02

248 43 11
                                    

"Wag nalang kaya no?" sabi ko sa kanya pagkababa ng sasakyan.

"Timang ka? anong wag nalang andito na tayo hoy, ayusin mo nga yang mukha mo ilagay mo sa likod yung buhok mo para makita ng unti yung sa tapat mo" she said, gaya ng sinabi niya nilagay ko lahat ng buhok ko sa likod.

Agad kaming pumasok sa loob. Marie was wearing a black fitted dress at naka bun ang buhok niya at ako naman I was wearing a red romper match with black heels at nakalugay lang ang buhok ko. Kinakabahn talaga ako, never ko pa na meet ang parents niya, baka kung ano pang sabihin non sakin pagnakita ako. I have no choice but to come with her and meet her parents for the first time.

"Good evening Mommy, Daddy" Marie greeted them as she kiss both of their cheeks.

Ako naman ay nakatayo algn sa gilig ni Marie at nag iintay kung kailan sya uupo.
Sinulyapan naman ako n Mommy niya, agad akong ngumiti sa kanya.

"Baby, whose this lovely girl? is she Isobelle?" her Mom ask her.

Paano niya nalaman ang pangalan ko? Did Marie tell her?

"Yes Mommy" Marie said as she offered me a seat.

Agad ko namang binati sila at umupo kaagad. Nangangawit na kasi ako kakatayo haha.

Mukhang mabait naman ata ton mga magulang niya.

"So, how school Isobelle?"

Napaamgat ako ng tingin ng tanungin ako ng Daddy ni Marie.

"It's okay naman po Mr. Arellano" I replied with a small smile.

Nagtagal pa kami ng 2 oras ron bago namin napagpasyahang umuwi na kasi may pasok pa kami bukas.

Masaya naman kasama ang mga magulang niya, akala ko pa naman ay hindi ako magugustuhan nila.

"Goodbye po, masaya po akong nakakwentuhan kayo" pagpapaalam ko sa mga magulang ni Marie. Humalik pa siya sa pisngi ng Mommy niya bago pumasok sa loob ng sasakyan.

Kinabukasan nagmamadali kaming pumasok dahil 5 minutes late na kami. Pano ba naman kasi tong si Marie napasarap ang tulog kagabi.

Muntikan pa kaming hindi makapasok sa gate dahil late na raw kami. Mabuti nalang talaga at nadala lang yun guard sa kagandahan namin ni Marie. charot!

"Hay naku! mabuti nalang talaga at pinapasok pa tayo" sabi ni Marie, andito kami ngayon sa canteen kasama ang iba pa naming kaibagan sina Sharra,Shenna at Yumi. Sharra and Shenna are twins kaso magkaiba ang ugali nila, Si Sharra ay masyadong madaldal at lapitin ng lalaki kaso si Shenna ay kasalungat niya mahiyain pero mahilig din sa lalaki, si Yumi naman ay medyo wild pag nasa bar pero seryoso naman siya sa kanyang pag-aaral.

"Baka may crush sayo Marie" Sabi ni Sharra na sinang-ayunan  ni Yumi at Shenna. Humagalpak naman ako ng tawa.

"Oo nga, baka bukas makalawa mag jowa na kayo hahahah" dagdag ko naman.

"Hoy grabeh kayo, si Carlo lang yung mahal ko, Duhh I'm loyal kaya" sabi niya pa

"Kaso, ang tanong MAHAL KABA?"

Dahil sa sinabi ni Yumi nagtawanan na naman kami.

"Okay lang yan may pag-asa pa naman ako, kesa sayo Isobelle Laura Verdana mukhang tatanda kang dalaga niyan" sabi ni Marie sabay tawa.

"Mukhang wala pa ata syang balak magka jowa-study first parang ganon"

"Oo nga" pagsang-ayon ko kay Sharra

Totoo naman talaga, gusto ko munang makatapos ng pag-aaral before I will enter the kingdom of love. Di bali ng loner kesa naman masaktan diba? Sa aming lima ako yung tagapayo sa kanila sa twing masasaktan sila. Sabi nga nila sakin expert na raw ako na para bang naka experience na. wattpader si aketch kaya! haha

"Isla sama kana samin, malapit lang naman tong bar, samin nalang kayo sumakay" aya samin ni Yumi pagkatapos ng last sub.

Sa aming lima siya talaga ang mahilig uminom halos kada-araw pa nga eh, pero kahit ganoon sya di pa rin niys pinapabayaan ang pag-aaral niya. As she said she won't fail her parents.

"Wag na, baka sa susunod nalang marami pakon gagawin eh" sabi ko kaagad at naghanda para umalis.

"Eh? Si Isobelle Laura tumaggi sa grasya!" sigaw ni Marie na parang timang sa kalsada. Tumatalon-talon pa.

"Mamaya na yang gagawin mo Isla, let's enjoy this night tapos bigyan kita ng Adan para di kana loner" dagdag pa ni Yumi

"Oo nga, para di kana tagapayo nalang samin, girl" Shenna declared.

"Gusto ata niyang manatiling tagapayo buong buhay niya Shenna" Marie chuckled. Kinukurot pa ako sa tagiliran. Hampasin ko nalang kaya to no?

"Eh, ayoko nga sa ganyan! mag-aantay na lang ako sa tamang panahon kesa naman masaktan" paninindigan ko.

"Kaakibat ng pagmamahal ang sakit plus hindi naman necessary na kailangan mong magboyfriend ngayon na agad, just let her be guys. Kung ayaw ni Isla, di wag. Let's just support her on everything" Sharra said bago ngumiti. Tinawanan ko nalang sina Shenna at Marie dahil sa kanilang biglang pagtahimik.

"Hayaan na natin to si Mars Sharra sa kanyang mga mahahabang litanya. Nasaktan to dahil kay-" hindi na natapos ni Yumi ang sasabihin niya dahil tinakpan na ni Shenna ang bibig niya.

"Shut up, Yumi. Pag si Sharra umiyak ikaw bahalang bumili ng lollipop ah?" natatawang ani ni Shenna

"Tara na nga, daldal pa kayo ng daldal jan eh" sabi ni Marie

Hindi na sana ako sasama kasi marami pa akong gagawin pero wala na akong magawa kasi hinatak na ako ni Marie papasok sa sasakyan ni Yumi. Pagkarating sa bar pumunta agad kami sa harap at si Yumi naman ang nag order ng drinks. Napagkasunduan naming beer nalang muna dahil magdradrive pa si Yumi at Sharra.

Nilapag na ni Yumi ang canned beer at nagbukas ng lima pati narin pulutan namin.

"Cheers"

"Cheers"

Agad akong uminom, ramdam ko pa ang pagdaloy nito sa lalamunan ko. Ng maubos kumuha ako ng bago at tumungga.

Naka tatlong bottle na si Yumi at Marie, Apat kay Sharra at tig dalawa naman samin kay Shenna.

Mukhang malakas ang tama ng beer kay Sharra dahil napatayo ito at pumunta sa dance floor, Yumi naman ay may kahalikan na sa kabilang table at si Marie ay may kausap ng lalaki, si Shenna ay nagpaalam dahil pupunta raw sya ng restroom.

Nagpatuloy ako sa pag inom n may magsalita sa harapan ko.

"Hey there"




____________

-clint

UNFORGETTABLE MEMORIES OF YESTERDAY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon