Chapter 13

77.4K 1.6K 96
                                    

Andy

Napangiwi ako nang lagyan na naman ni Mommy Olivia ng pagkain ang plato ko. Busog na talaga ako pero nahihiya naman akong tumanggi lalo na at nag effort syang magluto para sa akin

She was really happy when she found out that I'm pregnant. She hurriedly went in our place with a lot of baby stuffs. Hindi pa namin alam kung babae or lalake ang magiging anak namin ni Axel kaya ang mga binili nya ay pwede sa babae at lalake

"I'm really happy Andy! Magkaka apo na ako!"

She giggled

"Kumain ka pa Andy. Maganda yan para sa baby nyo ni Axel"

"Baka naman paglabas ng baby nila ay kasing laki na ni Majin Buu"

Tumawa si Wilson

"Para siguro mabilis lumaki yung anak nila Ate Andy"

Kumunot ang noo ni Wilson at ganun din si Darren

"Baka paglabas nyan pwede na yang utusan"

Muntik nang maibuga ni Wilson ang iniinom nyang juice dahil sa sinabi ni Darren

He smacked Darren on the back of his head and laughed. Muntikan na masubsob ang mukha nito sa pagkain nya

"Hershey, kunin mo nga yung cupcakes sa kusina"

Hershey nodded at tuluyan itong umalis

"Aalis na pala ako. Tumatawag na si Boss. Thank you sa meryenda Tita Olivia!"

Darren drank his water and answered his phone then left. Sumunod naman dito si Wilson

"Kamusta na pala kayo ni Axel?"

"Mabuti naman po"

"Yung totoo Andy"

I sighed and then smiled at her

"That's the truth Mom"

Sa nakalipas na mga linggo ay naging maayos naman ang treatment ni Axel sa akin. Everytime our eyes meet, nandun pa rin ang galit na hindi ko alam kung saan nagmumula. I started to think about it, even the first time we've met, on the way he looked at me, I can feel his hatred towards me

Lagi nyang sinasabi sa akin na ako ang dahilan kung bakit nasira ang buhay nya pero ang pakiramdam ko ay may mas malalim pa na dahilan kaysa dun

"I'm glad to hear that"

I tried to smile and I actually did

I recalled on how the way he treats me these past few weeks

Maybe he's only treating me good because I'm pregnant. Tama yun lang ang dahilan and after I give birth, babalik na kami sa kung ano kami noon

I felt a warm hand on top of my hand

"Pagpasensyahan mo na si Axel. I know he sometimes hurts you but please don't give up on him. Alam kong ikaw ang makakapagpabago sa kanya"

Kumunot ang noo ko

"You're the only one who can help him. You're the only one who can heal his heart and free him from his hatred and pull him away from darkness"

"I-i think you're wrong about that. Hindi po ako ang makakapagpabago kay Axel. I don't have the ability to tame him, I can't tame a beast"

I don't know where I got the courage to say that on Axel's mother. Siguro dahil na rin sa nararamdaman ko na galit kay Axel. If he really had a tough past, hindi pa rin yun sapat na dahilan para sa akin nya ibuhos ang lahat ng frustrations nya

"Andy, please wag sana dumating yung araw na sukuan mo sya. He needs you, ikaw at ang anak nyo. He maybe doesn't like this marriage but I know, mahalaga ka na rin sa kanya. Wag mo sana syang iwan"

Napayuko ako. I'm worthless in his eyes, lagi nyang ipinamumukha sa akin yun

"I can't promise anything. I'll stay hanggang sa kaya ko pa pero pag dumating yung araw na hindi ko na talaga kaya, I'll leave"

I raised my head and stared at her

"I know he's your son and you care for him so much but please, consider my feelings too dahil hindi lang si Axel ang nahihirapan sa sitwasyon namin"

"I'm sorry if I sounded so selfish. Ikaw na lang ang nakikita kong makakatulong kay Axel. You're the only one who can fix him"

"If there is someone who need to be fix here, it's me and not him"

How can I fix someone who's trying to ruin my life completely?

"What are you doing here?"

Nag angat ako ng tingin at nakita si Axel

"I just visited your wife"

He just stared at her blankly

Axel held my hand at inalalayan akong tumayo

"Let's go, may pupuntahan tayo"

Kumunot ang noo ko, inalalayan ako nito papasok ng sasakyan. Darren smiled at me

I didn't bother to ask him. He doesn't like it when I'm asking where are we going. Darren started the engine and drove off

I leaned closer to Darren

"Saan tayo pupunta?"

"Why are you asking him?"

Nilingon ko si Axel, nakakunot ang noo nito

"You told me that I'm not allowed to ask you kaya si Darren na lang ang tinanong ko"

Nagsalubong ang mga kilay nito

"Sa may----"

"Shut up motherfvcker and focus on driving"

Darren chuckled and shook his head

I focused myself outside the window

I yawned. Kanina pa talaga ako inaantok. Nahihiya lang ako na iwan si Mommy Olivia sa may living room

Naramdaman ko ang pagbigat ng mga talukap ko at unti unti ay tuluyan na akong nakatulog

Nagising ako nang may marinig na ingay

Nakangiwi na nilingon ako ni Darren

"Pasensya na, tumatawag si Wilson"

Mabilis itong bumaba ng sasakyan. Nilibot ko ang paningin ko. Nakahinto na ang sasakyan at nakasandal ako sa balikat ni Axel. Wait what?! Napaatras ako at nakita si Axel na nakatingin sa akin. He arched his brow

"Bumaba ka na, nandito na tayo"

Nauna itong bumaba. Damn, gaano katagal na akong tulog? Napailing ako at bumaba na rin ng sasakyan

"Wilson is fuming mad. Kanina pa daw sya naghihintay"

Axel just stared at him

"Do I look like I care?"

Napakamot naman si Darren. Nauna nang maglakad palayo si Axel

"Nandito si Wilson?"

He nodded

"Kanina pa sya sa loob at naghihintay sa atin"

"Matagal ba ang naging byahe natin?"

Napangiwi ito

"Actually, mabilis lang ang naging byahe, matagal lang talaga ang naging tulog mo"

Kumunot ang noo ko

"Ang sabi kasi ni Axel ay wag kang gisingin at hayaan kang matulog kaya hinayaan ka na lang namin. Isa pa ay mukhang ang sarap din ng tulog mo sa balikat ni Axel, medyo kinilig ako dun"

He grinned

Tinalikuran ko si Darren at sumunod kay Axel. The fact that he let me fall asleep on his shoulder was quite unbelievable at ngayon ay malalaman ko na naghintay sya hanggang sa magising ako? You've got to be kidding me. He hates waiting at lalo na kung ako ang hihintayin nya, he even told that on my face

He's really unpredictable. Hindi mo alam kung ano ang tumatakbo sa isip nya. But there this one thing is for sure, I can't just easily trust him

#hh

UnwantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon