37

65 8 25
                                    

Nakapalibot kami sa bonfire, medyo malayo sa dalampasigan. Tahimik na ang buong paligid at tanging hampas ng alon lamang ang maririnig at ang tawanan namin. Umiilaw ang mga coconut trees dahil sa lights na pinalibot rito. May lights din sa bridge papunta sa beach hut sa gitna ng dagat, pati narin ang mga beach hut umiilaw na rin.


6:45 pm pa lang ng gabi at hindi ko alam kung kailan kami babalik sa hotel kung saan kami ng se-stay in.


"Architect Perez, maitanong ko lang" sambit bigla ni Dane na pinaglalaruan ang apoy gamit ang isang stick ng kahoy.


"Ano yun, Dane?" tanong ni Architect bago kumuha ng isa ding stick at tinusok-tusok ang kahoy na may apoy. Tahimik lang kami na nakikinig sa kanilang dalawa. Mayroong tatlong log na nakapalibot sa bonfire, yung log na yon ang nagsisilbing upuan namin.



Kadalasang mga nagbo-bonfire ay dito rin pumipwesto dahil may nakahanda na, marshmallow at apoy nalang ang kulang. Magkatabi sina Erica at Ron, sina Dane at Lia, dahil wala naman akong choice kundi tumabi nalang kay Architect. Kinikilig pa silang apat pero binalewala ko nalang dahil magkaibigan lang naman kami.


"If kung ikaw po yung tatanungin tungkol sa issue na ito, diba po natingnan niyo na yung building?" tanong ni Dane at tumango si Architect Perez sa kanya. "Kung ikaw po ang tatanungin Architect, in your own opinion or base sa nakita niyo, do you really believe na earthquake ang possible reason?"



"Yes, I could say that maybe it is the reason dahil we always make sure na matibay ang ginamit na materials at hindi low quality pero hindi tayo sigurado doon dahil wala pang nilalabas na resulta ng investigation ang mga lawyers" mahabang paliwanag ni Architect Perez. "All we need is to wait till they release the result of the investigation"


Napatango kaming lima dahil sa sinabi ni Architect. Kinain ko na din ang marshmallow ko. Suot ko pa din yung suot ko kanina dahil wala akong extra na damit ma dala, ganon din ang iba pa. Nakapagpicture taking na din sila pero hindi ako nagpapicture dahil naka formal attire ako.


"Let's play truth or dare!" masiyahing singit ni Ron. "I'm going to spin the bottle and kung sino ang tatamaan sa huling spin siya ang tatanungin! game?" We all say 'game' pero parang pamilyar sakin ang larong ito. This is was the reason kung bakit hindi naging romantic ang first kiss ko!.



He's my first kiss, my first love, my first man and yet he's the first one who broke my innocent heart. He's the reason why I can't sometimes sleep at night. He's the man who make my heart beats fast every time his near. He's the man who always made me smile with his corny jokes. He's the man whom I love the most until now. He's the man I wanted to marry, to live my life with him forever. Siya ang taong gusto kong makasama habang buhay, siya ang gusto ko maging ama ng mga anak ko. Sa kanya ko lang nakikita ang kinabukasan ko, siya lang. I could say that he's very unique and a rare one dahil wala akong mahanap na katulad niya.


"Engineer?" napabalik ako sa katotohanan ng tawagin ako ni Dane. "Are you okay? si Erica yung tinamaan ng bottle, it's your turn to ask a question"


"Anong iniisip mo, Engineer?" tanong ni Lia. "Your acting weird, what's wrong?" napatingin silang lima sakin habang hinihintay ang sagot ko. Agad akong umiling sa kanila.


"Ah, no. I'm okay! I am" masigla kong sabi sa kanila at pinagpatuloy ang laro. Nag-focus ako ng maigi. Tinanong ko din si Erica. She chose truth over dare so tinanong ko siya, this must be a hard question for her dahil natagalan siya sa pagsagot.


"Kung liligawan a-ako ni Ron, ano isasagot ko?" nabubulol pa siya habang inulit ang tanong ko. Narinig ko ang pag-iba ng tono ng tawa ni Ron, kung kanina ay tunay ito ngayon ay parang pilit na unti-unting naging hilaw. Tumango naman ako at sinenyasan na sumagot na siya. "Ah ano, siguro po ano sasabihin ko na kailangan pa naming mas makilala ang isa't- isa bago kami pumunta sa stage na yan"


UNFORGETTABLE MEMORIES OF YESTERDAY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon