Chapter 3: Punishment

142 61 12
                                    

Chapter 3

Andito ako ngayon sa kama inaalala kung saan pwede pumunta.

Aha! Alam ko na punta nalang ako kay mama bibisitahin ko sya!

Nag grocery muna ako bago pumunta sa bahay para naman may stock sila don, bukas na rin naman na ako magtatrabaho eh bukas na din first day of school.

Habang papunta sa bahay may nakita akong nagtitinda ng mga wallet, ibili ko kaya si mama tsaka si ate Jaycell? Kaya pa naman siguro ng pera ko.

"Manang pabili nga po ng wallet, dalawa yung isa po may tatak na baguio city tapos yung isa po yung plain na kulay pink," sabay abot ko ng bayad sa manang.

Sana magustuhan nila to...

Nasa kanto na ako ng street namin nakita ko si mama na papasok palang ng bahay tapos may kasamang...lalaki?

Wala na si papa matagal na dahil naaksidente, pero ang lakas ng kutob ko sana lang mali yung iniisip ko.

"Ma! Andito na po ako!" Sigaw ko dahil walang mama na bumungad saakin sa sala.

Baka nasa kwarto nya.

"Maraming salamat Anthony at tanggap mo na may anak ako" so Athony pangalan non?

Kumatok ako sa pinto at tumigil naman yung pag uusap nila "Sino yan?"

"Mama si Jaisee po ako."

"Ay sige anak antayin mo kami sa sala,"

Sabi na e.

Bumaba sila nang magkahawak ang kamay at ang saya saya ni mama.

Ang mama ko kasi nasa mid 30s palang maaga syang nabuntis at si ate jaycell ay 24 na.

"Oh anak napasyal ka?" Sambit sakin ni mama habang nakangiti sabay sulyap nya sa kasama nya.

"Sino sya mama? Nagdala po ako ng pang stock sa ref namili po ako." ngumiti na rin ako dahil nakakahawa yung saya ni mama ayaw ko naman sirain.

"Si Anthony nak, tito Anthony mo," sabay ngiti ni mama.

Ngumiti ako kay "tito" wala naman siguro mawawala kung susubukan ulit ni mama magmahal diba? Matagal na rin simula nung nawala si papa, panahon na rin siguro para may mag alaga kay mama habang wala kami ni ate sa tabi nya.

"Hello po tito anthony ako po si Lori Jaisee," sabay ngiti sakanya.

"Napaka bait mo namang bata Jaisee."

"O sya tara kumain na tayo," sabi ni mama.

Habang kumakain sinusulyapan ko sila, sinusubuan ni mama si tito habang nakangiti nakakahawa yung ngiti nila kaya ngumiti nalang din ako.

"Ah mama bukas na po yung pasukan bukas na din po ako magsisimula sa nakuha kong sideline nakuha po ako bilang cashier sa isang convenience store malapit sa school, pag may pasok po night shift po ako tapos pag sabado at linggo alas tres po ako nakatoka." nakangiting sambit ko kay mama.

"Grabe naman Jais baka naman ma stress ka agad nyan? Di kaba mahihirapan pag sabayin yan?"

"Hindi naman po mama, ala una po ng madaling araw din ang uwi ko po,"

"Jaisee wag ka nalang kaya magtrabaho sagutin ko na gagastusin mo?" Nabigla ako sa sinabi ni tito anthony

"Ah hindi na po tito kaya ko naman po, nakakahiya po hehe," buti nalang at hindi na sila pumalag pa.

Nang dumilim na nag pasya na ako na umuwi na para ma ready ko na yung susuotin ko bukas sa pagpasok ko

"Una na po ako mama, tito bibisita po ako sa susunod, kayo na pong bahala sa mama ko." sabay kaway ko sakanila.

Galaxy AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon