Chapter 22
"Chris, gusto ko na umuwi." Kanina pa kasi kami nandito, mas lalo lang akong naiiyak pag naiisip ko yung kababuyan nila.
"Okay, hatid na kita,"
"Hindi na Chris, kaya ko naman."
"Ganun ba? O sige ingat ka ha?"
Tumango lang ako at kinuha na ang bag ko. Sira na din ang make-up ko. Wala na akong oras para maayos yun, gusto ko na umuwi para makapag pahinga.
"Lori, wait! Let me explain, please?!"
Narinig kong sumigaw si Sky pero hindi ko na yun pinansin at dere-deretso lang sa paglabas. May ilan pa akong naririnig na may umaawat kay Sky dahil hinahabol nya talaga ako.
Tama na muna, please. Hindi ko na kaya...
Tuloy-tuloy lang sa pag-agos ang mga luha ko. Hindi ko halos maisip na gagawin nya sakin yun. Ginawa ko naman lahat ah? Bago pa lang kami. Madami na akong plano para sakanya, sa aming dalawa.
Nagpasya nalang akong maglakad, dahil hindi nag papa awat ang mga luha ko. Tama na... Please...
Gusto kong magmakaawa sakanya, na wag na nya 'ko saktan. Wala akong lakas ng loob na manumbat kahit gustong-gusto kong gawin.
Nakarating ako sa dorm ng luhaan...binaba ko lang yung bag ko at pumunta sa lababo para makapag hilamos at makapag-bihis. Narinig ko na may kumatok pero di ko yun pinansin.
"Lori, please! Talk to me!"
Bakit kailangan nya pa 'ko habulin? Hindi paba sapat na nasaktan na nya 'ko? Pumunta nalang ako sa kwarto ko at nagkulong...umalis kana please...
Pero ilang oras pa ang lumipas nang matapos na ang katok. Tumayo ako sa kama para magpalit ng damit at mag-ayos ng mukha, kanina pa kasi iyak ng iyak tsk.
Nasa kalagitnaan ako nang pagkain nang may tumawag.
Christian Calling...
Tumayo ako at nilagay sa lababo ang mga pinagkainan bago iyon sagutin.
"Hmm?"
"Are you okay?"
Amputa naman oh! Tinanong pa, naluha tuloy ako.
"Hindi..."
"Ang gago talaga nung lalaking iyon!"
Nahawakan ko ang dibdib ko sa sobrang sakit nang nararamdaman...Sobrang sakit. Pinatay ko yung tawag. Napaupo ako sa sahig dahil nahihirapan akong huminga...
BWISET NA HIKA TO! UMAATAKE NANAMAN!
Kumuha ako ng magkapares na sando at pumunta na sa banyo para makapag bihis. Pinunasan ko ang mukha ko gamit ang tisyu. Kalat-kalat na yung make-up ko amp, yung mascara ko nasa pisngi na.
Matapos ko mag-ayos may narinig ako na katok galing sa pintuan. Hindi ko na pinansin yon dahil boses nila Naliah ang narinig ko.
"Lori!" Bungad nila saakin, tahimik lang si Alli sa gilid kaya nagtaka ako.
"Ano nangyari dun?"
"Ewan ko, sabi niya puntahan ka daw namin dahil baka matigok ka kakaiyak kasi hinihika ka daw."
Tumango lang ako at nanood nalang ng t.v. Nakita ko si Alli na nakatingin saakin kaya tinabihan ko sya.
"Anong nangyari sayo?"
"Wala, kiss mo 'ko. Hindi dapat kita bati kasi hindi ka nag kekwento eh hmf, kiss mo nalang ako."
Pati sila Seah natawa din sa sinabi niya pero naka pout lang sya. Tumayo ako at hinatak ko sya palabas ng Dorm. Dinala ko sya sa baba ng building at umupo sa bench malapit sa mini-store ng building.
BINABASA MO ANG
Galaxy Academy
RomanceStatus: Completed✔︎ Ang paaralan na kung saan gustong-gusto ko makapasok. Iyon ay ang Galaxy Academy. Hinangad kong makapag-tapos sa aking pag-aaral sa tulong lamang ng pagpasok bilang sideline sa tinatrabahuhan ko. Subalit, ang hindi ko inaasahan...