Andy
Naramdaman ko ang sakit ng katawan ko. Nilibot ko ang paningin ko para alamin kung nasan ako. Mula sa mga white walls at medical stuffs, hindi ako maaaring magkamali, nasa hospital ako
Sinubukan kong umupo pero napangiwi ako dahil sa biglang sakit na naramdaman ko. Ano bang nangyari?
"Andy, gising ka na pala"
I ignored her when something flashed on my mind
Nakabibinging busina at mga sigawan, the blinding lights and the blood. My eyes widen when the realization hit me
"Mommy! A-anong nangyari sa baby ko? Ligtas naman sya di ba? Please tell me that my child is safe"
Malungkot ako nitong tinignan at umupo sa may silya sa gilid ko
"Anak, about your baby..."
Biglang bumukas ang pintuan at may pumasok
"Kamusta ang pakiramdam mo?"
She smiled at me pero mababakas ang lungkot sa mga mata nya. Ano bang nangyayari?
Inilipat nito ang tingin kay Mommy
"Nasabi mo na ba sa kanya?"
Nilingon ko si Mommy pero nag iwas lang ito ng tingin
"I-is there something I need to know?"
"Its about your child"
"A-anong nangyari sa anak ko?!"
Nakaramdam bigla ako ng kaba
"I'm sorry to tell this but your baby didn't make it"
Parang tumigil ang mundo ko sa narinig. This can't be true, I didn't lose my child. I shook my head, nagsimulang tumulo ang mga luha ko kasabay ng panginginig ng mga kamay ko at pagsikip ng dibdib ko
"Y-you're lying..."
"I wish I am. I'm so sorry for your lost"
Nilingon ko si Mommy, umiiyak na rin ito. Please Mommy don't cry, wag mong ipamukha sa akin na totoo ang sinasabi nya!
"Nasabi ko na ito sa asawa mo and according to him ay mas mabuting wag muna sabihin sayo ang nangyari sa anak nyo. I consulted your mother at sa tingin ng Mommy mo ay mas makabubuting malaman mo ito at karapatan mo rin malaman ang nangyari sa baby mo"
She excused herself at naiwan kami ni Mommy
"Andy..."
"She's just lying, right?"
Mas lalo lang itong humagulhol at binaon ang mukha sa balikat ko
"I'm so sorry, anak!"
Nagtuloy tuloy sa pagtulo ang mga luha ko. Pakiramdam ko ay bigla akong nanghina
"Bakit kailangan m-mangyari ito Mommy? Bakit yung anak ko pa?"
Hindi ko na napigilan at tuluyan nang bumuhos ang sakit na nararamdaman ko. Why this is happening to me?! Bakit yung anak ko pa?
"A-andy..."
"I-i never asked for any wealth or what. Buong buhay ko ay wala a-akong inisip kung hindi ang matulungan si Daddy. Nawala ka na sa akin noon at ayokong mawala rin sa akin si Daddy. I even married Axel just to help him, i-isinantabi ko ang nararamdaman ko. Pero Mommy, bakit nangyari ito? Hindi n-naman ako naging selfish di ba? I-i just want to have a peaceful life with my child. Pero bakit iyon ay ipinagkait sa akin?"
Niyakap nya ako. Naging mabuti naman akong anak. Kahit nasasaktan na ako ay pinipilit kong maging mabuting asawa kay Axel. My baby is one of the best thing that happened to me pero wala na sya ngayon
BINABASA MO ANG
Unwanted
RomanceIn order to save their company, Andy Saavedra needs to sacrifice her happiness and marry the ruthless CEO Axel Greene. She first met him in a charity ball, he was the perfect definition of a hot businessman. She's aware of him being a womanizer and...