"Waaaaaaah" sigaw ni Clarisse. "Ateeee! ayoko ko pa mamataaaaaay!"
"Hindi ka mamatay, abnoy. Movie lang yan!" natatawa kung sabi. Nag-request kasi siya na mag-film viewing daw tapos dapat horror pero tingnan mo yung nangyari, siya pa yung takot na takot siya naman yung nag-aya. "Bakit kasi horror pa ang pinili-ay shuteeeeek!"
"Shut it down, turn it ooooooff, Ate Isla! huhuhuhu" umiiyak na siya pero tinawanan ko lang siya bago in-exit yung movie. "Ayoko ko na manood ng horror movie!" sigaw niya bago sumubo ng popcorn.
"Itulog mo nalang yan, HAHAHAHAH" tawa ko bago pinatay yung tv. Tumayo na rin siya at inayos yung inuupuan namin bago pumunta sa may ref at ibinalik yung hindi naubos na popcorn. "Ikaw yung nag-aya tapos ikaw rin tong takot na takot"
"Eh, sumigaw karin naman ah?" sabi niya na natatawa din. "Goodnight, ate!" sabi niya at niyakap ako ng mahigpit, napangiti nalang ako. Ngayon may maaasar na ako at may makakasama na ako sa condo, may masasabihan na ako ng mga hinaing ko sa buhay, may kasama na akong kumain araw-araw at may mayayakap na ako sa tuwing kailangan ko ng yakap dahil minsan pagod sa trabaho.
"Goodnight, Riri" niyakap ko rin siya. "Riri na itatawag ko sayo para madali lang banggitin okay? matulog na tayo" sabi ko bago hinintay siyang maunang pumasok sa kwarto niya. Nag toothbrush muna ako bago humiga sa kama at in-open ang Instagram ko.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at napansin ko nalang ang sarili ko na tinitipa sa keyboard yung pangalan niya. After all those past years ngayon ko palang naisipan na i-search uli siya sa Instagram, ganito ba feeling ng hindi pa nakaka-move on? Nilagay ko sa dibdib ko yung cellphone bago tumitig sa kisame.
Nag-iisip ng malalim. Paano kung magkikita kaming muli? Paano ko siya haharapin o iiwasan ko ba siya?
Gustong- gusto ko nang iwanan ang sakit ng nakaraan. I want to forget those pain, those bad memories from the past, gusto kong ibaon na lamang sa limot ang mga nangyari noon, kung paano niya ako pagtaksilan, kung paano niya ako pina-iyak, gusto ko na kalimutan lahat dahil kung hahayaan kong manatili ito sa puso ko, mas lalo akong mahihirapang kalimutan siya, mas lalo akong masasaktan. Pero...pero paano kung hindi ko kaya? parating may pumipigil sa akin sa oras na gagawin ko ang mga bagay na yon.
Ako ang may gusto nito hindi ba? pero parang ngayon lahat pinagsisisihan ko na, parang gusto kung bumalik na parang gusto kung kalimutan na lamang. Pagod na pagod na akong pasanin ang mga katanungang tanging sarili ko lamang ang makakasagot. Alam ko na ang sagot pero ayokong isipin yun dahil hindi pa ako handang kalimutan siya...Naka move on na ba siya? Nakalimutan na ba niya ako? May bago na ba siya? Kamusta na siya? Magkikita pa ba kami?
Nararamdaman ko nalang na may tumulo nang mainit na likido sa mata ko...
It's really hard to forget those unforgettable memories of yesterday...
8:30 na ng magising ako, late na sa trabaho. I stand up quick and rush to the bathroom, I just take a bath about 10 minutes at pumili na ng susuotin. Hindi na nga ako nakapag-lotion dahil sa pagmamadali. I just wear a simple pencil skirt, a white long sleeve at ang suit na jacket na kulay itim. Inilugay ko nalang din ang buhok ko, mamaya ko nalang ipo-pony tail pag natuyo na dahil wala na akong oras mag-blower. Nag-apply muna ako nang kaunting lipstick bago kinuha ang bag at ang mga folders.
Pagkalabas naabutan ko si Clarisse na kumakain mag-isa. Nagulat pa siya nung makita akong nagmamadali.
"Akala ko umalis kana, ate?" tanong niya. "Breakfast is ready, ate Isla"
BINABASA MO ANG
UNFORGETTABLE MEMORIES OF YESTERDAY
Teen FictionTwo hearts cross each others path, they fell in love, created memories together and was indeed happy with each other's embrace but all of those unforgettable memories turned into hatred and pain. From laughter to cries and from smile to tears. cove...
