Chapter 4
Takte naman oh! Sermon na nga kay dean sermon pa sa buong pakyut.
"Ano ba kasing pinag gagagawa mo baliw ka yan tuloy tsk tsk!"-Amethyst
"Ampogi nun ah! Baka yun na yung makatuluyan mo,"-Naliah
"Gusto mo itampal ko sayo tong sapatos ko ha lori?! Alam mo bang nakakahiya yung ginawa mo?!"-Allison
"Nako kung ako sayo jais nanood ka nalang ng mv ng blackpink shems ang ganda netong cover ni Jennie oh!"-Seah
Ayan yung mga sinasabi nila sakin sabay pingot sa tenge aray ha masakit huhu! Kaasar naman, nakakainis kasi yung masungit na yon eh! Kung di nya ako nilagyan ng sulat sa likod ko edi sana di kami na punish grr.
Natapos na ang klase at pabalik na ako sa dorm para magbihis tapos para makapagsimula na sa trabaho, ayun yung pakyut may kanya kanyang mundo. Pano ko sasabihin to kay mama? Wag ko nalang kaya sabihin? Bahala na nga.
Pagtapos ko magbihis bumaba na ako ng dorm para di ako malate sa trabaho hays sana maganda unang araw ko dun.
"Good evening maam, 250 po lahat," sabay ngiti ko sa ate na bumili ng mga chichirya.
Lumingon ako para sana batiin yung pumasok pero nakita ko si Mr. Masungit na malalim yung mata, hala lasing? Tumingin ako sa relo ko at nakitang alas dose na ng madaling araw.
Siguro naglasing to.
Pinagmasdan ko sya habang bumibili ng kape hmm coffee huh? Ayan bagay sayo maglasing ka!
"50 pesos lang po Sir." Diniinan ko talaga yung SIR dahil kahit hate ko sya costumer pa rin namin to.
Alam kong napansin nya ako pero binigay nya lang yung bayad nya at lumabas na.
Mag a-ala-una na ng madaling araw ng palabas na ako ng store, maglalakad pa sana ako kaso nakita ko nanaman sya na nakaupo sa likod ng kotse nya at...umiiyak?
Syempre may konsensya ako at lumapit ako.
"Eto oh gamot para mawala yang sakit ng ulo mo," nakangiting sambit ko, di muna ako maiinis sakanya ngayon kasi mukhang may pinagdadaanan sya.
Kinuha nya yung gamot tapos ininom may nakita akong tubig sa gilid nya at inabot sakanya yon pagtapos nya uminom ngumiti sya sakin.
"Ah thank you for the medicine, and ah sorry for what happen in school. I really don't mean it, madami lang akong pinag dadaanan tapos i-iniwan pa ako ng g-girlfriend ko kaya ayun ikaw napag buntungan ko." ngumiti nanaman sya sa akin kaya ngumiti nalang din ako.
"Wala na yun nangyari na e tapusin nalang natin yung punishment sa atin ni dean," nilingon ko sya bigla syang nag iwas ng tingin.
"Ah i have something to say to dean about the punishment kasi bawal ako magpagod eh." paliwanag nya ah so feel ko may sakit sya?
"Are you going home na? Tara hatid na kita bilang bayad sa gamot na binigay mo."
"Ah sige,"
Tinuro ko sakanya yung way papunta sa dorm. Nang malapit na kami may naiisip nanaman ako, bakit ang bait nya ata ngayon? Malamang nakainom eh.
Tss...
"Ah gusto mong pumasok muna para makapag kape?"
"Ah sure pa tambay nalang saglit medyo nahihilo nanaman ako eh."
"Oh okay,"
Katahimikan ang bumalot sa pagitan naming dalawa. "Pwede ako pumunta sa kitchen nyo? May stock kaba dyan? Magluluto ako" suggest nya nag nod naman ako.
Pagbalik nya galing sa kitchen pumunta agad sya sa pinto.
"Uh, i have to go may emergency eh," nagtaka ako pero nag nod nalang ako. Pagsara ko ng pinto may naamoy ako parang ewan...teka amoy ng sunog yun ah! Dali dali akong pumunta sa kusina para tingnan---at talaga nga naman oh yung hotdog sa kawali nasusunog na! Pusang gala!
Malilintikan ka sa 'kin Mr. Masungit lintek lang ang walang ganti!
Naiinis ako sobra! Kung hindi ko pa naamoy baka nasunog na yung buong dorm! Bubuksan ko sana yung ref ng may nakita ako...note?
Hey that's what you get for comforting me, i hate it when someone's so being nice to me even though it hates me.
-Sky
Aba! Mabait ako nagtitimpi lang ako buti nga at nag magandang loob ako eh! Nakakainis!!!
Yari ka sa 'kin bukas pag nagsimula na tayong maglinis
Kinabukasan maaga nanaman akong nagising, ayaw umalis sa ilong ko yung amoy sunog kagabi. Nainis nanaman ako makaligo na nga lang.
Lumipas ang ilang araw na paglilinis namin ni mr masungit pero di pa rin ako nakakapag isip ng bawi ko sakanya aha! Yung locker nya!
HAHAHAHA NOICE
Kinuha ko yung glue sa bag ko at nag gupit ng mga letters sa colored paper ilalagay ko sa loob ng locker nya tutal maluwag naman locker nya.
Napa palakpak ako sa tuwa dahil magiging succesfull tong bawi ko.
Nilagay ko;
ANG PANGET NG UGALI MO! for sure maiinis yun eh totoo namang panget ugali nya eh. Bumalik na ako sa room dahil tapos na rin ako maglinis. Nakita ko na si sky na papasok dito kaya tumingin nalang ako sa bintana kunware walang ginawang kalokohan."AQUINO!!! YOU'RE REALLY MAKING ME ANGRY HUH?" sigaw nya kaya yung buong classroom nabulabog pati yung mga dumadaan sa labas napahinto.
"BAKIT MR MASUNGIT? AYAN BAWI KO SAYO DAHIL SA GINAWA MO SA KUSINA KO!" sigaw ko din pabalik huh payt me!
Lumapit sya sa akin at inilapit pa lalo ang mukha nya nilagay nya ang magkabilang braso nya sa likod ko kaya wala na akong kawalan akmang magsasalita ako ng---HINALIKAN NYA AKO WHAT THE HECK!!!
Akala ko saglit lang yun pero mas lalo pang lumalim kaya yung kanang braso nya nilagay nya sa panga ko at ang kaliwa naman ay nakahawak sa bewang ko. Tumigil na sya sa pag halik saakin at--
"That-s what you get for making me angry, and btw if you don't know me I AM SKYLER GALAXIAS THE SON OF THE OWNER OF THIS ACADEMY!" yun lang at umalis na sya sa harapan ko.
Namula ang pisngi ko sa kahihiyan argh ayan ano ka ngayon Jaisee ayan napapala mo!
Skyler Galaxias...
Ang ganda ng pangalan nya...
-♡♡♡
BINABASA MO ANG
Galaxy Academy
RomanceStatus: Completed✔︎ Ang paaralan na kung saan gustong-gusto ko makapasok. Iyon ay ang Galaxy Academy. Hinangad kong makapag-tapos sa aking pag-aaral sa tulong lamang ng pagpasok bilang sideline sa tinatrabahuhan ko. Subalit, ang hindi ko inaasahan...