Chapter 16: Ang Sakit Mo Mahalin

68 29 2
                                    

Chapter 16

Buong gabi ko inisip yung sinabi ni Sky! Shet! Sana di ako nananaginip. Siguro nahulog na din talaga sya sakin. Nakangiti ako habang nagbibihis, pupuntahan ko si mama ngayon! Kamusta na kaya sila ni tito anthony? Sana masaya sila.

Nagdala na din ako ng terno na pang tulog dahil dun ako kela mama mag papalipas ng gabi dahil ichichika ko sakanya yung inamin sakin ni sky.

Pupunta muna ako sa mall para bumili ng pang stock jusko mga tamad pa naman yung mga tao sa bahay. Nilock ko na yung pinto at nag iwan ng note.

"Bukas pa ang uwi ko, dun ako kela mama magpapalipas ng gabi. Kung sino ka man na pinuntahan ako ano i text nalang ako hehe!!"

             -Loribabes♡

Sumakay na ako sa elevator dahil ayoko mag hagdan, jusko di pa 'ko nakakarating sa baba mamamatay na 'ko sa hingal pag dun ako dadaan. Huminto yung elevator dahil nasa second floor palang ako, bumukas yung pinto at si Steve yung nakita ko. Agad nag init yung ulo ko at gumilid nalang dahil lapit sya ng lapit sakin.

"Hey" agad na sabi nya at tumabi sakin. Umusog ako at ngumiti nalang, bakit ba ang tagal netong bwiset na elevetor na to?

"Im sorry Jais, alam ko na galit ka sa'kin but, your ate is really annoying. Sabi ko naman kasi sakanya na ayoko na pero nagmamakaawa pa rin sya sakin, please jais. Sabihin mo lang kung anong dapat kong gawin para mapatawad mo 'ko." sabi nya kaya nag isip ako ng sasabihin.

Nilingon ko sya at ngumiti.

"Una, patigilin mo na yung mga nambubully sa'kin dahil hindi nila magugustuhan pag pinatulan ko sila. Pangalawa, pilitin mo yung sarili mo na di na 'ko gustuhin dahil alam mo naman na iba yung gusto ko. And last, kay allison mo nalang ituon yang nararamdaman mo mapapasaya mo pa sya." sabi ko at lumabas na.

Pumara ako ng SUV at sa harap nalang ako pumwesto, which is may katabi akong lalaki. Inabot ko na yung bayad at kinuha nung katabi ko at binigay sa driver.

Sa bintana lang ako nakatingin dahil mukhang uulan, nako sana wag naman. Huminto na yung sasakyan sa tapat ng mall kaya bumaba na 'ko, inayos ko yung backpack ko at pumasok na sa loob.

Kumuha na 'ko ng pushing cart at pumunta muna sa mga chichirya. Habang papunta sa pwesto ng mga inumin may narinig akong nagtatawanan. Pamilyar sakin eh, naramdaman ko na papunta din sila dito kaya nagkunwari ako na may hinahanap.

"Uy mga p're, si Lori 'to 'di ba? Uy Lori!" Aba't kung minamalas ka nga naman oh, humarap ako sakanila at ngumiti. Naramdaman ko na nakatitig sakin si Sky kaya nilingon ko sya.

"Uy sky, p're! Eto na yung kanina mo pa hinahanap oh! Naks ayieeee! SIGE UNA NA KAMI, ENJOYYYYY!!!!" pang aasar ni denis, tropa nya.

Ang awkward lang kasi nakatingin lang sya sakin hanggang sa makaalis yung mga tropa nya. Nilingon ko sya at ngumiti kaya nag iwas sya ng tingin.

"Ehem, bakit mo pala ako hinahanap?" Tanong ko kaya nilingon nya ako.

"Let's eat? Or let's date? Hmm..." nahihiya nyang sabi kaya tinawanan ko sya.

"Tara, pupunta ako kela mama. Sama ka? Dun kasi ako matutulog, tutal day-off ko naman." sabi ko kaya ngumiti sya.

Pagtapos ko mamili, naglakad na kami papuntang parking lot ng makasalubong namin yung grupo nila Mia.

"Whoa! I didn't know na may bago kayong maid, huh Sky?" Bungad nya at tsaka nilapitan si Sky at hinalikan sa labi, nag iwas ako ng tingin at tumakbo paalis.

Galaxy AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon