Chapter 26

72.2K 1.4K 33
                                    

Andy

The event went well at natutuwa ako dahil nagustuhan ni Mrs. Mariano ang mga designs namin. She even recommended us to her colleagues

I must admit, Darren is very professional when it comes to work. We rarely talk about personal lives at tuwing break time ay dun lumalabas ang pagiging madaldal nya

He always visiting Coreen at ngayon nga ay nasa living room ito at nakikipaglaro kay Coreen

"Nakakahalata na ako kay Darren"

Nilingon ko si Gabby, nakatingin ito kay Darren at seryoso ang mukha nito

Kumunot ang noo ko

"Sa tingin ko ay ginagawa nya lang na excuse si Coreen para pumunta dito pero ang totoo ay pumupunta yan dito para makita si Hershey"

Binalik ko ang tingin kay Darren at Coreen. Lumapit sa kanila si Hershey na may dalang tray na may laman na mga snacks. Mabilis na tumayo si Darren at tinulungan ito

I heard Gabby chuckled

"I told you"

She turned her gaze to me and smirked

I'm not an idiot, napapansin ko rin naman yun. I don't have the rights to stop him for pursuing Hershey at sa nakikita ko ay gusto rin naman sya ni Hershey

Parang kapatid ko na si Hershey and of course I care for her. If she likes Darren, then I'll support her

"I can't see any wrong about Darren pursuing Hershey"

"Ang akala ko ba ay ayaw mong magkaroon ng involvement sa mga taong malapit sa ex husband mo?"

Bumuga ako ng hangin

"I think I can trust him at tulad ng napag usapan namin, wala syang sinabi kay Axel tungkol kay Coreen"

Gabby rolled her eyes

"Syempre hindi nya gagawin yun. Kapag ginawa nya yun ay siguradong malalayo sa kanya si Hershey"

I chuckled and shook my head

"Silly, hindi ko idadamay si Hershey sa problema ko. She has her own life, whatever her decision is, if I think it is good for her, I'll support her"

"Me too but honestly, medyo may doubt ako kay Darren. Malakas ang pakiramdam ko na mabilis lang yan magpalit ng babae"

She sighed

"But still, na kay Hershey pa rin ang desisyon"

Inalis nya ang pagkakasandal sa may counter at naglakad papunta sa living room. Sinundan ko sya at umupo sa may couch. Agad na lumapit sa akin si Coreen at umupo sa hita ko

"Nagpaorganize ako ng party. It's just a small celebration for the success of our event. I'm expecting you guys to be there"

Tatanggihan ko na sana si Darren pero mabilis na sumingit si Gabby

"Did you just say party?"

"Ahm yeah?"

Nagliwanag bigla ang mukha ni Gabby

"I'm super excited! Hindi ko na maalala yung last time na pumunta ako ng party!"

"You went in a party last week Ate Gabby"

Kumunot ang noo ni Gabby

"Oh about that, di ko masyadong feel ang party na yun"

She giggled

"When is the party Darren?"

"Mamayang gabi na"

Her smiled widen. Mabilis itong tumayo

UnwantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon