"Hey there"
Di ko pinansin ang nagsalita at nagpatuloy parin sa pag-inom.
"Di ka ba marunong magsalita?" tanong niya sa akin at umupo sa tabi ko.
Like what the?
Ang kapal talaga ng mukha niya! wala naman akong sinabi na umupo siya sa tabi ko.
"Pake mo?" mataray kong sabi sa kanya
Ano bang pake niya kung di ako magsalita?
"Ang sungit-"
Di ko na sya pinatapos at tumayo ako papuntang dance floor, hinanap ko pa sina Yumi at Sharra pero di ko makita siguro may na kwarto na yung mga lalaki. Di parin bumabalik si Shenna pati si Marie di ko na mahagilap.
"Wanna dance?" tanong na naman ng lalaki.
Aba-aba sinundan pa talaga ako hanggang dito. Ano bang kailangan niya?
Lumingon ako sa kanya at doon nagtama ang mata namin, his electric blue eyes and his perfect jaw line make him handsome.
"Ano bang kailangan mo sakin?" mataray ko paring sabi sa kanya.
"I want you to be one of my friend you know? if that's okay" he said
Eh? for the first time huh!
"Friends? di nga kita kilala, chos!" Sigaw ko dahil ang lakas ng tugtog sabay tungga ng beer.
Sumabay narin ako sa mga sumasayaw sa dance floor. Mukhan natamaan na ako ng beer pang lima ko na kasi to.
"Okay, so I'm Colt Guenther, okay na ba yan?" sigaw niya pabalik sabay lahad ng kamay.
Dahil natamaan na ako ng alak sinabayan ko siya.
"Isobelle Laura Verdana" sabay tanggap sa kamay niya at nakipag handshake.
Napagod na ako kakasayaw at bumalik nalang sa table namin. I saw Shenna there na may kahalikan naring lalaki. Shenna was shy but when it comes to boys di siya nagpapahuli, nagkakarera na nga sila sa kanyang kakambal paramihan ng lalaking natikman pero wala paring makakatalo sa dami ng kay Yumi.
Agad akong umupo sa couch, akala ko ay umalis na si Colt pero sumunod pa pala siya sakin at tumabi pa!
"So saan ka nag-aaral?" tanong niya pa.
"Ateneo"
"College kana? anong course?" dagdag niya.
So? ano to bio data ganern?
"Dami mong tanong, ibigay ko nalang sayo yung bio data ko"
Dahil sa sinabi ko napatawa siya dahilan para lingunin ko siya.
Ang gwapo niya lalo pag nakangiti.
Ano bang pinagsasabi ko? Yuck, Isla hindi siya gwapo, may tama kana kaya ka ganyan!
Asan na ba ang mga kaibigan ko? I look around pero ni isa sa mga kaibigan ko ay di ko na mahagilap. I tried to call them isa-isa but they were all cannot be reach. Lumabas pa ako at naghanap ng signal para matawagan sila but cannot be reach pa din.
Chinat ko sila sa gc namin.
GC KA SOHO✨
islaverdana: guyz asan na kayo? we need to go home. kanina ko pa kayo hinahanap pero di ko kayo makita!
islaverdana: guyz!
shenna: I can't find them too Isla, I'm worried, baka kung ano ng mangyari sa kanila.
Palaging ganito nalang ang eksana pag nasa bar kami.
islaverdana: shenna,where are you?
Di ko napansin nakasunod lang pala sakin si Colt. Anong problema ng isang to at sunod ng sunod sakin? Tiningnan ko lang siya at patuloy na nagtipa sa selpon ko.
shenna: Im here sa table natin kanina, ikaw asan ka?
islaverdana: papasok na ako, lumabas kasi ako saglit para humanap ng signal.
Agad akong pumasok sa loob at pinuntahan si Shenna.
"Asan na yung tatlo?" I immediately ask her. Bakas sa mukha ni Shenna ang pagka bahala.
"Maybe they were somewhere with their guy or I don't know" she said with a worried face.
"We have to find them, malapit na mag 11" I said and start calling Marie.
Still ringing...
I dialed 4 times before she picked up the phone.
"What the fuck? Marie where are you? kanina ka pa namin hinahanap ni Shenna, sang lupalop ka ba nagpunta at kay hirap mo hanapin!"
"I'm with my guy tonight, please umuwi na kayo- ah"
"Anak ng, Marie asan ka ba?" I yelled at her on the phone.
"Ah- please go h-home, uuwi na lang ako bu-"
Binabaan ako ng tawag ng timang. Lumingon ako kay Shenna and to my surprise hindi si Shenna ang nasalubong ko but his electric blue eyes. Natulala pa ako saglit at napaiwas ng tingin at ganon din siya.
"I'm sorry, di ko inaasahang lilingun ka, I'm sorry" he said
"No, it's okay, btw I have to go" agad akong umalis sa harap niya at pumunta kay Shenna, may sinabi pa siya pero di ko nalang pinansin.
"Shenna, I call Marie at mukhang nagkakasarapan pa sila ng boylet niya, she said na umuwi nalang daw tayo" I said
Napasulyap ako sa tabi, nakita ko si Yumi na akay-akay ni Sharra.
"Look, ang sarap niya Sharra, like I can feel his bulge inside me hahahaha"
Mukhang natamaan ng labis si Yumi.
Bukas kung tatanungin mo yan, walang alam kung ano ang nangyari sa kanya putik.
Shenna drove Yumi's car dahil di na makadrive si Yumi dahil sa kalasingan, Sharra drove their car. Kasama ko si Yumi at Shenna, ihahatid namin siya sa bahay nila at nakasunod naman samin si Sharra, sila ang maghahatid sakin sa condo.
Pagkauwi ng condo agad akong nagbihis ng pantulog kaso hindi ako dinadalaw ng antok, I watch Netflix, nag scroll sa Ig pero di parin ako inaantok. Habang nag scroll may tumatak na notification, agad ko itong binuksan:
guentherC started following you.
Did he follow me? The handsome guy at the bar?
Ay wait! ba't ako natutuwa? dapat balewala lang sakin but I found myself stalking him.
76 post 4567 followers 345 following
Ay sanaol lahat! Kadalasang post niya ay nag-iinuman sila sa bar with his friends but one caught my attention, isang photo na nakahawak siya sa beywang ng babae at may dalang beer, I think it's his girlfriend. Bagay sila.
May girlfriend na pala tapos sunod ng sunod sakin kanina sa bar! may balak pa sya atang gawing kabit ako ah, kapal!
Nagising ako sa malakas na tunog ng alarm clock ko, oh my malapit na 7. Kahit medyo nahihilo pa ako dali-dali akong naligo at nagbihis , pagkalabas ko aad akong nagtungo sa kusina para kumain. Sandwich with bacon inside. Yan lang lage ang breakfast namin.
________________
-clint
BINABASA MO ANG
UNFORGETTABLE MEMORIES OF YESTERDAY
Novela JuvenilTwo hearts cross each others path, they fell in love, created memories together and was indeed happy with each other's embrace but all of those unforgettable memories turned into hatred and pain. From laughter to cries and from smile to tears. cove...
