Chapter 26: Last Vacation

33 3 0
                                    

Chapter 26

A year later...

Iminulat ko ang mga mata. Namataan ko agad ang isang babae na mahimbing na natutulog sa tabi ko. Ilang araw na ba akong tulog? Sinubukan kong tumayo ngunit bigla kong naramdaman ang sakit ng ulo ko.

Iginala ko ang aking paningin at nasa ospital nga ako. May benda ang paa at kamay ko. Kinapa ko ang ulo ko at nakapa ko ang benda na mahigpit na nakalagay sa ulo ko. May narinig akong ingay na nang-gagaling sa labas.

"He's not yet awake. Maybe his head are still aching."

"Pero isang taon na siyang natutulog, Doc. Hindi ba't panahon na para gumising siya? Gano'n ba talaga kalakas ang tama sa ulo niya, para hindi pa siya magising?"

"As i said. Kapag nagising na siya, maaaring hindi siya maka-alala o di kaya'y may taning na ang buhay niya. Hintayin nalang natin siya magising. Excuse me."

Hindi ako nakalagaw sa puwesto ko dahil sa sinabi ng Doktor. Totoo kaya? Paano kung mag-panggap nalang ako na hindi ko sila ma-alala? Kesa naman ang nasa isip nila ay bilang nalang ang araw ko. My tears are falling. I don't know how to be strong at this point. But my head still hurts. And Lori's beside me, hugging me. I miss her, so much. I want to hug her tight.

Hindi ko namalayan na gising na pala siya, at nagulat dahil sa pag-gising ko. "Gising kana," Napangiti ako nang bigla niya 'ko yakapin ng mahigpit. Niyakap ko siya pabalik at hinalikan ko siya sa noo. "Do you miss me?" Ngumiti siya ng mapait.

"Sobra, 'kala ko nga. Sa pag gising mo, hindi mo na 'ko maaalala." I feel so bad for her. Bakit ba kasi ang tagal kong natulog? "Wait, tawagin ko lang sila mama." I just nod and wait for her to come back.

"Oh My! You're awake! How are you feeling?" 

"I'm fine, Dad."

"That's good. Does your head hurts?"

"A bit."

I'm tired. And i want some hugs. Hinanap ng mga mata ko si Lori pero wala na siya sa kwarto. "Nasaan po si Lori?" Tanong ko sa mama niya,

"Umalis muna. Maghahanap daw siya ng pagkain." Ngiti niya kaya tumango na lang ako. Ilang oras pa ako nag-antay. Iniwan na rin ako nila Daddy kaya ang mama nalang ni Lori ang kasama ko. "Kamusta ang pakiramdam mo, hijo?" Tanong ni tita. Ngumiti lang ako ng mapait.

"Medjo okay na po ako. Ahm, tita? Am i going to die?" Hindi na siya nabigla sa tanong ko. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"Hindi natin alam ang takbo ng buhay, hijo. Pero sa ngayon. Magdasal lang tayo. Hindi ka pa mamamatay. Hindi 'yon kakayanin ng anak ko."

"Sana sa paglisan ko sa mundong 'to. Matanggap niya rin balang-araw. Ayaw ko din mawala sa tabi niya, tita. Siya na 'yung mundo ko. Mahal na mahal ko po ang anak niyo."

Ngumiti si tita at nag thumbs-up, "Alam ko na mahal niyo talaga ang isa't-isa kaya manalig ka lang sa panginoon. Hindi ka niya bibigyan ng problema kung alam niya sa sarili niya na hindi mo 'yon malalampasan." Mapait siyang ngumiti at nag-iwas ng tingin.

"Alam mo ba, no'ng hindi kapa nagigising. Lagi ka niyang binabalikan dito. Ni hindi na nga 'yon umuuwi sa bahay, kasi gusto niya sa pag-gising mo. Siya ang una mong makikita kahit hindi mo na siya maalala," Nakikinig lang ako sa sinasabi niya.

"Hindi ko nga alam, kung paano 'yon nalampasan ng anak ko. Dahil sa isang taon kang tulog. Isang taon din siyang lumuluha. Kahit anong gawin namin para lang mapasaya siya, kahit na sandali lang. Pero hindi, mas pinipili niyang ikulong ang sarili niya sa sakit. Kasi alam niya sa sarili niya na kahit anong gawin niyang pag-papasaya sa sarili niya, ikaw palagi nag sumasagi sa isip niya." It hurts...dahil sa loob ng isang taon. Wala ako sa tabi niya, para pasayahin siya. Kahit na hindi ko siya nakita na lumuha noon, alam kong hindi ko kakayanin na makita siyang gano'n.

Galaxy AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon