"Suot mo pa din pala yung necklace na bigay ko sayo?" tanong niya bigla sa akin. Tapos na kami kumain, kanina lang.
Tumango ako sa kanya bilang respond. "Hindi ko na tinanggal sa leeg ko kasi parang may kulang sakin sa oras na tanggalin ko to" hinawakan ko ang pendant na crescent moon. Ngumiti na lang ako sa memories na nagpop in sa utak ko.
"How's your work?" tanong niya habang shini-shake ang wine glass.
"Okay lang. Mr. Guivarra visited the site sabi ni Architect Perez but umuwi rin daw at babalik na lang nung nalaman niyang wala ako don" tumawa ako habang sinasalaysay sa kanya ang sinabi ni Architect Perez. "Iba din trip ng lalaking yun eh"
I witnessed how he arched his brow habang nakikinig sakin pero nakatutok lang siya sa wine glass niya. Ganyan ang porma ng isang Colt Francis Guenther kapag nagseselos kaya hindi ko mapigilan ang pagtawa ng bahagya.
"Oo na, nagseselos na ako so stop laughing" he said sarcastically kaya mas lalong tumawa ako. "By the way, babalik pa ako sa hospital this 8 pm, marami pa akong gagawin"
Tumango lang ako sa kanya kasi wala naman akong masabi eh, parang nagkaroon ng brain wash ang utak ko kasi wala na akong mapigang topic na pwede naming pag-usapan ngayon.
"Hey, babe" napaangat ang tingin ko sa nagsalita. Agad kong nilipat ang tingin ko kay Colt na ngayon ay namimilog na ang mata. "Miss me?"
"M-Margaux?" takang tanong ni Colt sa babaeng nasa harap namin na nakasuot nang body con dress na tube at sobrang iksi, may butas pa sa bwat gilid ng dress. Sana hindi nalang siya nagdamit kasi parang wala siyang sinuot dahil sa aura niya.
"Yes? what's with that expression? aren't you happy that I'm here again, babe?" parang biglang napunta lahat sa ulo ko ang dugo na nanlalantay sa mga ugat ko dahil sa pag-upo ng babaeng tinatawag na Margaux ni Colt at tumaas ang kilay ko na aabot na sa Mars nang makita kung hinalikan niya sa pisngi si Colt. Salamat naman dahil sa pisngi lang at kung hindi ay nabalatan ko na siya ng buhay gamit ang wine glass na hawak ko. Hindi niya ba napapansin na nandito ako sa harap nila?
Sinundan niya kung saan nakatingin si Colt at doon nagtama ang tingin namin ni Margaux na sa tingin ko ay fake ang boobs. Tumaas ang kilay niya nang makita akong abot sa Mars na ang kilay sa sobrang pagtaas nito. Nanatiling tikom ang bibig ko dahil kung ano pang masabi ko sa kanya.
"Babe, who's this girl? katrabaho mo ba siya?" nakakawit na ngayon ang braso niya sa braso ni Colt. Kilala ko siya pero hindi niya ako kilala, how ridiculous. Punyemas bakit ba panira ng moment ang babaeng linta na ito? At kung maka babe ay parang kung sinong dyosa mukha namang clown sa kapal ng red lipstick.
"Excuse me, sino ka ba para alamin pa kung sino ako?" iritado kong tanong dahilan para mabalin sa akin ang tingin niya.
"Oh, hello little girl. I'm Colt Francis Guenther's fiancée" at sino siya para tawagin akong little girl?
"I'm not asking kung kaano-ano ka ni Colt, ang tanong ko sino ka?" mariin kung sabi. Kilala ko siya, she's Margaux Hererro, fiancé siya ni Colt pero kung maka-asta ay parang kung sino. "And don't call me 'little girl' kasi kung pataasan ng height mas mataas pa ako sayo kahit naka 6 inches ka pa na heels" sabi ko bago sumipsip ng wine.
BINABASA MO ANG
UNFORGETTABLE MEMORIES OF YESTERDAY
Novela JuvenilTwo hearts cross each others path, they fell in love, created memories together and was indeed happy with each other's embrace but all of those unforgettable memories turned into hatred and pain. From laughter to cries and from smile to tears. cove...
