Chapter 15: Confess

72 34 3
                                    

Chapter 15

Natulala ako habang papunta sa school, di halos mag sink in sa utak ko yung mga salitang binitawan ni Christian. Bakit feel ko ang sama sama ko? Kasi... kasi di ko nasuklian yung pagmamahal nya sakin, alam kong mas nauna sya kesa kay Sky pero...kahit anong pilit ko, di ko talaga sya gusto eh.

Makakatagpo naman sya ng babae na para sakanya, pwede namang si Ame kaso walang pake si Ame sa mga ganyan, pag pa-pray ko nalang lovelife ni Christian para di na sya sad.

Pumasok na 'ko sa gate at lumingon dahil hindi ko mahanap sila alli, asan naba yun? Ah baka pumasok na sa room nila. Dumeretso na lang ako at umakyat na ng hagdanan, may narinig akong nag daldalan habang naglalakad ako at halos lahat ng makakasalubong ko ang sama ng tingin sa 'kin.

"Grabe ang landi nya talaga!"

"Kala mo naman kung sinong maganda!"

"Pagtapos kay Skyler, Kay Steve naman!"

"Mas maganda naman ex ni Sky!"

"Bitch."

Ilan lang yan sa mga naririnig ko habang tinatahak ko ang daan papunta sa classroom, gusto kong umiyak. Hindi ako malandi...

Nang makaupo sa silya ko tumingin lang ako sa bintana, wala naman yung prof dahil maaga pa. Lumipas ang sampung minuto at padabog na bumukas ang pintuan ng room, nilingon ko yon at nakita ko si Ate na galit na galit yung mukha, lumapit sya sakin at pilit akong tinayo.

Kusang nag manhid yung pisngi ko dahil sa paglapat ng mga palad nya, gusto ko syang sampalin pabalik. Hinila nya ako palabas at nakita ko yung mga estudyante na nanonood saming magkapatid.

"WHAT THE FUCK JAIS! I DIDN'T KNOW THAT YOU'RE A SLUT! PATI EX KO NILALANDI MO? JAIS NAMAN! AKALA KO BA SI SKY YUNG GUSTO MO? KAYA BA 'KO HINIWALAYAN NI STEVE DAHIL NILALANDI MO SYA?! ANG KAPAL NG MUKHA MO!" Sigaw nya kaya yung mga tao sa paligid ay nagbulungan.

Humakbang ako papalapit kay ate at tsaka sya sinampal.

*SLAP!*

"WALA KANG ALAM!" Sigaw ko pabalik at tsaka naglakad palayo, wala na 'kong pake kung saan ako dalhin ng mga paa ko. Gusto ko munang mapag isa.

Nakarating ako sa mini garden sa likod ng gym. Umupo ako sa maliit na bench at dun humagulgol, kelan to matatapos? Sobrang bigat ng pakiramdam ko. Bakit ganito? Di ko deserve to! Kung bakit ba kasi...sakin nagkagusto si...Steve.

Naramdaman ko na tutulo nanaman yung luha ko kaya pinunasan ko gamit ang likod ng palad ko, pero bago ko pa malapit may nag abot na ng panyo.

Nag angat ako ng tingin at nakita ko si Sky na seryosong nakatingin sakin. Gusto ko ng karamay ngayon, sana di nya ako sermunan.

Tumabi sya sakin at hinawakan yung baba ko at tsaka inangat. Tinanggal ko yung kamay nya at tsaka yumuko. Bumuntong hininga sya at tsaka seryosong tumingin sakin.

"Are you okay?" Tanong nya na mas lalong nagpaiyak sakin, pota hindi ba obvious? Kaasar! Humagulgol nanaman ako kaya nagulat ako ng yakapin nya 'ko.

This time, i feel so secured.

Umiyak lang ako nang umiyak sa balikat nya at mas idiniin pa yung mukha sa bandang leeg nya, ang bango huhu. Naramdaman kong may humila sa buhok ko kaya nabitawan ko si Sky.

"ARAY ANO BA!" sigaw ko dahil iniikot pa nya yung buhok ko, buti nalang at may lakas pa 'ko at tsaka inalis yung kamay nya.

Pag angat ko ng tingin nakita ko si Mia, yung ex ni Sky. Nagtaas ako ng kilay at humakbang sa papalapit sakin at tsaka nya 'ko sinampal. Pulang pula na siguro ngayon yung pisngi ko.

Galaxy AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon