Chapter 24: Accident

43 5 0
                                    

Chapter 24

Isang linggo na ang nakalipas simula nung nangyari ang "Panloloko" saakin ni Sky. Andito ako ngayon sa grocery store para bumili ng mga pang stock dahil pupunta ako kela mama. Gusto ko ng kausap. Besides, day-off ko din naman. Isang linggo na, pero sariwa pa rin saakin yung nangyari. Isang linggo na pero feeling ko kahapon lang yun nangyari. Palagi ako binabagabag tuwing gabi ng isip ko, kung totoo nga na niloko ako niya ako pero may isang side din sa akin na pakinggan ko din ang side niya.

Pumipili ako ng mga wine nang may kumalabit sa likod ko. Nilingon ko 'yon at nakita ko si Mia.

"Hey..." Sa boses pa lang niya naiinis na 'ko kaya hindi ko na siya pinansin at nilagpasan na lamang siya.

"Hey! I just want to say sorry..." Pahina ng pahina ang boses niya kaya nilingon ko siya at nilapitan.

"Sorry? Para saan? Nagsisisi kana na pinatulan mo ulit ang boyfriend ko? I mean...Ex. Pero wala na eh, nangyari na."

Naramdaman ko na tutulo ang mga luha ko kaya tumalikod ako at huminga ng malalim. Kaya mo 'yan.

"It's just a fucking Dare, Lori. Bakit kasi hindi mo muna pakinggan ang side ni Sky? Baka sakali na maintindihan at malaman mo ang buong nangyari. Alam mo ba, simula noong nakipag-hiwalay ka sakaniya. Lagi nalang siya umiinom, wala na siyang pakealam sa paligid niya. Kasi ikaw lagi ang iniisip niya! Nagsisisi siya kung bakit pumayag pa siya sa utos sakaniya ng kaibigan niya. Pero ano? Ikaw? Pinangunahan ka ng galit! Kung pinakinggan mo muna sana siya..."

Hanggang makarating ako kela mama hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga sinabi ni Mia. Totoo kaya na hindi yun totoo? Na baka mas pinangunahan lang ako ng galit ko? Ang selfish ko pala. Pupuntahan ko siya bukas.

Nakahiga lang ako at kanina ko pa gustong kausapin si Sky pero hindi ko alam kung bakit. Paano? Eh, ayaw ko naman siya tawagan. Baka marami siyang ginagawa. Gusto ko na din siyang makita. Sobrang miss ko na siya...

"Lori! Bumaba kana dito at nang makakain kana! Kanina kapa nagkukulong sa kwarto mo!" Narinig kong sigaw ni mama pero 'di ko 'yon pinansin at natulog nalang.

"S-Sky! Wake up! You can't die. Please don't. P-Please!" Mangiyak-ngiyak kong sabi habang nakatingin kay Sky na walang malay.

"Miss, tumabi po muna kayo at dadalhin na po namin siya sa morgue. Wala na po talaga siyang pag-asa pa." Napailing-iling lang ako dahil sa sakit na nararamdaman ko, bakit ganito?

"Buhayin ninyo siya! Hindi pa siya pwedeng mamatay! P-Please! Nagmamakaawa ako!"

Nagising ako dahil sa ingay na nang-gagaling sa baba at pag bangon ko ramdam ko ang init at pawis na dumadaloy sa katawan ko. Hindi naman mainit ah?

Bigla kong naalala yung panaginip ko. Hinawakan ko ang mukha ko at nagulat ako dahil basang-basa ito ng luha. Panaginip lang 'yon Lori, panaginip lang. Tumayo na ako at humarap sa salamin, ngumiti ako at pinunasan ang mga luha na dumaloy sa aking mukha.

"Paano na 'to Anthony! Paano natin ito sasabihin kay Lori? Nasa hospital si Sky at hindi ko alam ang gagawin ko!"

"Kumalma ka, mahal. Sigurado naman ako na masasaktan ang anak mo dahil nangyari 'to sa nobyo niya pero hindi natin ito pwedeng itago sakaniya."

Bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko. Anong nangyari sakaniya? Hindi kaya? Hindi 'yon totoo, Lori. Ganun nalang ang gulat nila mama dahil bigla na lamang akong bumagsak sa sahig at napahagulgol.

"Lori? Anak! Ano ba nangyayari sayo! Tumayo ka riyan!" Sabi ni mama pero nanatili akong nakayuko.

"A-Anong nangyari sakaniya?" Tanong ko pero katahimikan lamang ang bumalot sa amin.

"Anong nangyari!"

"Si Sky, anak. Nasa hospital siya. Nag-aagaw buhay. May tumawag sa cellphone mo kanina pero naiwan mo 'yon sa sala kanina bago ka matulog. Tumawag 'yong mga pulis at binalita na...nabunggo si Sky, kanina."

Hindi ko na napigilan ang luha ko, Hindi 'yon pwede, panaginip lang 'yon! Panaginip lang 'to 'di ba?  Tumayo ako at umakyat sa taas para makapag-palit ng damit. Natanaw ko sa loob ng aking bag ang singsing na binigay niya. Hindi siya pwede mawala. Papakasalan niya pa 'ko. This is just a promise ring, wear it forever.

Biglang sumagi sa isip ko ang mga salitang binitawan niya, mula nang ibigay niya sa akin ang singsing na 'to. Umaasa ako...umaasa ako na sana panaginip nalang 'to. Kasi hindi ko kaya kapag nawala siya sa akin...

Nanatili muna ako sa kwarto, kinakatok ako nila mama pero hindi ko sila pinag-bubuksan ng pinto. Gusto ko munang mapag-isa. Puro iyak ko na lamang ang naririnig sa buong kwarto, at ramdam ko na ang hapdi ng aking mata dahil sa pag-iyak.

Please, alam kong panaginip lang 'to. Gisingin nyo na 'ko please! Parang kanina lang, ganoon ang panaginip ko. Pero hindi ko inaasahan na magiging totoo iyon. Kung alam ko lang sana...hindi nalang muna ako natulog. Lumabas ako ng kwarto para kuhain ang cellphone ko. Wala ng tao sa baba, siguro nasa hospital na sila mama.

Bumalik na ulit ako sa kwarto at ganun nalang 'yong gulat ko dahil ang daming missed text at calls ni Sky sa 'kin. Bago ko pa man buksan 'yon at huminga muna ako ng malalim at tumulo nanaman ang mga luha ko. Una kong binuksan ay ang mga text niya.

Hey, Love. Wait for me we're going to talk.

I love you, please wait for me. Malapit na ako, mahal ko.

Antayin mo ako ha? Mahal na mahal kita.

Ayan pa lang ang nababasa ko pero grabe yung luha ko, hindi matigil. Tinuloy-tuloy ko lang ang pagbasa ng mga text niya at mayroon pang voice mail.

"If i die right now or later... I just want you to be happy. I'm really sorry."

"Mapapatawad mo ba ako?"

"I love y-"

Hindi na natapos ang susunod na sasabihin niya dahil bigla na lamang ako nakarinig ng malakas na pagka-bangga. Ayan nanaman 'yung luha ko na patuloy sa pag-agos...hindi ko matanggap. Ayaw 'kong tanggapin na iniwan niya na 'ko. Kung mababalik ko lang ang mga oras na kasama ko siya...yung oras na kasa-kasama ko pa siya. Kung alam ko lang sana na 'yun na ang huling hawak ko sa kamay niya...hindi ko na sana siya binitawan.

"Anak, pumunta kana dito. Hinahanap ka na niya. Dalian mo na, habang may oras pa."

"Pupunta na 'ko ma. Please pasabi sakaniya na parating na 'ko..." Pinatay ko na ang tawag at nagbihis. Hindi ko na pinansin ang mga luha na dumadaloy sa mata ko dahil hindi 'to titigil.

Nagbihis na ako at kinuha ang phone ko para maka alis na. Sana maantay nya 'ko... Tinext ko si Steve kung nasaan siya pero hindi niya ito sinagot. Baka nasa ospital na siya. Teka alam niya ba ang nangyari sa kapatid niya? Siyempre alam niya. Kapatid niya yun e.

Galaxy AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon