Chapter 23

80.9K 1.6K 156
                                    

Andy

Nakarinig ako ng mga katok mula sa pintuan. Hindi na ako nag abala na tignan kung sino iyon at nagpatuloy sa pagbabasa ng mga paperworks. Hindi nagtagal ay pumasok ito

"Ate Andy, nandito na pa yung mga new designs para sa summer collection"

Nag angat ako ng tingin at pinapasok si Hershey. Tuluyan itong pumasok sa loob at may bitbit na folder

I started scanning the designs, kumunot ang noo ko nang may mapansin. Napailing ako at ibinalik ito sa lamesa

"They're almost the same as the last year, wala na bang iba?"

Hershey shook her head

"Tell our designers that I want to see new sets of designs. If these already their best, then we have to look for new designers"

"I'll tell them right away"

Nagpaalam ito at tuluyang umalis ng office ko. I held the side of my head and gently massaged it

Umiling ako at binalik ang pansin sa mga paperworks na dapat kong tapusin

And as I continue doing my paperworks, hindi ko na namalayan ang oras. Nakarinig ulit ako ng mga katok mula sa pintuan at pumasok si Hershey

"Uwi na tayo Ate?"

I glanced at my wrist watch, maggagabi na pala

Inayos ko ang mga gamit sa lamesa ko at tumayo. Isinabit ko ang bag sa balikat at nilapitan si Hershey

"Anong sabi nila?"

"They'll send us their new set of designs by next week"

I groaned

"Wala na bang ibibilis?"

She shook her head

"Tell them that they need to pass their designs in three days"

"Pero ate..."

"May hinahabol tayong deadline Hershey at alam mo namang hindi tayo pwedeng madelay"

"Sige Ate, sasabihin ko sa kanila"

Lumabas kami ng office. Dumiretso ako palabas ng shop at hinayaan na si Hershey na ang magsara nito

"Mauna na tayo sa car"

"Hintayin na natin si Hershey"

"Keribels na ni sweet Hershey yan, gusto ko na talaga makauwi!"

Natawa na lang ako at napailing kay Gabby

I own a clothing boutique. Kasama ko sila Gabby at Hershey na nagmamanage nito. May mga designers ako pero minsan ay ako na mismo ang nagdedesign. If I can just do the designs in our summer collection, I already did kaya lang marami pa talaga akong dapat na tapusin na trabaho at hindi ko na maisingit iyon

I went inside my car at sumunod naman si Hershey

I started the engine and drove off

Hindi naman talaga kami natuloy sa Australia. Pinalabas lang namin na nandun kami pero ang totoo ay si Daddy lang ang bumalik

I chose to stay in my Daddy's province at dito nagsimulang magtayo ng negosyo. Marami ring beach resorts, restaurants, at mga pasyalan dito

Bumibisita naman si Daddy at sila Mommy sa amin kapag may oras sila. May ibang asawa na rin si Daddy, wala naman issue sa akin yun dahil mabait naman si Tita Delly kaya lang ay hindi na sila magkaanak ni Daddy

Nagkaayos na rin sila Daddy at Mommy at totoong masaya ako sa bagay na iyon

Tuluyan na rin namin pinutol ang lahat ng connection na meron kami sa mga Greene. Nakikita ko sila sa news pero bukod dun ay wala na akong alam sa kung anong nangyayari sa kanila

UnwantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon