Chapter 36

69.1K 1.5K 62
                                    

Andy

Medyo natagalan kaming nakauwi sa amin dahil dumaan kami sa may shop

Gabby parked the car and we went inside our house

Si Manang Mona ang nagbukas ng gate at mukhang nagulat pa ito nang makita kami

"What's with the face Manang Mona?" tanong ni Gabby at pumasok sa loob

"May problema po ba?"

"A-ano kasi hija..."

Kumunot ang noo ko

Mukhang walang balak ito na sagutin ang tanong ko

"You can save the talk for later, let's get inside"

Sumunod ako kay Gabby at nakita ito na nakatayo at nakaharap sa may living room

"Oh shit"

My brows furrowed

Sinundan ko ang tinitignan nya at halos mabuwag ako sa kinatatayuan ko nang makita ang tinitignan nya

Damn! Anong ginagawa nya dito?

My eyes widen when I noticed that he's playing with Coreen

Hindi ko na namalayan na nahulog ang bitbit kong paper bag na naglalaman ng pasalubong ko para kay Coreen

Gumawa iyon ng ingay dahilan para mapatingin si Axel at Coreen sa lugar namin

"Mommy!"

Coreen went on her feet and ran to my place

Niyakap ako nito pero di ko magawang buhatin ito at yakapin pabalik dahil hindi pa rin nagsisink in sa akin ang mga nangyayari

"Is there a problem Mommy?"

I was back from my reverie when I heard her soft voice again

Mabilis akong umiling at pinantayan ito. My hands were still shaking but I still managed to pick up the paper bag and gave it to her

"Is this for me?" she asked excitedly

I nodded and smiled

"Pasalubong ko sayo"

She smiled and kissed my cheek

Nilabas nya ang starfish stuffed toy, napanguso ito

"Hindi mo ba nagustuhan?"

"Parehas po kayo ng binigay ni Daddy"

Hindi agad ako nakapagsalita

Nagpakilala na ba sya kay Coreen?

Nilingon ko si Axel. Nakatuon ang tingin nito sa amin at sa may center table ay nakita ko ang starfish stuffed toy na kaparehas ng ibinigay ko kay Coreen

"But I don't mind having two starfishes! Thank you Mommy!" she giggled and hugged me again. I hugged her back

Ibinalik ko ang tingin kay Axel

"Come here baby, kwentuhan mo kami ni Tita Hershey ng mga nangyari sayo habang wala kami" Gabby took Coreen from me and together with Hershey, they went upstairs

She definitely sensed the situation

Naglakad ako palapit kay Axel. Tumayo ito nang makalapit ako

"What are you doing here?"

"I'm visiting my daughter"

I scoffed. How could he said those words so casually? Like it wouldn't bother me

"You can't just barge here and say those words"

"Is it bad to visit my own daughter?" he asked coldly

UnwantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon