Natapos ang paglalambingan namin dahil tumunog na ang oven. Tumawa ako sa naging itsura ng cookies na b-in-ake namin, close to circle not hearts. "Its cookies parin naman but I've expected na heart shape pa din siya" I transferred the cookies into a plate. Naglagay na naman ng panibagong grupo ng dough na ready na para ipasok sa oven si Clarisse sa oven tray.
"Cute parin naman Ate eh, we should taste our home made cookies" she said joyfully bago kumuha ng isang cookies at walang pasabing kinagat ito. "Wow, this is delicious but maybe we should dip it on a chocolate syrup para mas masarap" kumuha narin ako ng chocolate syrup sa ref at naglagay sa isang maliit na bowl and dipped my cookies into it.
"Ri, wala ka pa bang boyfriend?" mapang-asar na ngiti ang gumuhit sa aking mga labi bago humarap sa kanya na namimilog na ang mata. "What's with that expression, Clarisse? of course you should tell me kung may boyfriend kana and also, dapat mo siyang ipakilala sa akin"
"Ate naman, wala pa po sa isip ko ang mga ganyan. Makakasira lang po sa kinabukasan ko iyan, I don't want to be hurt that leads me to cry every night just like you. I heard you sometimes sobbing at night pero hindi ko alam kung papaano ka patatahanin" sabi niya bago kinuha ang tray at nilapag sa counter top at trinansfer ang mga cookies sa plate. "Sa tamang panahon na po ako papasok sa mundo ng pag-ibig kung saan maayos na ang buhay ko, kung saan handa na ako"
I smiled at her knowing that she realized at ganoon ang pinaniniwalaan niya. "I won't force you to enter the kingdom of love right now Ri but once you love that man allow yourself to be with him kahit na masaktan ka pa o magkasakitan kayong dalawa cause that's love in itself, love is not always about loving, it's also hurting and how you value that man. Alam ko na alam mo kung saan ang limitations mo at sana hindi ka lalagpas doon" ngumiti siya sakin ng matamis bago tumango.
"I know that Ate kasi nakikita ko iyon sayo. You value Kuya Colt the most that's why you let yourself get hurt, sinaktan mo ang sarili mo para sa kanya. Nagbulagbulagan ka kahit na nasasaktan kana" kumagat ako nang cookies habang nakatingin sa kanya. "I know that you love him so much that's why you always wanted to stay though your hurting yourself"
Tumagos sa kaluluwa ko ang mga sinabi ni Clarisse. "Hindi ko alam na ang pagbe-bake pala nang cookies ang magdadala sa atin para magbitiw ng mga hugot" tumawa kaming dalawa dahil sa sinabi ko. "Maybe I should call Marie right now kasi hindi natin mauubos ang cookies na ito"
I called Marie para papuntahin siya dito para sabayan kaming kumain sana ng cookies pero may importante daw siyang gagawin. "|Ram invited me for a talk and I will settle this once and for all, Isla. I'll tell him kung ano ang gusto kong sabihin sa kanya at ang mga naging desisyon ko|" sabi niya sa kabilang linya.
"I want to know your decision, Jaydee and if ever hindi mo gustong sabihin, it's okay with me honey. Mag-iingat ka sa byahe" ngumiti ako as if she could see me smiling right now.
"|wag mo munang ibaba, I wanna share it with you para gumaan ang loob ko|" tahimik lang ako na nakikinig sa kanya. Si Clarisse ay busy don sa dining na nagbabalot ng cookies dahil pupuntahan ko muna si Tita Armada para bisitahin na rin siya at ibigay ang cookies. Wala kasi sila Sharrah at Yumi, nasa trabaho at hindi pa out ni Shenna baka makadistorbo ako sa kanya.
"| Hindi ko alam kung tama ba itong pinili kung desisyon but I really hope so, Isla. Dalawa sila, Isla. Dalawa silang sabay na dumating sa buhay ko"she said which made me wonder, sino ang pangalawa?. Agad namilog ang mga mata dahil may isang tao akong posibleng....
"Si Engineer Nuevas ba ang tinutukoy mo, Jaydee?" tanong ko sa kanya. So, tama pala talaga ang hinala ko na inlove pala si Engineer Nuevas sa kanya. Maa-award-an na ako ng match maker ng taon. "He's a good man, Marie and also I could see na seryoso talaga siya sayo at handa siyang gawin ang lahat para sayo as well as Ram, they're all a good man kasi I've encountered them both but na sayo parin ang decision"
BINABASA MO ANG
UNFORGETTABLE MEMORIES OF YESTERDAY
Teen FictionTwo hearts cross each others path, they fell in love, created memories together and was indeed happy with each other's embrace but all of those unforgettable memories turned into hatred and pain. From laughter to cries and from smile to tears. cove...