Chapter 25

19 3 0
                                    

Chapter 25

3rd Person's POV

Walang tigil ang mga luha ni Lori sa pag-agos habang papasok siya ng ospital. Kahit anong pilit niyang magpaka-tatag, pagdating kay Sky bibigay talaga siya. Bago pa man siya makapasok ng tuluyan ay pinunasan niya ang mga luha at huminga ito ng malalim. Kaya mo 'to Lori. Kayanin mo para kay Sky... Bulong niya sa sarili at pilit na lamang ngumiti.

Tanong niya sa nurse na nasa lamesa.

"Ah, andun po sa special room." Itinuro nito sakaniya kung saan ang sinasabi na 'special room' hindi niya maiwasang mapangiti dahil kahit papaano nasa maganda siyang puwesto.

Bago pa man niya pihitin ang door know bigla na lamang siya nakarinig ng sigawan. "You stupid crackhead!" Teka boses 'yon ng papa niya ah? Kinakabahan man pero tuluyan na siyang pumasok. Nakita niya sa loob ay ang papa nito at kuya niya kasama ang mama at papa niya.

Tumulo ang mga luha niya nang makita niya ang kaniyang nobyo na walang malay. May benda sa mga braso at mas kawawa ang mga paa. Naaawa siya sa kalagayan nito. Lalo na nang tignan niya ang ulo nito na mas makapal ang benda. 'Di na niya napigilan ang mapaluha dahil sa kalagayan nito.

"Kamusta daw lagay niya, Mama?" Tanong niya sa kaniyang mama pero tumayo lang ito at niyakap siya.

Sakto naman ang pagpasok ng doktor. Isa isa silang tingnan nito at nagsalita.

"His condition get much worse, mas naapektuhan ang ulo niya.  This can range from a mild bump or bruise to a traumatic brain injury. Common head injuries include concussions, skull fractures, and scalp wounds. The consequences and treatments vary greatly, depending on what caused your head injury and how severe it is. Yon ang mas tumama kaya may possibility na hindi siya maka alala o umikli ang buhay niya. Dahil hindi ito naagapan agad."

Hindi niya na 'ko maalala...ok lang basta hindi siya mawawala.

Matapos iyon sabihin ng doktor ay kasabay ng pagluha niya. Umupo siya sa tabi nito at hinawakan ang kamay niya. " Love, i'm here na. Please, stay awake for me. I can't afford another heartbreak. Just, don't leave me. H-Hindi ko kakayanin,"

 "Yung singsing pa, na sa 'kin pa. Nag-promise ka sa 'kin. Hindi ba?" Hinimas niya ang singsing na nasa daliri niya at mapait siyang napangiti. Ok lang kung hindi mo 'ko maalala, ang mahalaga hindi ka mawawala sa mundong 'to. Ilang oras pa siya nanatili sa tabi ng kaniyang nobyo nang di niya namalayan na nakatulog na pala siya.

"Mia naman! Bakit umabot kayo sa point na gano'n? 'Diba sabi ko, sumabay ka lang. HINDI LANDIIN!" Papunta pa lang sa kwarto ni Sky ay nagbabangayan na ang dalawang mag kaibigan.

"Sorry na kasi! Kung alam ko lang na gano'n yung mangyayari, edi sana hindi ko na 'yon hiniling sa 'yo," 

"Lol, don't talk to me," 

Nagulat si Lori sa pagpasok nila Mia, pero isina-walang bahala niya 'yon. Ano pa ba ang makukuha niya sa dalawang 'to? Eh, sila naman ang may kasalanan kung bakit nakaratay si Sky sa hospital bed na 'to. Kung bakit ba kasi hindi ko siya agad pinakinggan! Edi sana...hindi aabot sa puntong ganito. Tumulo nanaman ang luha ni Lori dahil patuloy niyang sinisisi ang kaniyang sarili.

"Oh, saan ka pupunta?"

"Wala kang pake," Nag kuyom ang mga palad niya dahil sa matinding galit, ayaw kong marinig ang bosse niya! Baka mapatay ko pa! Lumabas siya ng kwarto at kumuha ng sariwang hangin sa labas ng ospital. Habang naglalakad siya may naka-agaw pansin sa atensyon niya. Ang magjowang magkayakap. Mapait siyang ngumiti dahil naalala niya si Sky. Miss na kita. Kahit anong pilit niyang pag-mamakaawa na gumising siya. Ang doktor na rin ang nagsabi na baka sa pag-gising nito ay hindi na siya makaalala. O 'di kaya'y bilang na lamang ang mga araw niya.

Hindi niya namalayan na nakarating na pala siya sa isang lugar na punong-puno ng mga bulaklak. Napakaganda. Bigla siyang napangiti dahil na-alala niya si Sky. Napaka-sarap sa pakiramdam dahil kahit pa-paano ay gumaan ang nararamdaman niya. Isa ito sa favorite nilang puntahan. Umupo siya sa mga damo at tumingin sa kalangitan. Maganda ang view dahil malapit nang lumubog ang araw. Kung kasama ko lang sana siya dito, mawawala lahat ng problema ko. Mapait siyang ngumiti at may lumandas na luha sa kaniyang mata.

Gumising kana, nag-aantay ako.

Kahit anong pilit niyang kalimutan ang sakit kahit ngayon lang. Lagi niyang iniisip ang kalagayan ni Sky. Biglang sumagi sa isip niya ang sinabi ng doktor. May possibility na hindi siya maka alala o umikli ang buhay niya. Dahil hindi ito naagapan agad. Kung naagapan ba agad, hindi magiging ganito kalala? Ok lang naman kung hindi siya maka-alala. Kung hindi niya man ako maalala, gagawa ako ng paraan upang bumalik ang ala-ala niya.

"Lori?" Bahagya siyang napalingon dahil may tumawag sa pangalan niya.

"Naliah! Anong ginagawa mo dito?"

"Wala, namamasyal lang. Ikaw, bakit ka andito?"

"Hindi ko alam, dito ako dinala ng paa ko eh."

"Ano pala yung nabalitaan ko about kay Sky? Anong nangyari?" Hindi na siya nagulat sa tanong ng kaniyang kaibigan, inaasahan niya pa nga 'yon.

"Traumatic brain injury. Nabunggo siya, kagabi. Sabi nung doktor. Marahil sa pag-gising niya ay hindi na siya maka-alala, o di kaya'y bilang na lamang ang araw niya."

Bakas sa mukha ng kaibigan niya ang lungkot. Lumapit siya dito at niyakap niya. "Magiging okay din ang lahat, magdasal lang tayo."

Galaxy AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon