Chapter 1
"Hoy ‘te saan ka mag ka-college?" Sabi sa akin ni Allison, best friend ko.
"Gusto ko sana sa Galaxy Academy e’ alam mo ba ‘yon? Matagal ko ng pangarap na makapasok do’n kaso mahal yung tuition fee kaya kailangan kong kumayod, ayaw ko namang i-asa lahat sa magulang ko," sagot ko sa kanya.
Totoo ‘yon, gustong gusto kong makapasok sa Galaxy Academy kaya mag sa-sideline na lang ako para makadagdag ipon.
"Ako rin ‘te gusto ko rin do‘n, balita ko maraming gwapo ro’n pero syempre hanggang crush lang naman ako ‘no. Alam niyo naman na mahigpit ang kuya ko" sagot naman ni Naliah.
"Ikaw Seah, saan mo gusto? Ikaw, Amethyst?" Pagtatanong sa kanila ni Allison.
"Gusto ko kung saan kayo, do’n din ako para sabay sabay tayo ga-graduate. Best friends forever‚ right?" Sambit naman ni Seah.
"Hoy Galaxy Academy na lang tayo para sabay tayo ga-graduate," nakangiting sambit naman ni Amethyst.
"Let's go, Galaxy Academy, here we come!" sigaw ni Allison. hays, kahit kailan ang kalog talaga eh.
Pagkatapos ng chikahan na ‘yon lutang ako hanggang makarating sa bahay, naririnig ko pang tinatawag ako ni mama pero ‘di ko pinansin. Pinag-iisipan ko pa yung gagastusin ko kung papasok ako sa Galaxy Academy. Oh well, kaya naman siguro kung yung kukunin kong sideline malaki yung kikitain ko.
"Ano ba Jaisee kanina pa kita tinatawag ha, aba! Malilintikan ka na sakin!" Sigaw ni mama sa baba.
"Eto na po mama, bababa na po," sigaw ko pabalik. Sasabihin ko rin na yung tungkol sa pagpasok ko sa Galaxy Academy.
Tinulungan ko si mama na maghanda ng hapunan pagkatapos ay tinawag ko na si ate.
"Ate Jaycell baba na, kakain na!" Sigaw ko. Hay nako parang bingi, bahala siya riyan.
Nang nasa kalagitnaan ng pagkain bigla kong naalala yung tungkol sa papasukan ko.
"Ahh mama, nakaisip na po ako kung saan ako mag kokolehiyo," sabay ngiti ko kay mama.
"Saan ba yan Jaisee? baka naman mahal yung tuition, baka di makayanan ni mama." alam ko namang may point si ate pero ayaw ko ring sayangin yung oppurtunity na makapasok do’n kaya pagbubutihan ko talaga.
"Sa Galaxy Academy po sana mama, pag-iipunan ko naman po yung buwan-buwan na tuition, ako na po bahala. Mag sa-sideline po ako," nag puppy eyes pa ako kay mama para may effect.
"Oh siya sige, pero ako na bahala sa kakailangan mo para sa mga libro o kahit anong gastos maganda nang 50/50 tayo." ngimiti rin si mama sa akin.
Galaxy Academy ayan na 'ko!!!
Ay wait! Naalala ko yung dorm!!!
"Ah mama, may dorm din po na malapit sa papasukan ko na paaralan, do’n na lang din po muna ako tutuloy walking distance lang po ‘yon mula sa dorm hanggang sa school." sabi ko kay mama tumango lang siya biglang pagsagot
Sa susunod na dalawang linggo na yung entrance exam, next week na siguro ako pupunta sa dorm na tutuluyan ko.
Paggising ko kinabukasan tinanghali na ako, balak ko pa naman sana mag jogging 'no ba 'yan! Bukas na lang siguro.
Pero gusto ko muna mag gala-gala pupunta na lang siguro ako sa National Bookstore para bumili na ng mga school supplies para ‘di na ako mamroblema ‘pag nakalipat na ako sa dorm.Maghahanap pa pala ako ng pwede kong pasukan na trabaho, aha siguro kung mag sales lady na lang ako? Or cashier sa isang convenience store? Bahala na nga.
BINABASA MO ANG
Galaxy Academy
RomanceStatus: Completed✔︎ Ang paaralan na kung saan gustong-gusto ko makapasok. Iyon ay ang Galaxy Academy. Hinangad kong makapag-tapos sa aking pag-aaral sa tulong lamang ng pagpasok bilang sideline sa tinatrabahuhan ko. Subalit, ang hindi ko inaasahan...