Chapter 13
Natapos ang araw na yon, madaming tanong sa isip ko at uhaw na uhaw na ako sa sagot. Siguro hindi pa ngayon, hindi pa ako handa na malaman ang lahat.
Andito ako sa trabaho ngayon, andaming customers. Siguro mas madami pa netong mga nakaraang araw na wala ako. Malapit na 'ko sumahod, malilibre kona rin sila Alli. May pumasok sa store.
"Good evening po," bati ko, di ko makita yung mukha nya dahil naka cap sya.
Unti unti syang lumapit sakin pero ganun nalang yung gulat ko ng tanggalin nya yung cap nya at si Sky yung nakita ko.
"Hi Jais." bati nya kaya ngumiti ako ng pilit, ayoko muna sya makita ngayon. Di ko alam pero sa tuwing makikita ko sya, naalala ko yung kuya steve nya.
"Bibili ho ba kayo sir?" Tanong ko.
"Gusto kita makausap, Jais," sagot nya pero di ko pinansin at binati nalang yung mga papasok ng store.
"Ayoko muna, wag muna ngayon Sky kung pwede lang." sabi ko, kaya tumango lang sya at lumabas na. Gusto na kita makasama, kaso hindi pwede. Madaming hadlang.
Umiling nalang ako at pinagpatuloy ang trabaho, nang mag alas dose na, naglinis na ako ng store. Inayos ko muna yung mga gamit ko bago maisipan na lumabas. Nasa kalagitnaan na 'ko ng paglalakad ng may huminto na sasakyan sa tabi ko. Di ko nalang pinansin at tumakbo nalang, tutal malapit na 'ko sa dorm, yehey makakapag pahinga na ako!! Naramdaman ko ng nanghihina na yung katawan ko kaya binilisan ko na sa paglalakad.
Nang makarating sa dorm umupo lang ako sa sofa at isinandal yung leeg, pagod na pagod ako.
Gustong gusto ko na mahiga sa kama pero kailangan ko pa maligo. Kumanta nalang ako habang naliligo dahil sobrang boring, di ko namalayan na may tumulo na luha sa mata ko, bakit?
Hindi na ako kumanta dahil baka maiyak nanaman ako, bakit ba kasi ang sakit nung kanta na yon? Di naman ako namatayan geez. Nagsuot na ako ng terno na sando at pajama at pumunta sa kusina dahil ginutom ako. Nagluto lang ako ng fries para habang nag fa-facebook ako mamaya, dumapa na ako sa kama at kinuha yung phone ko.
Nag sharedposts nalang ako dahil wala nanaman akong ka chat, tsk lagi naman hahahaha. Nang magsawa sa facebook, pumunta nalang ako ng instagram at nagtake ng pictures pang post sa story, buti nalang may matinong kuha jusko. Pinost ko nalang sa story ko sa ig at humiga na para matulog.
Nagdasal muna ako bago matulog, humiga na ako pero parang di ako dinadalaw ng antok, patulugin nyo 'ko huhu maaga pa pasok ko bukas! Pinilit kong matulog kahit ayaw talaga.
Kinaumagahan, di ko namalayan yung oras dahil napasarap yung tulog ko, kaya nagising ako ng ala sais ng umaga, buti nalang alas otso pa yung pasok namin sa school pero bumangon na agad ako at nag ready, jusko ayoko na malate ulit!!
Habang nagbibihis narinig ko na may kumatok sa pinto kaya tinanong ko kung sino.
"Si Alli ito!" Sigaw nya kaya sabi ko "pasok" pero ganun nalang yung gulat ko ng namamaga yung mata nya, anyare?
Pagtapos ko mag butones umupo ako sa kama at humiga naman sya.
"Anong problema?" Tanong ko pero umiling lang sya at umiyak nanaman.
"Nakakainis!! Crush ko na ata yung newbie dito sa dorm, lagi din ako madalas diba? Pag boring ako napunta ako don tapos nakikita ko sya, alam ko naman na taga dito yon, pero..." sambit nya kaya nabitin ako.
"Ano?" Tanong ko na nakanuot yung noo.
"Nagbibigay sya ng motibo, kaya ako nafafall sakanya," sabi niya kaya ganun nalang yung gulat ko dahil si Steve yung sinasabi nya, di nalang ako nagsalita dahil ayoko sya masaktan, may gusto si Alli sakanya tapos ako yung gusto nya.
BINABASA MO ANG
Galaxy Academy
RomanceStatus: Completed✔︎ Ang paaralan na kung saan gustong-gusto ko makapasok. Iyon ay ang Galaxy Academy. Hinangad kong makapag-tapos sa aking pag-aaral sa tulong lamang ng pagpasok bilang sideline sa tinatrabahuhan ko. Subalit, ang hindi ko inaasahan...