Andy
We visited different shooting spots. This island is really beautiful
"You like it?"
Nilingon ko si Axel. There's something in his eyes that I can't name. Para bang nakikiusap ito na umoo ako
Pero imbis na ibigay ang sagot na gusto nya ay inismidan ko sya. Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang pag ngisi at pag iling nito
"Stubborn wife"
Sinamaan ko sya ng tingin at nauna nang maglakad. Nakalimutan na nya ata na hindi na kami mag asawa
"Andy..."
Napapikit ako nang mariin nang hawakan nito ang braso ko para pahintuin ako sa paglalakad
Bakit ba kasi ang bilis maglakad nila Gabby at bakit ang bagal maglakad ni Axel?!
Marahas kong inalis ang pagkakahawak nya sa braso ko. Ano bang gagawin ko sa isang ito?
May nakita akong isang medyo malaking bato sa may buhangin, pinulot ko iyon at hinarap sya
Nilahad ko ito sa kanya. Kumunot ang noo nya habang tinititigan ang bato na hawak ko. Bumuga ako ng hangin at kinuha ang kamay nya at inilagay ang bato dito
"Ipukpok mo sa ulo mo. Nakalimutan mo na ata na matagal na tayong hiwalay Mr. Greene"
I smiled sarcastically and turned my back on him
Binilisan ko ang paglalakad ko para maabutan at masabayan sa paglalakad sila Hershey
"Pwede na ba akong bumalik sa hotel room ko Mr. Samiro?"
Nilingon ako nito
"You can call me Wayne and about your question, I'll ask Mr. Greene"
I fakely smiled and nodded
"No, we still have more spots to visit. Why don't we divide ourselves into groups and just make a report para mabilis matapos? Para maaga makapagpahinga si Ms. Saavedra"
I can sense the sarcasm in his last words. I did my best to calm myself. This bastard!
"If that's what you want Sir"
Nilingon ko sya. I faked a smile. Tinaasan ako nito ng kilay at hindi nagtagal ay napangisi ito at napailing
"Let's settle the group"
Naglakad papunta sa harap si Wayne at hinarap kami
"We will divide the group into three. Ang bawat group ay magkakaroon ng members from advertising team, stylists, event organizers and models, it means you will have four members"
That's a great idea. May representative ng bawat team sa isang group pero dalawa lang ang models namin
Ang unang group ay sila Hershey kasama nya ang dalawang tao sa iba pang team at ang model na si Crisha
"I'll go with them"
Napatingin ang lahat kay Darren
"Bakit ka nga pala nandito? Walang ka naman role sa project na ito"
"Oo nga pare, hindi ka kailangan dito"
Sinamaan ng tingin ni Darren si Gabby at si Wilson
"Ang sarap salpakan ng shells ang bibig nyo!"
Tumawa lang ang dalawa sa sagot nya
Ang sunod na group ay sila Gabby kasama ang dalawa sa iba pang teams at si Wilson
"Gabby..."
"Shut up hindi kita kilala"
Kumunot ang noo ni Wilson
BINABASA MO ANG
Unwanted
RomanceIn order to save their company, Andy Saavedra needs to sacrifice her happiness and marry the ruthless CEO Axel Greene. She first met him in a charity ball, he was the perfect definition of a hot businessman. She's aware of him being a womanizer and...