ako at nakangiti na lumabas, uuwi na ako. Para makapag pahinga. "Tara?" Yaya nya kaya tumango lang ako at kinuha yung shoulder bag ko, pagtapos ay nagpaalam na kela mama.
Habang papalapit sa sasakyan nya, lintek at ayan nanaman yung luha ko kaya pinunasan ko bago pa tumulo.
Nakayuko lang ako habang nakaupo sa passenger seat, pinaandar na nya yung sasakyan kaya tumingin nalang ako sa bintana.
Buong byahe wala akong imik, kapag magsasalita sya tango lang isasagot ko, wala akong lakas na loob para tingnan sya. Dahil kapag tititigan ko ulit yung mga mata nya, hahabulin ko lang sya ulit. Tama na siguro to habang di pa nya nasusuklian yung pag mamahal ko, makalayo na ako.
Pagkadating sa dorm bagsak yung buong katawan ko sa pagod, nakahiga lang ako habang tinitingan yung kisama ng biglang tumunog yung phone ko. Pagod kong inabot yon at sinagot yung tawag.
BINABASA MO ANG
Galaxy Academy
RomanceStatus: Completed✔︎ Ang paaralan na kung saan gustong-gusto ko makapasok. Iyon ay ang Galaxy Academy. Hinangad kong makapag-tapos sa aking pag-aaral sa tulong lamang ng pagpasok bilang sideline sa tinatrabahuhan ko. Subalit, ang hindi ko inaasahan...