Lumipas ang mga araw ng parehas padin sa takbo ng araw ko. Pumapasok, sumasagot at nag-aaral, kakain, uuwi, gagawa ng projects at plates, matutulog tapos babangon ulit.
Malapit na pala birthday ni Yuna, wala pa akong naisip na panregalo sa kanya, nasa kanya na lahat eh.
"Love, anong maganda iregalo?" I ask Colt. Nasa balcony kami ng condo niya.
Kasabay ng malamig na ihip ng hangin, ang kinang ng bawat bituin at liwanag ng buwan kita-kita ko sa mga mata mo na may tinatago ka sa akin.
Sambit ko sa aking isipan, hindi ko alam kong bakit napasok nalang bigla yung linyang iyon sa isipan ko. Napailig nalang ako, malay ko baka mali lang yung iniisip ko, mababaliw na ata ako.
"For a girl?" he suddenly ask.
"Yumi's younger sister Colt, di ko alam kung ano yung ireregalo ko" sabi ko sa kanya at tumingin sa langit. "Wala akong maisip, noong isang taon niregaluhan ko siya ng watch"
Napangiti ako habang iniisip yung panahon na yun. She was happy, young and innocent. Gusto ko ng ganoong buhay, yung palagi lang masaya pero parang ayaw ni Tadhana eh. Mapait akong ngumiti sa kailalaiman ng gabi. Ayoko nang umiyak na naman, pagod na ako.
"Maybe you could buy her a necklace or earings?" patanong na sabi niya. Napatango naman ako dahil don.
"Samahan mo ko bumili bukas" ngumiti ako sa kanya.
"Okay, I'll catch you up tomorrow at 10:00 am" he plant a soft kiss on my forehead.
I wish this night won't over, gusto kong hindi matapos ang araw nato dahil ayoko kong dumating sa punto na malaman kong may namamagitan sa kanila ni Marie, ayokong dumating ang araw na yun hindi dahil sa ayokong masaktan kundi dahil sa natatakot ako na baka sa oras na malaman ko at papipiliin ko siya, hindi ako yung pipiliin niya. Natatakot ako na masira kami ni Colt at yung pagkakaibigang hinhawakan ko, namin ni Marie.
Gusto ko mang itanong sa kaniya kung ano ang meron sa kanila ni Marie pero parang pumipigil sakin. Gustuhin ko man ay sinasabi ng utak ko na wag dahil baka mali ka sa mga iniisip mo. Baka isipin nila na ang nag o-overthink lang ko dahil lang sa isang sulyap pero hindi naman masamang mag-overthink diba? Nalilito na ako kung tatanungin ko ba siya o aalamin ko mag-isa o hayaan ang tadhanang ipaalam ito sa akin.
Kinabukasan agad akong tumayo sa kama ko ng marinig ko ang alarm clock na tumunog. I went inside the restroom to wash my face. Pagkatapos lumabas ako ng kwarto ko para pumunta sa dining para magluto.
I was scrolling on my instagram while waiting na maluto yung favorite ko, my love chicken adobo. Nang mapagtantong okay na yung luto ko tsaka naman tumunog yung rice cooker. Hinanda ko na iyon sa table namin ni Marie. Kumuha ako ng dalawang baso at nagtimpla ng kape.Kinuhanan ko muna ng photo yung coffee at inadd sa story ko sa instagram. Lumabas naman kaagad si Marie sa kwarto niya nang kumatok ako, mabuti nalang dahil baka hindi na mainit yung kape pag mamaya pa siya babangon. Sabay kaming kumain pero parang wala yung presensya ng bawat isa, may kanikaniyang mundo.
Napaangat ang tingin ko kay Marie ng magsalita siya.
"May lakad ka ngayon?" tanong niya sakin bago sinubo yung adobo sa bibig niya.
"Oo, ngayon kasi ako bibili ng regalo para kay Yuna" sabi ko sa kanya na ikinatango naman niya.
"Sinong kasama mo?" dagdag niya.
"Ah, si Colt yung kasama ko bakit?" tumingin ako sa kanya. "Gusto mong sumama?"
Medyo alanganin siyang tumingin sakin. "Ah di na, may lakad rin ako"
BINABASA MO ANG
UNFORGETTABLE MEMORIES OF YESTERDAY
Novela JuvenilTwo hearts cross each others path, they fell in love, created memories together and was indeed happy with each other's embrace but all of those unforgettable memories turned into hatred and pain. From laughter to cries and from smile to tears. cove...