Chapter 21
Andito ako ngayon sa isang coffee shop malapit lang sa school. Nayaya ako ni Alli e. Alam kong madaming chika to kaya gusto nya dalawa lang kami. Umorder sya ng inumin namin, syempre libre nya.
"Myghaddd, Lori. Andami kong chika sayo, as in. Pero syempre about kay Steve lahat duh hahahaha."
"Umpisahan mo na dalii."
Inayos nya ang upo nya at tsaka ngumiti.
"Nakasama kong uminom si Steve kagabi. As in kilig ako huhuhuhu. Kasama nya kasi mga tropa nya that time. Tapos nasa condo lang ako nun, tinatamad ako bumaba eh. Tapos may tumawag sakin."
Nakatingin lang ako sakanya habang nag kekwento sya. She's really in love. Ngumiti ako sa naisip ko. Sana si Steve na yung para sakanya. Ngumiti sya pabalik at halata palang sa mga ngiti nya na sobrang saya nya.
"Then, sinagot ko yung tawag. Tapos syempre nahalata ko sa boses eh. Sabi nya dun... 'Hi, Alli. I miss you, how are you?' tapos nung una di ako nagsalita kasi baka pinagtitripan nya lang ako."
"Then?" excited na sabi ko. Huminga muna sya ng malalim at uminom ng kape.
"Tinanong ko sya kung nantitrip lang sya, pero sabi nya hindi daw. And guess what? Pinapunta nya 'ko kung nasan sila. Sa bar ampota HAHAHAHAHAHA" tawa nya pero ngumiti lang ako.
"You look so happy and inlove."
"Hoy ikaw din ha, yiee Skylerrrr!!" ayan nanaman sya, inasar nanaman ko.
Tinapos na namin yung kinakain namin at sinabi nya na ituloy nalang namin next time yung kwento nya. Kailangan ko na din mag-ayos. Prom na mamaya huhu na eexcite ako na kinakabahan. Hanggang sa makarating ako sa condo, umupo muna ako saglit at nagpahinga.
Pagkatingin ko sa orasan, WHAT THEEEE! 5 NA AMP! Ganon ba 'ko katagal umuwi? Nagmamadali na 'kong pumunta sa cr at naligo, jusko mag-aayos pa 'ko!
Nasa kalagitnaan ako ng pagliligo nang may kumatok sa pinto. Bahala kayo dyan, naliligo pa yung tao e!
"Loriiii! Magbihis kana yawa ka! Asan ka ba?" Boses ni Naliah ang narinig ko kaya nagmadali na 'ko matapos.
"ETO NA! LALABAS NA!" sigaw ko pabalik at kinuha ang tuwalya. Nag suot ako ng spaghetti strap at nag cycling.
Pagkalabas ko ng cr bumungad sakin si Naliah na nakangiti habang tinitingnan ang gown ko.
"Taray, ang ganda teh. Ikaw bumili?"
"Hindi. Mukha ba 'kong may pera pambili nyan?"
"Eh sino? Ah alam ko na, si Sky noh?" Ngumiti lang ako at kinuha na yung make-up kit na dala nya.
"Dalian mo na, lagyan mo lang ako ng face powder tsaka kilayan mo na rin ako tapos-" hindi na natapos ang sasabihin ko dahil binatukan nya 'ko.
"Alam ko, ako nang bahala. Marunong kaba mag make-up ha? Paladesisyon ka ah." Inirapan ko lang sya at umupo na sa silya.
Ilang minuto lang ang nakalipas at natapos na din. Sinabi nya na ang ganda daw ng pagkaka make-up nya sakin kahit light lang yon.
Napag-isipan ko nalang na
ilagay yung buhok ko, okay na yon potek. Kinuha ko na yung gown at sinuot. Pagkatapos ko isuot tumingin ako sa salamin, teka ako ba talaga 'to?Napangiti ako dahil ang ganda ng napili ko na style, sobrang simple lang nya. Sinuot ko na yung kwintas na binigay ni mama sa'kin nung birthday ko. Nagsuot na din ako ng heels.
Love Calling...
Kinakabahan pa 'ko nung una dahil kala ko ibang tao yung tumatawag, si Sky lang pala. Sinagot ko yun at pumunta ako sa kwarto.
BINABASA MO ANG
Galaxy Academy
RomanceStatus: Completed✔︎ Ang paaralan na kung saan gustong-gusto ko makapasok. Iyon ay ang Galaxy Academy. Hinangad kong makapag-tapos sa aking pag-aaral sa tulong lamang ng pagpasok bilang sideline sa tinatrabahuhan ko. Subalit, ang hindi ko inaasahan...