Chapter 11: Prom Date

82 46 1
                                    

Chapter 11


Nagising ako sa sinag ng araw na ng galing sa bintana. Agad akong nagmulat ng mata at bumangon, paglinga ko nakita ko si Sky na nakahiga sa likod ko. Ang aga aga pinapangiti ako neto.

Nag scroll lang ako sa newsfeed at nagbasa ng mga chats bago ko maisipan na magluto ng agahan, kinumutan ko muna siya bago ako pumunta ng banyo, siguro nalasing to kagabi kaya tulog pa din.

Nang nasa cr ako, nagtoothbrush lang ako tsaka naghilamos.

Nagbihis na din ako ng spaghetti strap tapos dolphin short, tutal day off ko naman siguro mamamasyal nalang ako sa mall tapos bibili ng stock tapos deretso ako sa bahay para mabisita sila mama.

Masaya kaya ngayon si mama sa bago nya? Siguro masaya sya, nakikita ko yon sa mga mata nya.

Basta ako kung saan sya masaya, susupportahan ko nalang. Sobrang lungkot nya din nung iniwan kami ni papa kaya mas okay na yon, para kahit papaano masaya na si mama.

May narinig akong kumatok kaya naputol yung pag iimagine ko, bwiset sino ba kasi to. Ay potek andito pa pala si Sky punyeta HAHAHAHAHA.

Sumigaw ako na matatapos na kaya narinig ko na yung yabag niya palayo, anong oras kaya to aalis? Para makaalis na din ako. Lumabas na ako at nakita ko siya na nakaupo na at ako nalang yung inaantay, teka lang. Diba dapat ako yung magluluto ng agahan? Hala sige ayan daydream pa Lori.

Ngumiti nalang ako sakanya, nang nasa hapag na naisipan kong itanong sakanya kung kelan ba sya uuwi.

"Uuwi kana ba mamaya?" Tanong ko sakanya kaya nag pout sya at hinarap ako.

"Are you asking me to leave na?" Sabi nya kaya umiling nalang ako "Ano kasi..." kinuha nya yung baso at uminom na.

"Bakit? May lakad ka ba?" Tumango ako at sinenyas na tapusin ko lang yung pagkain at sasabihin ko kung saan yung lakad ko.

"Ano kasi, pupunta ako sa mall mamaya. Bibili ako ng pang stock na pagkain tapos pupunta ako kela mama," sabi ko pero tumango lang sya at pumunta sa banyo.

Nagligpit nalang ako at nanood ng tv habang inaantay syang lumabas para makauwi na sakanila. Nang makalabas nakita ko sya na bihis na bihis, naka t-shirt at jeans.

"Aalis ka rin? Wow may date ka noh? Bango natin ah?" pang aasar ko, inirapan nya lang ako at sinenyasan na maligo na kaya inamoy ko yung sarili ko, mabango pa naman ah? Kaasar naman to minamadali ako maligo! Inirapan ko nalang sya at naligo na.

Nasa kalagitnaan na ako ng pagligo nang may narinig akong ingay muna sa sala, teka sila Alli yun ah? Hala makikita nila si Sky! Dali dali akong lumabas kahit nakatapis pa 'ko ng tuwalya.

"Ano ba yan! Hoy Lori mag bihis ka nga!" Angal agad ni Alli kaya binatukan ko sya.

"Ano ba kasing ginagawa nyo dito? Mga taeng to! Sana sinabihan nyo 'ko na pupunta kayo, edi sana..." edi sana, tinago ko si Sky baka ma issue pa 'ko! Pero luminga ako at wala ako nakitang Sky.

"Hoy tae! Ano ba nililingon mo dyan? May tinatago ka noh?" Pang aasar ni Naliah tapos kinikiliti ako

"Siguro may dinala kang pogi dito noh? Kinama ka na ba?" Aba't sarap mangotong! "Tanga! Hindi kasi hinahanap ko damit ko, taeng 'to!"

Pagpapalusot ko kaya mukhang naniwala naman sila, "Di paba kayo aalis? May lakad ako mga tae!" Sabi ko pero aba't ang kakapal ng peys! Humiga pa sa kama ko!

"Mag s-sleep over sana kami, kaso may lakad ka e bukas nalang siguro, tara na mga tae!" Sigaw ni Allison kaya nagsilabasan na sila.

Pumunta na ako sa kwarto at naghanap ng maisusuot, nakatapis pa rin ako kaya tinanggal ko yung tuwalya, pero natatakpan pa yung likod ko, pero ganun nalang yung gulat ko nung biglang sumulpot si Sky sa cabinet.

Galaxy AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon