"His lucky to have you Ate Isla" Yuna said with a gentle smile that formed on her innocent lips. I wish I was lucky to have him. "Bagay na bagay kayo, siguro kayo na po yung tipong perpektong relasyon na nakasalamuha ko all over my life, in my whole existence"
Tumingin ako kay Colt na masayang nagkukwentuhan sa mga kaibigan niya sa kabilang table, sila Yumi ay may kanya-kanyang ng mundo sa dance floor, sa tables, basta kanya-kanya.
Wala akong ganang magsaya ngayon, pagod na akong uminom tapos iiyak na naman pagkatapos. Kapagod pala ano? yung iiyak ka gabi-gabi tapos kinabukasan aaktong parang walang nangyari. Mukhang napagod na yung mata ko kaka-release ng mga luha.
"I wish I was lucky to have him too" umiwas ako ng tingin. Mukhang nagets naman ata ni Yuna yun kaya iniba niya yung topic.
"Ate, may itatanong lang po sana ako" sabi niya, kinakalikot pa yung daliri. "Kung okay lang?"
"Oo naman, ano ba yun?" sabi ko sa kanya at hinarap siya. "Siguro may crush ka tapos di ka crush ano?"
Bingo!
Tumawa ako ng makita yung reaksyon niya. Namumula pa yung pisngi, akala ko may boyfriend nato? sa kagandahan ba namang taglay niya sinong mag-aakalang wala.
"Ay naku Yuna, wag kana mahiya. You can share it with me, I'm all ears" I said with a smile that plastered on my face.
"Eh ano po kasi eh" panimula niya. "I had a feelings for him, slight lang naman po"
"Tapos ano nangyari?" tanong ko.
"Tapos po nalaman po niya na crush ko siya, I don't even know how to approach him, he was my best friend"
My mouthful form an 'O' hearing those last words. Kung ako yung nasa sitwasyon niya mahihirapan talaga ako, best friend ko yun eh.
"Siguro umakto ka nalang na parang walang nangyari ganoon" suggestion ko sa kanya.
"He said that he like me too" sabi niya.
sanaol.
"Ay sanaol" sabi ko nalang dahil wala na akong ibang masabi basta sanaol lang HAHAHA.
Marami pa kaming napag-usapang mga bagay bagay. Tungkol sa mga pag-aaral niya mga ganoon. Pagkatapos non nagpaalam ako sa kanya na pupunta muna ako kina Sharra.
"Oh andyan ka pa pala? akala ko umuwi kana?" Yumi said. Medyo halatang may tama na ito dahil namumula na yung pisngi habang si Sharra ay nilalagok lahat kung ano ang ibinibigay sa kanya mapa-hard man o hindi, mataas kasi yong alcohol tolerance niya. Di ko na mahagilap si Marie at Shenna, kanina andito lang yung dalawa.
"I and Yuna talked" I said, grabbing the glass out of her hand. "Marami kaming napag-usapang bagay- ay shutek!" napasigaw ako nang bigla siyang dumura pero ang kumag acting lang pala.
"I don't like to vomit on cheap things" sabi niya pa- medyo nasaktan ako don, slight lang naman. "HAHAHAHAHA, that was a joke, don't take it that serious" may tama na nga ang isang to.
"Marami na ang na inom mo" sabi ko sa kanya. Napalingon ako ng biglang may humapit sa bewang ko.
"Sharra!" hinampas ko yung kamay niya para matanggal ang pagkakapit njto sa bewang ko, hinigpitan kasi.
Hinatak niya kaming dalawa sa dance floor, siguro dance floor nato dahil marami ang sumasayaw eh. Naki-jam nalang din ako, siguro mamaya uuwi na din ako kasama si Colt-ay shemay speaking of Colt, asan na ang kumag nayun?
Tumingin ako sa paligid, trying to find him but walang Colt ang nakita ko.
"Sharra, bantayan mo si Yumi" I said. "Pupunta lang ako sa restroom" dagdag ko.
BINABASA MO ANG
UNFORGETTABLE MEMORIES OF YESTERDAY
Ficção AdolescenteTwo hearts cross each others path, they fell in love, created memories together and was indeed happy with each other's embrace but all of those unforgettable memories turned into hatred and pain. From laughter to cries and from smile to tears. cove...