Chapter 10
Simula noong araw na yun nilayuan ko na si Sky, may mga araw na sumasagi sya sa isip ko at gustong gusto ko na sya makita pero naalala ko yung mga sinabi ni ate Jaycell. Di ba dapat si Sky yung lumalayo? Siguro parte na to para makalimutan ko na sya.
Papunta na ako sa school, habang naglalakad may natanaw ako na lalaki sa gilid ng malaking gate ng Academy, alam kong si siya yon, lagi nya yun ginagawa pero patuloy ko syang binabalewala.
Lalagpasan ko na dapat sya ng bigla nyang hinawakan ang pulsuhan ko. "Ano bang problema mo?" Tanong ko habang nakakunot ang noo.
"Ikaw ang problema ko, nilalayuan mo ba 'ko?"
Kahit labag sa loob ko nilayuan ko pa din sya, patuloy sya sa pagtawag sakin pero ayoko na magmukhang tanga, tama na siguro yung mga araw na masaya kami, para na rim makalimutan ko na sya.
Nakatingin ako sa bintana nang bigla akong nakarinig ng pag-upo sa katabi kong silya, alam kong sya yon.
Nagsabi lang yung prof na magkakaroon kami ng long quiz next week pagtapos ay umalis na, bakit ba ang tatamad mag turo ng mga teacher dito? Tumayo ako at kinuha ang bag. Sa library nalang ako tatambay.
Habang papunta don, nakaramdam ako ng gutom kaya pumunta muna ako sa cafeteria at bumili ng makakain, bumili ako siomai with rice tapos mineral water.
Nang makaupo na ako sinimulan ko ng kainin yung binili ko nang biglang may naglapag ng brownies ko, pag angat ko ng tingin wala ng tao sa harap ko, baka hindi akin to.
Pero may note na nakadikit, luminga linga muna ako bago ko buksan, di ko maiwasang mapangiti dahil sa simpleng note nya lang mas lalo akong humanga sakanya.
Hey Jais, i miss you. Please talk to me, and oh btw keepsafe.
-Mr. Masungit
Umiling nalang ako at inilagay sa bag ko yung box ng brownies, favorite ko yun eh. Pagtapos ko kumain nagbasa lang ako ng libro para di ako mabored nang biglang umupo si Sam sa tabi ko.
"Magkakaroon daw tayo ng JS PROM lori ah? Sino partner mo? Ang sabi nung nag announce kanina, tapos bahala na kung sino maka partner mo," sabi ni Sam, kaklase ko.
"Pero 'diba pag may PROM, may nagpapractice? Saan daw gaganapin?" Pagtataka ko, first time ko mag prom dito e, private school pa.
"As always naman dito, mag bobook sila ng hotel, yung practice naman para sa kutilyon yun, ikaw bahala kung ayaw mo magpractice, sige una na ako," nakangiting kaway nya kaya kumaway na din ako.
Natapos ang klase ng lutang ako, nanaman. Dumaan muna ako sa pinag tatrabahuan ko bago ako umuwi, ang sakit ng ulo ko siguro magkakasakit ako dahil sa kakulangan ko sa tulog.
Nakapag paalam na ako sa manager ko na di muna ako makakapasok ng ilang araw dahil sobrang sama ng pakiramdam ko. Habang pabalik ng dorm nakaramdam ako ng hilo buti nalang nakahawak ako sa poste.
Nagising ako sa malambot kong kama, inalala ko lahat ng nangyari tiningnan ko kung kumpleto pa yung suot ko dahil bigla akong nahilo at nawalan ng balanse sa isang madilim na lugar malapit sa school, kumpleto naman.
Sinubukan kong tumayo pero sobrang sakit ng ulo ko, narinig kong bumukas ang pinto ng cr kaya napalingon ako, pagkatingin oo nakita ko si Sky? Na walang pang itaas na damit.
Pinikit ko ang mata ko dahil nasisilaw ako sa 6 pack abs nya, shemay.
"Anong ginagawa mo dito? Magdamit ka nga!" Sambit ko dahil di pa rin sya nagsusuot ng pang itaas at na sakin lang yung paningin nya.
BINABASA MO ANG
Galaxy Academy
RomanceStatus: Completed✔︎ Ang paaralan na kung saan gustong-gusto ko makapasok. Iyon ay ang Galaxy Academy. Hinangad kong makapag-tapos sa aking pag-aaral sa tulong lamang ng pagpasok bilang sideline sa tinatrabahuhan ko. Subalit, ang hindi ko inaasahan...