Chapter 8
Pagkatapos nung araw na yon naging tahimik na buhay ko, jusko paano pa kaya sa date namin nung kupal na Sky na yon tsh ba't ba kasi ako nagyaya ng date? Minsan ang sarap din tuktukin yung sarili ko e.
Nandito ako ngayon sa trabaho, lutang grr. Sa malayo kita ko agad si Sky, papalapit sya sakin ayun nanaman yung puso ko naguunahan sa bilis ng magtibok, bakit ba ganito yung epekto ng isang Skyler Galaxias sakin? E halos parehas lang naman kaming tao, mayaman nga lang sya. Habang pabalik na ako ng dorm lutang ako, yung naglalakad ka pero yung utak mo sa parang wala hays.
Malapit na mag sabado naiisip ko na kung anong mangyayari feel ko ako lang masaya, kasi hindi naman ako gusto ni Sky eh ayoko sya pilitin makokonsensya lang ako, na pilitin sya na ma fall sakin mapepressure ko pa sya.
Malapit na ako sa pinto ng kwarto ko ng nakita ko si Sky na nakaupo habang nakayuko ang ulo sa mga braso, ayan nanaman yung puso ko ang bilis sa pagtibok pag nandyan sya sa malapit, pwede ba tong tumigil sa pagtibok yung iba naman yung dahilan ng pagbilis ng tibok, nag angat sya ng tingin at nung nagsalubong yung tingin namin pumungay yung mata nya.
Ang matang di ko kayang makita na malungkot o lumuluha.
Tumayo sya at nagpagpag ng sarili ngunit di ko tinatanggal ang tingin ko sakanya, bakit may ganitong ka gwapo na nilalang? Aaminin ko na sa sarili ko na nahulog na nga ako sa lalaking to ng ganun kabilis. Ang tanga mo talaga lori di mo muna kinilala yung tao! Sabay hampas ko sa noo ko ouch masakit!
"Hey what happened?" Tanong nya na punong puno ng pag aalala. Umiling nalang ako at binuksan yung pinto sinenyasan ko sya na pumasok, pagkapasok nya umupo sya sa sofa at isinandal ang leeg nya.
Pagod na pagod sya...
Pumunta na akong kusina para ipagtimpla sya ng kape, hindi ko alam kung bakit sya andito pero siguro umalis sya at dito sya dumeretso. Pagtapos ko magtimpla ng kape ng may yumakap sa bewang ko lilingon na sana ako ng isinandal nya ang baba nya sa balikat ko, palihim ako napangiti ngunit naglaho din ng bumulong sya sa tenga ko.
"Sleep with me, please?" Sa gulat ko nilingon ko na sya at nakita ko ang mapupungay nyang mga mata,
"Pero hindi maganda na tabi tayong matutulog," pagdedepensa ko, dahil sigurado ako bibigyan ko lang ng kahulugan yon. Nag pout sya at nangulit parin kaya pumayag nalang ako, wala namang mawawala kung tatabihan ko sya ngayon gabi, inubos nya yung kape at humirit pa na maliligo, kahit kelan talaga kapal ng mukha kung di lang pogi e grr! joke ehe yan marupok ka siz??
Narinig ko ng tumunog yung pinto ng cr pero di ako lumilingon natatakot na mag usap kami, umupo na si Sky sa kama at pinatay yung lamp shade.
Alas dos na ng madaling araw pero di parin ako makatulog inayos ko yung higa ko at humarap pero nakapikit padin ako, kaharap ko na si Sky pero di ko makita kung tulog naba sya o hindi, pag mulat ko sumalubong sakin ang napakagandang mata ni Sky nang napansin ko na tinititigan nya na ako ng matagal nag iwas ako ng tingin, naiilang ako!
"Can't sleep?" Tanong nya na nagpabuhay ng diwa ko, music to my ears.
"Oo eh, di nalang siguro ako matutulog tutal wala namang klase bukas sabado na e..." pahina ng pahina yung boses ko dahil date na pala namin bukas.
"Yeah and it's our date tomorrow so go ahead and sleep, para may lakas ka bukas kakakilig sa surprise ko," ha teka ano daw?? surprise? Baka nabingi lang ako? Tumango nalang ako at natulog na.
Kinabukasan wala ng Sky sa tabi ko, yeah oo nga pala nakalimutan kong nakitulog lang sya. Naligo na ako at nagbihis para pagdating nya aalis nalang kami. Mag aalas onse na pero wala pa rin si Sky inaantok na ako dahil wala din akong sapat na tulog kagabi, matulog nalang ako.
BINABASA MO ANG
Galaxy Academy
RomanceStatus: Completed✔︎ Ang paaralan na kung saan gustong-gusto ko makapasok. Iyon ay ang Galaxy Academy. Hinangad kong makapag-tapos sa aking pag-aaral sa tulong lamang ng pagpasok bilang sideline sa tinatrabahuhan ko. Subalit, ang hindi ko inaasahan...