Prologue

390 73 15
                                    

Prologue

Andito ako ngayon sa isang flower shop upang bumili ng syempre bulaklak ano kaba Jaisee hahaha! Ilang taon na rin ang lumipas simula nang pumanaw si Sky...

Matagal na syang wala, pero sya pa rin...

Kinilig ako sa naisip ko "Salamat po," sabay ngiti ko sa aleng nag abot sa 'kin ng bulaklak. Ambango parang si Sky...

Pumara ako ng taxi maaga akong pupunta sa sementeryo ngayon para bisitahin siya, wait for me my love here i come...

"Manong dito nalang po, salamat," pagtapos ay binigay ko na ang pamasahe ko sabay kaway sa manong na paalis na. Habang papalapit ako biglang lumamig yung ihip ng hangin hmm i can feel you love.

"Hi love, namiss mo ba 'ko? Ako na miss kita sobraaaaa. I hope you're right here beside me so i can hug you, i miss you so damn much," alam kong naririnig ako ni Sky mula sa itaas, pinikit ko ang mata ko habang dinadama ang sarap na ihip ng hangin,ramdam ko na nakayakap sa'kin si Sky, nararamdaman ko.

Miss na kita love, no word can express how much i want to kiss you right now but i can't, kasi...wala kana, andyan kana sa heaven alam kong nakikita mo 'ko mula dyan sa taas. Are you happy? I know you're happy because you're now one of the stars, my brightest star...laking pasasalamat ko sa galaxy academy dahil natagpuan kita at habang buhay akong magpapasalamat kasi binigay ka ni lord saakin even though just a short time but it's worth it, dahil tanggap ko na...tanggap ko na mag isa nalang ako at alam kong di mo gusto na mag isa ako pero alam kong masaya kana at malaya, you're now at peace...

Parang ulan yung mga luha ko naguunahan sa pagbaba, dahil naalala ko nanaman, yung mga alaala na nagpapaluha saakin, pinunasan ko yon gamit ang likod ng kamay ko at tumingala, madilim na at kita ko na yung mga stars kung nasan yung mahal ko...

It's already 5 years but still, you're the only love of my life, and no one can replace it.

Matagal bago maghilom yung sakit, dahil sa twing babangon ako sa umaga ng di ko sya nakikita masakit...sobrang sakit. But now i already accept the fact that he's gone. Tatlong taon na ang lumipas pero may kirot pa rin, masakit kasi hindi sya nagtagal pero at the same time masaya, masaya kasi alam kong di na sya mahihirapan pa.

Hindi kayang tumbasan ng kahit na anong sakit ang nararamdaman ko habang nakikita ko syang nahihirapan at namimilipit sa sakit noon, lumaban sya god knows how much he try but still he die. Masaya ako kasi kung hindi dahil sa galaxy academy hindi ko sya makikilala, hindi sya yung makakapag pabago ng pananaw ko sa buhay, dati wala akong pakealam sa kahit na ano ang alam ko lang ay dapat mahalin ang sarili ko. Dati wala akong pakealam sa pag ibig pero nung dumating sya lumambot ako, yung puso ko.

Sya yung nandyan nung inayawan ako ng lahat, sya yung nandyan nung kailangan ko ng karamay.
Andyan sya para pasayahin ako nung nawala ang parents ko, sya yung naging sandalan ko.

Dati inaasar asar nya lang ako, Dati nasa piling ko pa sya...

Dati...

Sobrang saya namin, dati.

Mapait akong ngumiti habang inaalala kung paano kami nagsimula...

-♡♡♡

Galaxy AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon