Hello everyone...a few months had passed at ngayon lang ako nagkaroon ulit ng pagkakataon para tapusin ang kwentong ito, salamat sa mga VOTES and COMMENTS sa kwentong ito. Mahal na mahal ko kayo❤️
*********
Nakahawak ako sa aking ulo nang bumangon ako mula sa kama. Kinapa ko ang katawan ko bago tiningnan kong may nawala ba sakin o wala. Suot ko parin ang suot ko kagabi, teka, teka? pano? paano ako nakauwi? Bakit wala akong matandaan? jusko naman, sabi ko na nga ba dapat hindi na ako uminom ng madaming whisky.
"Ahhhhhh" sigaw ko bago sinubsob ang mukha sa unan at sumigaw ng malakas. Think self! think. Teka, bakit iba ang amoy ng unan na'to? Sobrang pamilyar neto sakin, naamoy ko na ito pero di'ko matandaan kung kailan yun. I sniffed the scent of the pillow, twice, thrice but damn wala akong maalalang posibleng gumamit ng scent na ito pero sobrang pamilyar sakin, hindi to sakin! iba ang amoy ng buhok ko!
"Where am I?" tanong ko bago nilibot ang paningin sa paligid. Ma! bakit ganito ang design ng kwartong to? sindikato ba may-ari niyo? demonyo? bakit puro painting na Picasso ang nasa paligid ko? H-in-i-hypnotized ba ako ng taong may-ari nito?
Jusko naman, may pangarap pa ako. Mag-aasawa pa ako tsaka magpapakasal pa, Lord gabayan niyo po ako. Magpapakabait na ako, wag namang ganito Lord. Gusto ko pang malaman kung anong nakasulat ng papel na iyon. Mahal ko pa ang buhay ko, mahal ko pa siya. Hindi pa dito nagtatapos ang kwentong ito, maawa kayo, Lord.
Nakatalikod ako sa pintuan dahil nakaharap ako sa may kurtina. Dahil sa pag-o-overthink ko nawala medyo ang sakit ng ulo ko kaya tumayo ako para pumasok sa banyo. Tiningnan ko ang mukha ko, ang eyeliner ko sa kabilang mata ay nabura na habang ang isa naman buo pa. Wala na akong lipstick sa pang ibabang labi, ang buhok ko ay nasa ayos pa rin nito pero medyo magulo sa left side.
Inayos ko ang sarili ko, nanghilamos at binura ang make up gamit ang cotton pad na may cleanser. Nakita ko kasing naka-display dun sa counter top ng sink. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang kamay bago tinali ulit at nagmugmug ng tubig.
Kinakabahan man ay pinihit ko ang doorknob ng kwarto bago lumabas. Naglakad ako ng walang anumang ingay, mabuti nalang at nakapaa ako. Nakita kong may taong nakatalikod sa kitchen, broad shoulder, wet hair, those biceps. Jusko, pinagpapantasyahan ko ang taong ito nang hindi ko nalalaman kung sino.
Agad akong nagtago sa may wall nang humarap siya sa pwesto ko. "Hoy, sino ka?" matapang kong sabi bago lumabas sa pinagtataguan ko. "Bakit ako nandito? where am I?! hoy alam mo bang pwede kitang makasuhan dahil sa ginawa mo? bakit wala akong maalalang nagyari kagabi?" hinihingal ako dahil sa sunod-sunod na tanong.
"You should eat this soup, Isla" malamig na boses ni Colt?!
"Colt?" tanong ko at humarap siya sakin ng walang emosyon. "Anong ginagawa ko dito? don't tell me?"
"It's not what you think, Isla" sabi niya bago nilapag sa table ang isang bowl ng soup. "Sobrang lasing mo kagabi, I was on the bar with my friends last night and nakita kong sobrang lasing mo na so I ask Shenna, she sent Marie and Yumi home. Mas lalong pa siyang mahihirapan kung pati ikaw ay ihahatid niya pa dahil malayo daw yung condo mo at nakainom na siya"
This seems like a deja vu, I remember a scene like this. Nung first time kong matulog sa condo niya, I'm drunk that time. That was the night were he grab a kiss on me, actually dahil yun sa dare.
Tumango ako ng marahan sa kanya. Hindi ako pwedeng magtagal dito dahil may trabaho pa ako at lalo na siya. Hindi na ako umupo sa upuan at nanatiling nakatayo."Thanks for preparing this, naabala pa talaga kita. Don't worry I'm going home na din naman, salamat talaga" ngumiti ako sa kanya. "May trabaho pa ako at ikaw din, I really need to go"
BINABASA MO ANG
UNFORGETTABLE MEMORIES OF YESTERDAY
Teen FictionTwo hearts cross each others path, they fell in love, created memories together and was indeed happy with each other's embrace but all of those unforgettable memories turned into hatred and pain. From laughter to cries and from smile to tears. cove...