Tahimik lang ako sa loob ng sasakyan niyang BMW. Wala akong balak magsalita dahil sa tensyong namagitan sa amin kanina dun sa site, sa office ko. Bakit ko ba nasabi ang mga katagang yun? Isipin mo, kagabi iniisip ko lang siya at ngayon hindi ko inaasahang magkikita kami.
"How are you, Isla?" bigla niyang tanong gamit ang malamig niyang boses.
"I'm fine" sagot ko nang hindi siya nililingon. Ang layo naman ng pupuntahan namin! gusto ko nang umalis sa sasakyan to. Okay pa sana kung maglalakad nalang ako,walang problema yun sakin basta makaiwas lang ako sa presensiya niya. "Malayo paba tayo?"
"Bakit ka nagmamadali?" sumulyap siya sakin at ibinalik kaagad sa daan ang tingin. "Are you having a meeting to someone or you have a dinner date?"
"What?" tanong ko. How could be this man so rude, ano bang ginawa ko sa kanya? "Hindi ako nagmamadali pero naiinip na ako"
Hindi na niya ako sinagot pagkatapos non. Tahimik na kami ulit hanggang sa marating namin ang isang Italian Restaurant. Nagmamadali akong lumabas ng sasakyan para makalanghap ng sariwang hangin dahil nasu-suffocate ako sa hangin sa loob ng sasakyan niya. Inayos ko ang sarili ko bago pumasok sa loob ng restaurant. Akala ko umalis na siya pero hindi! shutek nakasunod parin siya sakin na parang buntot ng isda.
Dumeretso ako sa table nang isang pamilyar na mukha. It's Mrs. Armada Flor Guenther, his Mommy. Hindi mo maiisipan na may edad na siya dahil sa taglay na kagandahan nito, she's really beautiful and if you'll see her talaga mapapawow ka nalang talaga.
Ngumiti ako ng malapad nang magtama ang paningin namin ng Mommy niya. Binigyan rin ako ng Mommy niya nang isang matamis na ngiti, ngiting nagpapagaan ng loob pero paglingon ko sa kaliwa, mukha nang asungot ang sumalubong sakin. Pinandilatan ko siya dahil nakakainis yung mukha niya. Tumayo yung Mommy ni Colt at nakipag-beso sakin, ganon rin ako sa kanya."Good afternoon, Mrs. Guenther" bati ko at umupo sa harap niya. Umupo na rin ang Mommy ni Colt pati na rin siya pero hindi ko inakalang tatabi siya sakin, putcha!
"Oh, dear. Don't call me Mrs. Guenther, you can call me Tita" she smiled gently. "Sorry for disturbing you today. I just miss you so much and I wanted to talk to you that's why I ask Colt to call you"
"Oh no Tita, wala naman po akong ginagawa" tawa ko. "It's okay with me, nothing to worry about" ngumiti rin ako ng marahan sa kanya. "By the way, how are you, Tita?"
"I'm fine naman Hija, getting older day by day" she laughed and looked at me. "What do you want to eat?" tanong niya sakin. Tumingin ako kay Colt na busy sa kanyang cellphone, mukhang walang pake sa nangyayari sa paligid niya.
"Pasta nalang po" sabi ko habanf tinitingnan ang menu bago umayos ng upo. Ipinatong ko ang kanang binti sa kaliwang binti at marahang ipinatong sa hita ko ang dalawa kong kamay. Tumawag nang waiter ang Mommy ni Colt at sinabi ang order niya, sakin pati narin kay Colt.
Hindi ako mapakali sa aking upuan dahil sa presensiya ng dalawa. Hindi ko na matandaan ang huling pagkikita namin ng Mommy ni Colt. Isang beses lang din nag-cross ang landas namin ng Daddy niya.
"Congrats, Isla" napatingin ako kay Tita Armada nung sinabi niya yun. "Maybe my greetings are too late but I just wanted say Congratulations!" she smile gently which made my heart felt very happy.
"Thank you po, Tita" ngumiti rin ako. "Ano pong pinagkakaabalahan niyo ngayon?" tanong ko habang umiinom ng tubig. Wala na akong maisip na tanong.
![](https://img.wattpad.com/cover/253727540-288-k60070.jpg)
BINABASA MO ANG
UNFORGETTABLE MEMORIES OF YESTERDAY
Teen FictionTwo hearts cross each others path, they fell in love, created memories together and was indeed happy with each other's embrace but all of those unforgettable memories turned into hatred and pain. From laughter to cries and from smile to tears. cove...