"Bakit ka pumunta sa condo ko ng ganitong oras?" tanong ko habang tinitignan ang oras sa screen ng cellphone ko, 10:37 pm na. "Anong kailangan mo? Sa pagkakaalam ko wala na tayong dapat pang pag-usapan da-"
hindi ko natapos ang litanya ko ng maramdaman ko ang labi niya sa labi ko.Now playing: "DAPAT PA BA?" by: Daryl Ong
"I think that's the only way to make you stop from talking that fast" sabi niya bago bumitaw sa mga labi ko dahilan para mapaayos ang tayo ko at humigpit pa lalo ang kapit ko sa doorknob, habang nanatiling nakatulala sa kawalan.
Hindi ko alam kung ano ang nasa lalaking ito at isang halik lamang niya ay nalulumay ako, parang nawawalan ako ng buto kapag dumampi ang labi niya sa labi ko. Napapakalma ako sa isang swift kiss. Dapat akong magalit sa kanya dahil hindi maaari ang aming ginagawa pero bakit gusto ko pang halikan niya ko. Gusto-gustong yakapin niya ako, hinahalikan.
"Can we talked?" tanong niya ulit sakin. "Did I disturbed you?"
"We're already talking, Colt. Sabihin mo na lahat ng gusto mong sabihin" madiin kong sabi sa kanya.
Nasa isang bench kami nakaupo habang nasa gilid namin ang ilaw ng lamppost malapit sa theme park na dito rin malapit sa condo ko.Sobrang tahimik ng paligid at kami lang dalawa ang taong makikita rito. Hindi parin maalis sa isipan ko ang pagdampi ng labi niya sa labi ko. Gusto ko siyang itulak pero nawalan ako ng lakas para gawin iyon. Ano bang nangyayri sakin?
"I know that you would picked that roses but you wouldn't open that paper and I will wait for your answer the time you'll open that paper" sabi niya bigla sakin na bumasag sa nakakabinging katahimikan. Nagtaka tuloy ako kung anong nakasulat sa papel na iyon, dapat ko bang buksan? "Kahit na gaano pa iyan katagal, wala akong pakealam basta mag-aantay ako, pangako yan"
"Bakit mo ito ginagawa?" tanong ko bigla at umiwas ng tingin. "Bakit ba bigla ka nalang magpapakita ulit sakin at gawin ang mga bagay na sana hindi na dapat?". Bakit ba? ginugulo niya lang ang isip ko, unti-unti na sana akong nakababangon pero nawala ang lahat ng nasimulan ko ng bigla siyang nagpakita sakin. Magsisimula na naman ba ako sa una? nakakapagod naman...
"Kung hindi pala dapat itong mga bagay na ginagawa ko, bakit hindi ka tumanggi?" tanong niya sakin. "Wala kang binigay ng senyales para tumigil ako sa mga ginagawa ko, Isla"
"Nakapagtataka lang kasi ilang araw palang tayong nagkitang muli at kung makaasta ka ay parang kaytagal na" sabi ko. "Saan na naman ito hahantong?"
"I waited for this time, Isla. I waited for this and I really did promise myself na kung magtatagpo man muli ang landas natin, gagawin ko ang mga bagay na ito. Tutuparin ko ang pangakong binitiwan ko noon" sabi niya at hinawakan ang kamay ko. "Hindi ko alam kung saan na naman ito hahantong, can you just give me a second chance to love you again? to prove it you"
"Pagod na akong makinig sa "hindi ko alam" na salita, Colt. Ayoko ng masaktan na naman sa parehong tao" sabi ko habang pinipigilan ang luha. Ayoko na, pagod na ako. Ayoko ng umulit na naman sa simula, masaktan sa parehong tao pero sa ibang dahilan na naman. Sapat na ang isang chance para patunayan niyang para sakin talaga siya pero wala eh, sinayang niya. Sapat na ang isang chance para patunayan niya sakin na mahal niya ako at walang kahit na sino man ang makakapantay pero nauwi lang ang lahat sa wala, dahil sa isang tukso.
"Pwede ko namang patunayan sayo lahat yun eh, just please give me another chance. This time hindi ko na sasayangin iyon" sabi niya dahilan para tumulo ang luha ko. Hinawakan niya bigla ang kamay ko at pinunasan ang mga luha ko.
BINABASA MO ANG
UNFORGETTABLE MEMORIES OF YESTERDAY
Ficção AdolescenteTwo hearts cross each others path, they fell in love, created memories together and was indeed happy with each other's embrace but all of those unforgettable memories turned into hatred and pain. From laughter to cries and from smile to tears. cove...